Chapter 50 Peay Madrid Lee Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin, or this past few days, kahit summer na summer ay ang lamig ng pakikitungo sa akin ni Creid. Madalas siyang gabi na umuuwi. Tapos minsan lasing pa nga siya e. Kapag nasisita ko naman siya, siya pa itong galit na galit. Kapag mahinahon ko naman siyang tinatanong. Puro lang siya wala. Wala iyang bukang bibig kung hindi. Okay lang, wala namang problema, ayos naman tayo a? Ako gusto kong intindihin si Creid sa abot ng makakaya ko. Hindi na lang kasi kami mag jowa lang. Mag asawa na kami. Kasal kami, legal kami. May responsibilidad na kami. Hindi lang kami isang no label na relationship. We are somewhat on a circle that we cannot easily cut from chasing. It is not just that way works at all. Kaya nga naiinis ako sa

