chapter 4

3955 Words
Habang masaya silang nagkukuwentuhan, isang magandang babae ang lumapit kay Matteo. Napakaganda nito—sopistikada at elegante sa kanyang pananamit at kilos. Biglang nakaramdam ng pagkailang si Ehm nang makita niyang magbeso-beso ito kay Matteo, pati kay Jake at sa mga magulang ni Matteo. "Oh, Yeng! Kamusta? Kailan ka pa nakabalik ng Pilipinas?" tanong ni Amelia, na magiliw na binati ang babae. Umupo si Yeng sa bakanteng upuan sa tabi ni Jake. "May tatlong linggo na po yata, Mama Amelia," sagot ng babae, nakangiti. "Lalo kang gumagwapo, Jake! Ilang babae na ang napaiyak mo?" biro nito. "Wala, hindi ko yun forte." Sa sandaling iyon, tila nagliwanag ang alaala ni Ehm—namukhaan niya ang babae. Si Yeng… ito ang babaeng nakita niyang kahalikan ni Matteo sa opisina nito. Agad na sumiklab ang inis sa kanyang dibdib. "By the way, Yeng, this is my wife, Ehm. Ehm, si Yeng—apo ni Nanay Marta," pakilala ni Matteo. Nagkamay sila ni Yeng, ngunit napansin ni Ehm ang bahagyang paghigpit ng hawak ng babae. Ngumiti si Yeng, ngunit halatang may plastik na kislap sa mga mata nito. Ang buong kwento ni Yeng ay naglaro sa isipan ni Ehm—apo ng kasambahay ng mga Montecarlo, nakakuha ng full scholarship sa tulong ng pamilya ni Matteo, at nang magkaroon ng pagkakataon ay nagtrabaho sa ibang bansa. Pero ano ang ginagawa niya rito ngayon? Naasar si Ehm habang tahimik na ininom ang tubig sa kanyang baso. "Babalik ka ba sa Australia, iha?" tanong ni Armando, na siyang ama ni Matteo. Saglit na napatigil si Ehm, tila nabigla sa tanong. Australia? Kagagaling lang ng asawa niya roon. "It's depends, sir. Kinukuha ako ni Matteo bilang secretary," sagot ni Yeng, saka bumaling kay Ehm na may nakakalokong ngiti. "Should I accept?" "You should accept my offer. Sa katunayan, I really need a secretary. Until Tony comes back," sagot naman ni Matteo, walang bahid ng pag-aalinlangan. Ramdam ni Ehm ang nanunuksong tingin ni Yeng, at ang galit na kanina pa niya kinikimkim ay unti-unting bumibigat. Ayaw niyang mag-eskandalo, kaya bago pa tuluyang sumabog ang kanyang nararamdaman ay tumayo siya. "Excuse me. Pupunta lang ako sa comfort room," sabi niya, pilit na pinapanatili ang kanyang ngiti. "Gusto mong samahan kita?" tanong ni Matteo, tila nag-aalala. "No, it's okay. Kaya ko naman," sagot ni Ehm, pilit na pinipigil ang nanginginig na boses, at mabilis na tinungo ang restroom. Matapos pakalmahin ang sarili, lumabas na si Ehm mula sa comfort room. Ngunit sa kanyang pagbalik, wala na si Matteo sa kanilang pwesto. Napalinga-linga siya, at agad niyang natanaw si Matteo at Yeng na magkasama sa dance floor, magiliw na nagsasayaw sa saliw ng romantikong musika, kasama ng iba pang mga bisita. Muling sumiklab ang inis at selos sa kanyang dibdib. Halos hindi niya namalayang lumapit si Amelia sa kanya. "Okay ka lang ba, hija?" tanong nito, puno ng pag-aalala. "Pinipilit ko pong maging okay, Mama Amelia," sagot ni Ehm, pilit na pinipigilan ang nangingilid na luha. "Naku, huwag ka mag-alala, hija," malumanay na sabi ni Amelia. "Para na ding kapatid ang turing ni Matteo kay Yeng. Bata pa lang sila, magkasama na palagi. Huwag mo sanang bigyan ng ibang interpretasyon, ha?" Napatitig si Ehm sa maamong mukha ng biyenan. Alam niyang mabait si Amelia at wala itong alam sa tunay na ugali ni Yeng, lalo na sa mapang-akit nitong mga kilos kay Matteo. "Pero—" pigil na sabi ni Ehm, gustong magsalita at ibulgar ang ginagawang pang-aakit ni Yeng kay Matteo, ngunit natatakot siyang isipin nito na nagseselos lang siya kaya hinid nalang niya tinuloy ang sasabihin. Wala siyang ebidensiya, at ayaw niyang mapahiya. "Opo, Mama…" sagot na lang ni Ehm, pilit na pinipilit na ngumiti. Ngunit sa loob niya, nag-aalab ang galit at selos—isang damdaming pilit niyang kinukubli. Naglalakad na sila sa parking nang tawagin ni Yeng si Matteo. Agad nila itong nilingon.. "Matt, pwede mo ba akong tulungang maialis yung sasakyan ko doon?" malanding tanong ni Yeng, naka-angat pa ang isang kilay at may matamis na ngiti. "Sure," mabilis na sagot ni Matteo. "Thank you ha, naipit kasi ng dalawang kotse," paliwanag ni Yeng, na bahagyang humaplos sa braso ni Matteo. Bago sumama kay Yeng, inalalayan muna ni Matteo si Ehm na makapasok sa loob ng sasakyan. Sinara nito ang pinto bago bumalik kay Yeng para tulungan ito. Mula sa loob, natanaw ni Ehm kung paano ngumiti si Yeng at bumeso pa kay Matteo. Nakita rin niya ang magaan na tawanan ng dalawa. "Aba, at bumeso-beso pa. At ang saya pa ng loko," bulong ni Ehm sa sarili, ramdam ang bahagyang kurot ng selos sa dibdib. Maya-maya pa, bumalik na si Matteo at sumakay sa sasakyan. Agad niyang pinatakbo ang kotse palabas ng parking area. "Wala ka yata sa mood? Are you okay? May masakit ba sa'yo?" tanong ni Matteo, sinulyapan siya nang may pag-aalala. "Wala. Naisip ko lang… bakit parang ang clingy naman sa'yo ni Yeng? Kung makakapit, parang linta," sarkastikong sagot ni Ehm, nakatingin sa bintana. "Nagseselos ka ba?" biro ni Matteo, halatang aliw sa reaksyon ng asawa. "Ha? Ako? Bakit ko naman siya pagseselosan? Mas maganda naman ako nang di hamak," sagot ni Ehm, pilit na nagpapakalmante kahit halata ang inis sa boses niya. Biglang ihininto ni Matteo ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Inabot nito ang seatbelt, tinanggal, at mabilis na yumuko kay Ehm, hinagkan siya sa labi. Saglit na natigilan si Ehm, nanlaki ang mga mata, ngunit agad ding napapikit sa tamis ng halik. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, napangiti si Matteo sa namumulang mukha ni Ehm. Muling itinali ang kanyang seatbelt at nagpatuloy sa pagmamaneho. "Still shy even if we've done it in a passionate way?" tukso ni Matteo, may mapang-asar na ngiti. Namula si Ehm, agad na hinawakan ang kanyang labi, pilit na tinatago ang ngiti. "What?" natatawang tanong ni Matteo. "Want more?" Agad na umiwas ng tingin si Ehm, kunwaring nakatuon sa tanawin sa labas ng bintana, pero hindi mapigilang mapangiti. Maagang nagtungo sa resto si Ehm kinabukasan dahil puno ng reservation ang araw na iyon. Abala siya sa pag-aasikaso nang kumatok ang isa sa kanyang mga staff. "Tuloy," sagot ni Ehm, hindi inaalis ang tingin sa ginagawa. Pumasok si Kris, halatang may dala. "Ma'am, may dumating pong package para sa inyo. Kanina pa daw po, nakalimutan lang iabot ni Manong Guard." "Sige, pakilapag na lang diyan. Salamat," sagot ni Ehm. Matapos tapusin ang kanyang ginagawa, agad niyang binuksan ang kahon. Ngunit sa halip na kasiyahan, galit at sakit ang bumungad sa kanya. Nanginginig ang mga kamay ni Ehm nang makita ang mga litrato—mga larawang kuha ng asawa niyang si Matteo at ni Yeng, magkasama at tila malapit na malapit sa isa't isa. Mga eksenang tumutugma sa kanyang masakit na alaala noong bumisita siya sa opisina ni Matteo. Pinilit niyang kumalma, ngunit ang kirot sa dibdib ay unti-unting nanumbalik. Napaluha siya, hindi napigilang bumigay sa emosyon. Ngayon din ang unang araw ni Yeng bilang secretary ni Matteo. Kanina pa niya itong pilit binabalewala sa isip, pilit na pinagkakatiwalaan ang asawa at kinakalimutan ang nangyari. Ngunit ang mga litratong ito ay parang muling nagbukas ng sugat na hindi pa tuluyang naghihilom. Halos magtatanghali na, pero hindi pa rin siya makapag-isip ng maayos. Sa wakas, napagpasyahan niyang puntahan si Matteo sa opisina nito—kunwaring magdadala ng pagkain. Ngunit sa totoo lang, nais niyang makita kung ano ang nangyayari. Habang papunta sa opisina, ramdam ni Ehm ang kabang bumabalot sa kanya. Sa bawat segundo sa elevator, tila lalo lamang tumatagal ang oras. Hindi niya alam na isang receptionist ang pasimpleng nagmamasid sa kanya at agad na tumawag. "Yeng, tama ka. Dumating na si Ehm. Paakyat na yung intrimitidang karibal mo." Haha, sige," sagot ni Yeng sa kabilang linya, at mabilis na inihanda ang kanyang plano. Tinawagan ni Yeng si Matteo sa intercom. "Sir, coffee?" "Sure, salamat, Yeng," sagot ni Matteo, abala sa kanyang ginagawa. Mabilis na nagtimpla si Yeng ng kape at naglakad papunta sa opisina ni Matteo. Pagbukas ng pinto, nadatnan niyang nakasandal si Matteo sa lamesa nito, habang nakikipag usap sa cellphone. Nilapag ni Yeng ang kape, ngunit sadya niyang tinapilok ang sarili, dahilan para tumapon ang kape sa dibdib ni Matteo. "Shoot…" sabi ni Matteo, "I'll call you later, Joaqs." saka mabilis na binaba ang tawag. Tinulungan niyang makatayo si Yeng, ngunit nagulat siya nang mabilis nitong binuksan ang tatlong butones ng kanyang polo. "Okay na, Yeng. Kaya ko na," sabi ni Matteo, halatang naiilang na. Kinuha niya ang tissue mula sa kamay ng babae at siya na mismo ang nagpunas. "Ay, pati pants mo nabasa," mabilis na sabi ni Yeng, yumuko at nagkunwaring pinupunasan ang harapan ng pantalon ni Matteo. Ngunit sa gitna ng kanyang pagpapanggap, biglang may malakas na tunog ng bumagsak sa sahig. Napalingon si Yeng sa pinto—at nandoon si Ehm, tulalang nakatingin sa kanila. Biglang tumalikod si Ehm at nagmamadaling tinungo ang elevator, paulit-ulit na pinipindot ang down button nito. Umaagos na ang luha sa kanyang mga mata, ngunit pilit niyang tinatago ang paghikbi. "Ehm, sandali! Magpapaliwanag ako!" sigaw ni Matteo, agad siyang sinundan at hinawakan sa braso, pilit na hinaharap sa kanya. Sa isang iglap, isang malakas na sampal ang sumalubong kay Matteo. Tumunog nang malinaw ang lagapak nito sa tahimik na hallway. "Ano pang ipapaliwanag mo? Hindi ako bulag! Tama nang nagpakatanga ako sa'yo nung una!" sigaw ni Ehm, nanginginig ang boses sa galit at sakit. Muli siyang humarap sa elevator, pilit na pinipindot ang button. Hindi pa man nakakabawi si Matteo ay lumapit si Yeng, may halong pang-aasar sa kanyang mukha. "Sorry, mali ka ng aka—" "Ahhhh!" tili ni Yeng, naputol ang sasabihin nang biglang hablutin ni Ehm ang buhok nito. Parang nawala ang kontrol sa sarili ni Ehm. Nagsimulang magsabunutan ang dalawa, walang pakialam sa mga nakakakita. Nahila ni Yeng ang buhok ni Ehm, ngunit mas malakas ang kapit ng galit ni Ehm. "Pakawalan mo ako, baliw ka!" sigaw ni Yeng, nagpipilit kumawala. "Baliw? Ikaw ang baliw! Kabit! Walang delikadesa!" bulyaw ni Ehm habang tuloy ang pagkakaladkad sa babae. Nasa kalagitnaan sila ng kanilang pag-aaway nang sa kanilang pagkatulak ay parehong nawalan ng balanse at bumagsak sa hagdanan. Gumulong silang dalawa pababa, umaalingawngaw ang mga sigaw at kalabog ng kanilang mga katawan sa bawat baitang. "Ehm!" sigaw ni Matteo, mabilis na tumakbo pababa para habulin sila. Pagdating sa ibaba ng hagdanan, si Ehm ay naka-upo, hawak ang ulo na tila nahihilo, habang si Yeng naman ay namimilipit sa sakit at nagmamaktol. "Ehm, are you okay?" Mabilis na nilapitan ni Matteo ang asawa, ngunit tinabig siya ni Ehm. "Layuan mo ako, Matteo! Layuan mo ako!" sigaw ni Ehm, pilit na tumatayo kahit nanginginig ang mga tuhod. "Ehm, please…" pagsusumamo ni Matteo, halatang nag-aalala. Ngunit hindi na siya pinakinggan ni Ehm. Sa gitna ng kirot sa katawan at ng sakit sa puso, mabilis siyang naglakad palayo, iniwan si Matteo at si Yeng na natulala. Habang si Ehm ay patuloy na umaatras palayo kay Matteo, naramdaman niya ang bigat ng kanyang katawan. Ang galit, sakit, at pagkabigo na pilit niyang tinatago ay bumangon at parang napagod siya sa lahat ng emosyon na ito. Hindi na niya nakayanan. Bago pa makalayo, bumagsak ang katawan ni Ehm, hindi na nakapag-hold sa sarili at nawalan ng malay. "Ehm!" sigaw ni Matteo, mabilis na yumakap at binuhat siya sa kanyang mga braso. "s**t, Ehm!" ang takot sa boses ni Matteo. Agad siyang nagmamadaling nagtakbo pabalik sa loob ng building. "Help! Tumawag kayo ng ambulansya?!" sigaw ni Matteo sa mga taong naroroon. Si Yeng ay natulala sa nangyari. Naglakad siya palapit sa kanila, ngunit natigil siya sa galit at takot na makita si Ehm na nawalan ng malay. Hindi na siya nakagalaw. "Matteo, ano'ng nangyari sa kanya?" tanong ni Yeng, nag-aalalang lumapit sa kanila. "Wala kang pakialam!" galit na sagot ni Matteo kay Yeng habang tinutulungan ang asawa niyang ibalik sa kwarto ng building. Halos isang linggo si Ehm sa ospital. Sa kabila ng sakit na nararamdaman,dahil sa pagkawala ng anak na nasa sinapupunan ay ni hindi siya dinalaw ng asawa o tinanong man lang kung kumusta na siya. Nang siya ay madischarged, ang mga in-law niya ang naghatid sa kanya pabalik sa condo nilang mag-asawa. Ramdam na ramdam ni Ehm ang pag-aalala ng mga ito, lalo na sa hitsura niyang punong-puno ng kalungkutan. Iba’t ibang emosyon ang naglalaban sa kanyang puso. Bago siya bumaba mula sa sasakyan, hinarap siya ni Amelia, ang kanyang biyenan. "Magusap kayong mabuti ni Matteo, hija," malumanay na wika ni Amelia, habang hinahaplos ang balikat ni Ehm. "Halos hindi na siya kumakain. Puro alak nalang ang laman ng tiyan niya. Pati ang kumpanya niya, hindi na niya naaasikaso. Pero si Armando ay nakaalalay naman, kaya wag mong alalahanin iyon. Hija, walang may kasalanan sa nangyari. Hindi lang nagkaintindihan ang lahat." Ang mga salitang iyon ni Amelia ay hindi nakatulong upang alisin ang mga alalahanin ni Ehm. Sa maikling panahon kilala niya si Matteo. Tinutok lang niya ang paningin sa harap niya at dahan-dahang bumaba mula sa sasakyan. Nang makapasok siya sa loob ng kanilang condo, nakita niyang andoon si Matteo, nakaupo sa bar counter at umiinom ng alak. Wala nang pasabi, kinuha ni Ehm ang bote ng alak mula sa mga kamay ni Matteo. "Tama na yan," mahinang sinabi niya, bagama't ang totoo, nais niyang yakapin ang asawa at umiyak ng buong puso. "Bitawan mo yan!" galit na sigaw ni Matteo, na para bang iniiwasan ang kontak nila. "Ikaw pa tong may ganang magalit pagkatapos ng pakikipaglandian mo sa babaeng yun!" Hindi na nakapagpigil si Ehm at napataas ang boses. "Ganyan ba kakitid ang pag-iisip mo?" matigas na sagot ni Matteo. "Nilamon ka na ng maling akala mo!" Ipinalabas ni Matteo ang video ng nangyari noong araw na iyon, kung saan kitang-kita ang insidente sa opisina. Tahimik lang si Ehm habang pinapanood ang video. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang paliwanag. Ang galit na nararamdaman ay mistulang napakalaki, pero ang pinakamalalim na sugat ay ang pagkatalo niyang hindi nakaya ang sarili niyang mga emosyon. Siya pala ang dapat sisihin sa pagkawala ng anak nila. "Ito lang ba ang dahilan ng lahat?" tanong ni Matteo, binabalik ang mga kasunod na nangyari. Nagngingitngit ang panga ni Ehm. "Hindi lang naman iyan ang unang beses na nakita kong nagtaksil ka sakin! Nakita ko kayong naghahalikan, sa mismong opisina mo!" Puno ng sakit at galit ang mga salita niya. "Tama na Ehm," sabi ni Matteo, halatang nag-aalburuto. "Ano nanamang imbentong kwento yang tinatahi mo dyan para lang mapagtakpan ang pagkakamali mo?" "Sorry!" umiiyak na sabi ni Ehm. "Oo, kasalanan ko. Pero Matt, hindi ako nagsisinungaling! Nakita ko kayo, ng walang hiyang babaeng iyon!" "Hindi kita mapapatawad!" galit na sagot ni Matteo, sabay inisang lagok ng natitirang alak sa baso. "BAKIT BA HINDI NALANG IKAW ANG NAWALA?" Sumabog ang mga salitang iyon mula sa bibig ni Matteo bago siya umakyat sa kwarto. Ang mga salitang iyon ay parang tinadtad na espada na dumaan sa puso ni Ehm. Naglagaslas ang mga luha, ngunit hindi niya alam kung anong mas masakit—ang mga salitang binitiwan ng asawa o ang katotohanang iyon ang naging dahilan ng pagkawala ng angel nila. Matagal na nagstay si Ehm sa sala, naguguluhan. Nagkamali ba ako? tanong niya sa sarili. Pero ano ang mga litratong dumating na iyon? At sino ang nagpadala noon? Ipinilit niyang itago ang mga tanong sa kanyang isipan, ngunit patuloy pa rin siyang kinakalabit ng mga duda. Intensyon ba ni Yeng na magkasira kaming mag-asawa? Puno ng kalituhan, inisip din niya, Bakit pati ang anak namin? Hanggang sa mapagod, nagdesisyon siyang umakyat sa kwarto. Kailangan niyang magpahinga at kalmahin ang sarili. Pagkatapos maligo at magbihis, tinabihan niya ang asawa sa kanilang king-size bed. Nakatalikod siya dito, hindi pa rin sigurado kung anong direksyon ang tatahakin ng kanilang relasyon. Narinig niya ang mga kilos ng asawa, at naramdaman niyang bumangon ito mula sa kama. Walang imik, lumabas ito ng kwarto. Hindi pa siya nakatulog ng tuluyan nang mapansin niyang hindi pa rin bumabalik ang asawa. Pagkagising ni Ehm sa umaga, sinilip niya ang asawa mula sa study room. Nakita niyang natutulog ito sa sala ng study room, isang pahiwatig na hindi talaga siya dumaan sa kwarto. Hindi maiwasang makaramdam ng sakit si Ehm, ngunit nagpatuloy siya sa pag-aasikaso ng almusal, pilit iniiwasan ang mga saloobin na patuloy na gumugulo sa kanyang isipan. Habang naghahain siya ng pagkain, nakita niyang lumabas ang asawa mula sa guest room at dumaan patungo sa kanilang kwarto. Inihanda na ni Ehm ang lahat—ang pagkain sa mesa at pati ang baon ni Matteo. Pero nang makita niyang pababa na ito, napansin niyang hindi isinusuot ng asawa ang damit na inihanda niya. “K-kain ka muna bago ka pumasok sa trabaho,” mahina niyang sinabi, na may halong pag-aalala at kalungkutang hindi kayang itago. Hindi siya pinansin ng asawa at nagpatuloy ito sa paglabas ng condo, parang hindi na siya naririnig. Ang sakit na naramdaman ni Ehm ay tulad ng isang pira-pirasong puso—bawat sandali ay nagpapasakit sa kanya ng higit pa. Hindi pumasok si Ehm sa resto. Nasa loob lang siya sa condo nila, nanonood ng comedy, pero hindi maiwasang magpatuloy sa pag-iyak. Ang mga mata niyang puno ng luha ay hindi pa rin matanggal ang bigat na nararamdaman. Habang nakaupo siya, bigla na lang nag-doorbell. Nang binuksan niya ang pinto, ang mga kaibigan niya ang nandoon. Hindi na niya nakayanan, mahigpit na niyakap niya ang mga ito at muling umiyak. “Iyak agad?” natatawang sabi ni Lani. “Magmumukmok ka na lang ba dito?” alalang sabi ni Angge na pinipigilan na ding maiyak. Naglakad sila patungo sa kusina, hindi na nagtanong pa si Angge dahil alam na nilang lahat na para kay Matteo ang niluto ni Ehm, pero nagpatay-malisya na lang ang mga kaibigan upang hindi na mabigatan ang loob ni Ehm. “Kamusta naman kayo ni Matteo?” tanong ni Lani habang naglalagay ng plato sa harapan niya. Naglagay din si Angge, at sumunod si Ehm sa pagkain. Tumigil si Angge at sinita si Lani. “Ano ka ba, kumain muna tayo.” sabi ni Angge. Habang kumakain, naramdaman ni Ehm ang gutom. Kagabi pa siya hindi kumakain, at ngayon lang niya naisip na kailangan din niyang magpahinga. Pagkatapos nilang kumain, nag-alok si Lani na manuod ng pelikula. At kagaya ng inaasahan, hindi na siya nakapagpigil. Nandiyan na naman ang mga luha habang tawa naman ng tawa ang dalawa. Inabutan siya ni Lani ng tissue, at hindi siya pinigilan ng mga kaibigan, pinili nilang makinig at hayaan siyang maglabas ng emosyon. “Salamat ha?” sabi ni Ehm, ang tinig ay puno ng pasasalamat at pagluha. "Kahit papano, nabawasan ang sama ng loob ko at galit ko sa sarili ko." “Alam mo, wala namang may gusto sa nangyari. Natural lang na ganun ang maging reaksyon mo, babae ka, nagseselos.” sabi ni Angge. “Yup, everything happens for a reason.” sabi ni Lani, at may hindi inaasahang pagnanais na magbigay ng pag-asa kay Ehm. “Malay mo, magkakaroon ulit kayo ni Matteo ng second baby, diba?” “Hindi niya na ako pinapansin kagaya ng dati.” tampong sagot ni Ehm. “Kaya susuko ka na lang?” tanong ni Angge, hindi makapaniwala sa nadinig. “Gamitan mo ng karisma mo, ligawan mo!” biro ni Lani. “Wow... Bakit, nililigawan mo na ba si Warren?” kwento ni Angge, nagbibirong maligaya. “Yuck, hindi ko liligawan yun, kahit pa siya nalang ang lalaki sa mundo!” tawang sagot ni Lani. “Maka-yuck, e, patay na patay ka nga sa kanya nung college.” natatawang sagot ni Angge. “Huh, at least nagising na ako sa katotohanang hindi ko pala talaga sya gusto." "Ikaw Angge kaylan mo balak mag asawa?" tanong ni Ehm "Asawa agad wala ngang boyfriend at hindi ko na yata dapat pang pangarapin." Binato siya ni Lani ng popcorn. “Ang drama mo… Maganda ka no? Sexy, pinagpala sa boobs at balakang. Matalino, masipag… Kaya makakahanap ka din?” pagtatanggol ni Lani. “Hindi naman siya naghahanap. Trabaho lagi ang hanap nya." sabi ni Ehm “E bakit parang sakin na napunta ang usapan? Ang mabuti pa kumain nalang ulit tayo." Naramdaman ni Ehm ang ginhawa sa loob ng kanyang dibdib. Nagsimula siyang magpasalamat sa mga kaibigan na nariyan para sa kanya. Bigat na bigat siya sa problema, ngunit pinipilit ng mga ito na pagaanin ang kanyang pakiramdam. Saglit niyang nakalimutan ang mga bangungot at kalungkutan na nagbigay sakit sa kanya. “Pero alam niyo, ang pinagtataka ko… Kung sino ang nagpadala ng mga litrato na iyon.” sabi ni Ehm, na para bang ang tanong na iyon ay hindi mawala sa kanyang isipan. “Baka concerned citizen?” sabi ni Angge, patawa. “Nasaan na ba ang mga litrato na iyon?” tanong ni Lani. “Ipinapahanap ko kay Kris, pero hindi na daw niya mahanap sa opisina ko… Kaya wala akong maipakitang pruweba.” malungkot na sabi ni Ehm, na naglalaman ng lungkot na hindi pa rin nawawala. "Sinadya ba? Pero sino?" sabi ni Lani "Yun ang gusto kong malaman." sabi ni Ehm Pagkaalis ng mga kaibigan nagluto siya ng hapunan para sa asawa. Pero hatingabi na, at wala pa rin si Matteo. Hanggang sa makatulog na siya sa sala, hindi pa rin ito umuwi. Araw-araw siyang nagaantay, pero wala pa ring pagbabago. Kahit tinatawagan niya ito, hindi ito sumasagot. Isang araw, napagpasyahan na niyang pumasok sa trabaho. Hindi na niya halos nakikita ang asawa, at miss na miss na niya ito. Hindi niya alam kung paano aaluin si Matteo at kung paano siya magiging matatag para sa kanilang relasyon. Kaya bago magtanghalian, nagdesisyon siyang dalhan ng pagkain ang asawa sa opisina nito. Pumasok siya sa building at doon na naghintay sa opisina ng asawa. Sabi ng receptionist, nasa meeting daw si Matteo. Pero pasado alas tres na, at wala pa rin siya. Matagal nang tapos ang meeting ni Matteo, ngunit nang malaman niyang nandoon si Ehm, hindi na siya agad lumabas. Kaya pinili niyang magpanggap na abala. Nagpumilit pa siyang magpahinga sa conference room hanggang dumating ang isa niyang staff. “Sir, nakaalis na po si Mrs. Montecarlo.” sabi ni Elissa, ang isa sa mga staff niya na tumatayong secretary niya habang nagpapahinga si Yeng, dahil maga pa ang kamay nito mula sa trabaho. Doon, saka lang lumabas si Matteo mula sa conference room, at sa bawat hakbang niya. "Hindi ka pa ba uuwi?" Sabi ni Yeng kay Matteo Nakaupo si Matteo sa swivel chair nito at nakasandal habang minamasahe ang noo. "You can go home." walang ganang sabi nito saka tumayo at kinuha ang gamit saka akmang lalabas. Hinawakan sya ni Yeng sa braso "Pwede kitang samahan." malanding sabi nito Tinanggal ni Matteo ang pagkakahawak nito sa braso nya. "Kaya ko ang sarili ko makakuwi ka na." sabi ni to saka lumabas ng opisina. Naiwan si Yeng sa opisina saka tumawa ng pagak. "Pasasaan ba at mapapasakin ka din." sabi nito saka tuluyang lumabas ng opisina at pag kaayos ng mga gamit ay umuwi na din. Maaga at masigla syang gumising kinabukasan upang ipag handa ang asawa ng makakain. Pero ni hindi man lang sya pinansin nito. Dirediretso lang lumabas ng condo. Habang papunta sa resto ay iniisip nya pa din ang nangyari kagabi. Naniniwala syang may pagasa pang magkaayos sila ng asawa. Tuwing manggagaling si Ehm sa resto ay umuuwi agad sya para antayin ang asawa. Umuuwi itong lasing at lagi silang nagtatalik sa gabi. Pero paggicng sa umaga ay parang may nakakahawa syang sakit para iwasan sya nito. Nalulungkot man ay masaya na din dahil nanjan ang asawa. Kahit hindi na iyon kagaya ng dati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD