Pamela's POV Mag mula ng ilabas ako ni Migs, sa Hospital ay sya na rin ang personal na nag- a asikaso sa akin. Sobrang mapag alaga talaga ng aking boyfriend. Kini- kilig talaga ako sa tuwing u-uwi sya galing sa trabaho nya, dahil lagi syang may dalang bulaklak para sa akin. Minsan naman ay fruits o de kaya'y Cakes. Lagi din nya akong tina- tawagan, inaalam nya kung kumain naba ako o hindi pa. Masasabi kong talagang mahal na mahal ako ni Migs. Kulang na lang talaga sa amin ay kasal, dahil dito na rin sya natutulog sa kuwarto ko. Ang kaibahan nga lang ay hindi kami nag sisiping gaya ng ginagawa ng tunay na mag- asawa. Talagang igina- galang ako ni Migs, na syang ipinag papasalamat ko ng malaki. Lalo ko pa nga syang minahal, dahil sa mga katangian nya na hindi ko inakalang meron sya. P

