Chapter 38 Starving Truth Peay Madrid Hindi ko mawari. Ang alam ko, sanay naman ako na tanging si Cyan lang ang katabi ko sa pagtulog. Pero bakit ang lamig na naman? Halos dama ko na parang kandilang nauupos yung pagtangi ni Rander. Nasanay na rin ako sa kanya sa loob ng limang taon na nakasama ko siya. Gabi na at nasa hotel pa rin kami sa Baguio. Bukas na ang uwi namin at sa loob ng 3 days tour ay naging masaya naman kami. Pero para akong nanlalata sa tuwing iniisip ko kung bakit nagkakaganito si Rander. Hanggang sa isang araw ay sumabog na lang lahat ng damdamin ko. Nasa isang silid ako at umiiyak na nakaupo sa kama. Hindi na lang ako nagsasalita o umiimik. But deep inside. I know that something is off. At hindi ko na kayang magbulag-bulagan... One day, he told be me about somet

