Chapter 5

1159 Words
Chapter 5 Blow Peay Madrid Anak talaga ng ewan itong lalaking 'to, at biruin mo... Nakailang habilin ko na sa kanya na huwag na huwag magpapakalango sa alak. Pero heto siya, sinukahan ako ng depunggal! Ang sarap tirisin gamit ang tresser! Mabuti at to the recue lahat ng mga kainuman namin na batak. Napag-drive pa kami gamit ang kuliglig o pogpog para makauwi siya, ako ginamit ko si Joss bilang transpo. Nang makauwi na kami ay humingi ako ng pasensya sa kanila dahil sa abala na ginawa ng tragis na kasama ko. Spoiled rotten as hell! Siyempre kahit naman laki sa bukid ay walang matinong tao na-err, gugustuhin na mag-amoy suka sa matagal na oras. Kung si Vanna ay pwede pa. Adik na adik siya sa kulugo na ito, e wala namang na idulot na tama sa lipunan. Babaero pa! Kaya ngayon wala siyang magagawa kundi makisama dapat. Pero hindi, haynako. Iba talaga kapag mga spoiled sa buhay syudad, konti na lang ay dapat ko pa siyang subuan ng pagkain sa bibig. Tamang ligo na lang ako sa poso malapit sa kusina ng bahay ko. Siyempre confident ako na walang makakakita dahil super isolated at malayo pa mga kapitbahay plus tumba yung lasinggero na isa diyan. Unang buhos. "Shet ang lameg!" Ano ba iyan summer na summer napakamaginaw. Sabagay, nasa gitna ba naman ng bukirin e. Kinuha ko na yung shampoo para mabilisan na pati yung sabon. Kaso may sumipol sa nakaka-manyak na manner. "Piwit. Sexy a!" Ang lasing na lasing na sabi ni Creid. Gigil kong ibinato sa kanya yung tabo. "BASTOS!" sigaw ko habang hindi magkaundaugaga sa pagkuha ng tuwalya. "Araykup! Masakit iyon a. Walang ka namang dapat takpan. As if you're a real girl." "As if as if! As if yayariin ha! Humanda ka sa akin." Mabilisan lang siyang tumakbo papasok sa loob. Ako naman tinapos na ang pagligo. After kong makabihis ay nakita kong prente lang na nakaupo sa mesa sa maliit na kusina si baliw habang nagkakape . May pangisi-ngisi pang nalalaman, ang sarap niya, este ang sarap niyang dagukan! "Kinis mo pala Miss," asar niya. Maliban sa paga-artista, hula ko ito rin yung talent niya. "Mas kikinis ka kapag binalatan kita ng buhay!" Nagtimpla na rin ako ng kape bago kinuha yung cake sa Ref ko na maliit lang. "O bakit may cake?" takang tanong niya. Nagkibit balikat ako. "Birthday ko. Bakit? Bawal na ba ako mag-cake?" pambabara ko na naman. Mukha naman nagulat ito at naibuga pa ang kape. Pasalamat siya at hindi natalsikan yung cake! "What?! Birthday mo pala ngayon?" "Hindi, sa susunod na taon pa." "Hindi ka makausap ng matino!" "Ayusin mo kasi tanong mo, bingot." "What?" "Sarawat?" Umiling lang siya halatang nainis na, but who cares. Galit pa rin ako sa tamang suka niya sa akin kanina, sarap ng pa birthday gift. At ang makapal, kumuha lang ng cake. Napasimangot ako. "Ano ba iyan. Hindi ko pa nga nasisindihan yung kandila e." Inis akong napatayo at saka na pumunta sa kwarto ko. May kumatok naman, siyempre pabebe pa ba ako? Binuksan ko na. Iniluwa si Creid na hawak ang cake, letse! At bakit naka topless ulit siya?! May sindi na ang kandila at saka niya ako kinantahan. " Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you. Blow mo na, maganda ka na, pero huwag ka mag-inarte." Uminit naman ang pisngi ko. Ang ganda ko raw mare, who you? Haha. Ano ba iyan Peay, parang hindi ka na nadala sa mga gwapo na iyan. Pero siyempre blinow ko na siya. Blow as in ihip ha! Naku! Tiningnan akong maigi ng binata. Somehow, parang hinahaplos ang puso ko sa kanyang titig. "Thank you for being born, kung wala ka... Wala na rin siguro ako." Napailing ako at saka na siya sinabihan na matulog na siya sapagkat bukas ay magluluto ako ng salo-salo. Balak kong papuntahin ang mga malalapit na kaibigan ko. Pabalik pa lang sila galing Maynila. At ng gabing iyon ay maayos akong nakatulog. Hindi na muling malamig at walang kulay ang kahoy kong tahanan. Kinabukasan ay medyo tinanghali na ako ng gising. Hindi naman kasi busy ngayong araw at mamaya ay tanging pagi-inspeksyon sa koprahan sa bandang silangan ng hacienda ang aking gagawin. Gising na si kolokoy at pinapakain niya yung mga alaga kong bibe. Tuwang nilapitan ako nito. "Bilisan mo!" Hinila niya ako sa kulungan. "Look! There are small ducklings! The eggs already hatched!" Tila batang mangha na aniya. I tried to suppress my smile. Ang cute lang na parang isip bata ito. He watch the small ducklings in awe. Haynako. Napailing na lang ako at saka muna siya iniwan. Maya ay nakarating na si Marko na hiningian ko ng pabor kung maari ay ipambili ako ng mga rekado at karne sa palengke. "Salamat Marko!" "'La yon! Malakas ka sa akin e... Happy birthday a?" "Salamat, daan kayo rito ni aling Lita, may kaunting salo-salo." "Susubukan namin. Sige mauna na akong umalis." "Ingat sa byahe." Umalis na ito sakay ang lumang modelo ng tricycle. Minabuti pa ay dunitetso na ako sa kusina at sinimulan ko na ang gawain. Binabad ko muna ang mga nagyeyelo pang karne sa tubig. Hinugasan ang mga gulay na pinitas ko sa likod at saka hiniwa. Pinainit ko na ang kawa bago simulan ang aking pagluluto. Simpleng kare-kare, spaghetti, kalamay at saka vegetable salad na may quail eggs ang inihanda ko. "Ang bango naman!" Akmang titikman ni Creid ang mga handa ng tampalin ko ang kamay niya. "Sa mga bisita iyan. Bisita ka ba?!" "What?! I am starving too!" Maktol niya. "Hintayin mo mga bisita ko." Hindi nga nagtagal ay narinig ko ang matinis na boses ni Janna. "Hala, nananaginip ba ako. Bakit may artista rito?" Hindi makapaniwalang sabi ni Janna. "Bakla. Maya na ang tsismis at lalamig ang mga pagkain." "Pwedeng si Creid na lang kainin ko?" Binatukan siya ng nakatatanda niyang pinsan. Si kuya Sibal. "Jenna, isusumbong kita sa syota mo a." "Char lang. Bess! Happy birthday a. Heto regalo namin." Iniabot nila yung dalawang naka gift wrap na kahon. Itinabi ko muna iyon. Habang inihahanda ko ang lamesa ay may isa pang bisita ang dumating, yung kapatid ni kuya Sibal... Si Tien. "Tien, halika at makisalo ka na." "Salamat kuya Peay." Balingkinitan si Tien na kung hindi papansinin ng maigi ay parang babae na ito sa pisikal na anyo, mahinhin at matalino rin. Habang nasa hapag sila ay todo chika kami. "Anyare teh? Diba nawawala iyang sikat na si Creid? Bali-balita iyan sa bayan... Bakla ha!? Kailan ka naging boynapper?" Eksahiradang aniya. "Janna! Parang ewan ay... Ganito kasi iyan." So inilahad ko bawat ditalye sa kanila. "Kaya sana ay walang makaalam hangga't hindi pa naireresolba lahat." "Ganun pala iyon..." Ibinaling ko ang aking tingin kay Tien. "Kailan punta mo sa Maynila Tien?" tanong ko. "Bukas po... Entrance exam." "Galingan mo a?" "Opo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD