Halos hindi humihinga sina Pamela at Lisa, dahil nasa malapit lang sa pinag tataguan nila ang lalaking umiihi. Hindi naman maipinta ang tabas ng mukha ni Pamela, dahil kamuntik na syang ma- ihian ng lalaki. Nakita nyang nag senyas sa kanya si Lisa, at agad naman syang tumango dito. Walang babalang ibinato ni Lisa ang kanyang maliit na patalim sa braso ng lalaki. Nagulat naman ang lalaki, sa biglang pag tusok ng isang matalim na bagay sa braso nya. Pero hindi na rin ito nakagalaw pa dahil namanhid na ang kanyang buong katawan. Agad naman na sinalo ni Pamela ang lalaki bago ito tuloyang bumagsak sa sahig. Agad din nya itong hinila sa madilim na bahagi upang itago. Walang katunog tunog ang mga paa nina Pamela at Lisa na lumapit sa mga nag- iinoman. Sabay din nilang pinatulog ang dal

