LESSON 03 “Bad Guy”

3009 Words
          HINDI tanga si Olive para hindi agad malaman na may hindi magandang binabalak si Mr. Gaston sa kaniya. Sa paraan pa lang ng tingin nito at tono ng pananalita ay halata niya na meron itong pagnanasa sa kaniya. Malagkit ang tingin ng guro sa kaniya at paanas na itong magsalita nitong huli. Umusog siya palayo dito nang halos magkadikit na ang kanilang mga braso. Nakayuko siya dahil titig na titig ito sa kaniya na para bang lalamunin siya ng buo. Relax, Olive. Baka mali ka ng iniisip. Paranoid ka lang siguro… aniya sa sarili. Ang mabuti pa siguro ay umalis na siya. Nilakasan niya ang kaniyang loob. Iniangat niya ang mukha at may takot na sinalubong ang mata ni Mr. Gaston. “Madilim na po pala. Uuwi na po ako, Mr. Gaston. Bukas na lang po tayo ulit mag-usap para nandito rin po si Teacher Alona. Mauuna na po ako!” Pilit na ngumiti si Olive. Sa pagtayo niya ay napasinghap siya nang hawakan siya nito sa kamay. Kinilabutan siya nang dumampi ang palad nito sa balat niya. “Sandali lang naman. Hindi pa tayo mag-usap, Olive! Umupo ka muna dito!” Malakas siyang hinila ni Mr. Gaston paupo. “Ayaw mo bang malaman kung ano ang magiging kapalit ng pagtulong ko para hindi mawala ang scholarship mo? Kayang-kaya kong gawin iyon. Simple lang ang gusto ko. Ang gusto ko ay—” “Sorry po pero kailangan ko na talagang umalis.” Pinutol na niya agad ang sasabihin ni Mr. Gaston. Kung ano man iyon ay parang hindi niya kayang marinig dahil sa taas ng respeto niya dito. “N-nasa labas po ang tatay ko. Naghihintay po siya sa akin.” Pagsisinungaling niya. Gusto lang niyang umatras si Mr. Gaston sa kung ano mang binabalak nito kapag nalaman nito na nasa labas ng school ang tatay niya. “Niloloko mo ba ako?!” Nanginig siya nang tumaas ang boses ng lalaki. “H-hindi po—” “Alam mo, masyado kang pakipot!” Impit na napasigaw si Olive nang hawakan siya nang mahigpit ni Mr. Gaston sa magkabila niyang balikat. Pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak nito hanggang sa parang pinipiga na nito ang buto niya. “A-ano po bang sinasabi ninyo?” Kulang na lang ay maihi siya sa takot. “Alam kong alam mo ang gusto kong mangyari ngayon, Olive. At hindi ako maniniwala kung hindi ka papayag. Wala kang karapatan na mag-inarte. Dalawang lalaki nga ang gumalaw sa iyo sa video mo tapos kinaya mo. Malandi ka. Daig mo pa ang p****k! Kaya sigurado akong kakayanin mo rin ngayon dahil isa lang ako—” Lumipad ang palad ni Olive sa isang pisngi ni Mr. Gaston. Kusang gumalaw ang kamay niya dahil sa labis na siyang nababastos sa pinagsasabi nito. Anong karapatan nitong husgahan ang pagkatao niya dahil lang sa video scandal niya? Hindi ba’t ito ang dapat na makakaintindi sa kaniya dahil isa itong guidance counselor? Pero bakit ito pa ang nananamantala sa kaniya ngayon? Nanlilisik ang mata ni Mr. Gaston nang sakalin siya nito ng isang kamay. “Ang arte mo! Akala mo ay kung sino kang malinis, e, may scandal ka naman!” bulyaw nito. “B-bitiwan niyo po… a-ako! H-hindi na ako m-makahinga!” Nahihirapang pagmamakaawa ni Olive sa lalaki. “Talagang masasaktan ka dahil sa kaartehan mo, Olive. `Wag ka na lang pumalag para mabilis tayong matapos!” Dinilaan siya nito sa kaliwang pisngi. Gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Olive. Inumpisahan na siyang paghahalikan ni Mr. Gaston sa kaniyang mukha hanggang leeg. Ngunit kung inaakala nito na hindi siya lalaban ay nagkakamali ito. Habang abala ito sa paghalik ay gumagapang ang isa niyang kamay papunta sa bag na nasa gilid ng sofa. Mula doon ay kinuuha niya ang kaniyang cellphone. Diyos ko! Tulungan Niyo ako! Sigaw ng utak ni Olive. Mahigpit niyang hinawakang ang cellphone at buong pwersang inihampas ang puwitan niyon sa noo ni Mr. Gaston. Sa lakas ng pagkakahampas niya ay nag-c***k ang screen ng kaniyang cellphone at sumabog ang dugo sa noo ng guro. Napaatras ito habang sapo ang dumudugong noo. “`Tang ina ka!!! Papatayin kita! Araaay!!!” Nagmamadaling sinamsam ni Olive ang kaniyang gamit at walang lingon-likod na tumakbo palabas ng opisinang iyon. Halos hindi na lumalapat ang paa niya sa lupa sa bilis ng kaniyang pagtakbo. Madilim na at wala nang katao-tao sa loob ng school. Walang gwardiya sa gate nang lumabas siya kaya walang nakakita sa kaniya. Baka naglilibot sa school ang guard nila. Hinihingal si Olive nang huminto siya sa pagtakbo. Doon niya tuluyang pinakawalan ang hagulhol na hindi niya nailabas kanina. Iyak siya nang iyak. Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang takasan si Mr. Gaston. Doon lang din niya napansin ang kaunting dugo sa kaniyang uniform. Natalsikan siya ng dugo ni Mr. Gaston at hindi niya iyon namalayan. Muli siyang naglakad. Panay ang lingon niya sa likod sa takot na baka sundan siya ni Mr. Gaston. Mabuti na lang at ligtas siyang nakarating sa waiting shed para maghintay ng jeep.   “f**k!” Inis na mura ni Mr. Gaston habang kumukuha ng tissue paper sa banyo. Itinapal niya iyon sa sugat sa noo. Dumudugo pa rin iyon kahit na ilang beses pa siyang naghilamos ng tubig. Naroon pa rin siya sa guidance office. Nang tumakbo si Olive ay hindi na niya ito hinabol dahil halos matakpan na ng dugo ang buo niyang mukha. Hindi siya makakita ng maayos kaya tumakbo agad siya sa banyo para maghilamos. Kung inaakala ni Olive na natatakot siya na nakatakas ito at meron itong pagkakataon na magsumbong ay nagkakamali ito. Wala siyang pakialam kahit magsumbong ito. Madali niyang baliin ang katotohanan lalo na sa nangyari ngayon kay Olive. Sino ba naman kasi ang maniniwala sa babaeng may maselang video? Ang masaklap pa ay dalawang lalaki ang kasama nito sa video. Alam ni Mr. Gaston na maduming babae na ngayon ng mga tao kay Olive. “Hindi pa ako tapos sa iyo, Olive! Mas lalo mo lang akong ginigigil!” Pangisi-ngisi pa siya habang nakaharap sa salamin na sa ilalim ay merong lababo. Pero hindi niya inaasahan na manlalaban si Olive. Sa unang tingin ay mukha itong babaeng mahina. Kaya nga nagkaroon ito ng ganoong video ay dahil parang napagsamantalahan ng dalawang lalaking iyon ang kahinaan ni Olive. Wala lang sa kaniya si Olive dati pero nagbago nang mapanood niya ang s*x video nito. Kahit hindi ito gumagalaw sa video ay binuhay nito nang husto ang kaniyang maka-mundong pagnanasa! Inalis niya ang makapal na tissue paper na nakatapal sa sugat sa noo. Maliit lang ang sugat pero malalim. May dugo pa ring lumalabas kaya binuhay niya ang gripo para muling maghilamos. Hindi siya pwedeng umuwi ng ganito at baka kung ano ang isipin ng asawa niya. Uuwi siya kapag naampat na sa pagdugo ang sugat. Muling yumukod si Mr. Gaston at hinilamusan ng todo ang mukha at sugat. Iniangat niya ang mukha at tiningnan ang mukha sa salamin. Nagulat siya nang may makita siya mula sa salamin na isang tao na nakatayo sa kaniyang likuran! “S-sino ka?!” Napalunok siya ng laway dahil tila may biglang bumara sa lalamunan niya. Paano ay nakakatakot ang hitsura ng taong iyon. Nakasuot ito ng isang maskara na kulay puti. May drawing na malaking mata ang maskara na akala mo ay sa anime. Mahahaba ang pilik-mata. Maliit ang ilong at may kulay pulang pisngi. Ang labi ay maliit at pulang-pula. May suot pa itong wig na pambabae. Maikli lang ang wig na umaabot lang sa batok nito. Ang mas nagbigay sa kaniya ng takot ay ang kasuotan nito. Suot kasi nito ang lumang uniform ng Wellington High. Ganoon ang nakikita niyang uniform ng mga babae noong Wellington Highschool pa ang pangalan ng paaralan kung saan siya nagtatrabaho. Kulay puting blouse na pinatungan ng dark blue na blazer. May pin din ito ng logo ng Wellington Highschool. Ang necktie at palda ay magkatulad na checkered na pinagsamang kulay ng black at maroon. Hindi gumagalaw ang naka-maskara. Hindi niya rin mawarian kung babae ba talaga ito o lalaki na nagsuot ng ganoong ayos. “Sino ka sabi?!” Tinapangan ni Mr. Gaston ang boses. Bigla siyang napaharap dito nang humakbang ito palapit. Napahawak siya sa gilid ng lababo habang patuloy ang paglagaslas ng tubig sa gripo. “You’ve been a very, very bad guy, Mr. Gaston!” Kakaiba ang boses nito. Boses babae pero halatang may ginagamit ito para mag-iba iyon. Kahalintulad sa isang dalagita ang boses nito na may effect na akala mo ay sa robot. Ganoon pa man ay may tunog ng pagiging sopistikada ang boses nito. Umiling-iling pa ito. Mabagal ang bawat hakbang. Alam niya na nasa panganib siya. Kailangang may gawin siya pero nakakapagtaka na hindi niya magawang igalaw ang kahit na anong parte ng katawan niya. “I saw what you did…” Napatda siya sa sinabing iyon nito. “A-anong sinasabi mo diyan?” nangatal siya. “Olive Aurora. May binabalak ka sa kaniya na hindi maganda at kailangan mong parusahan dahil doon!” “Hindi ko alam ang—” Nagulat siya nang sakalin siya nito. Malamig sa balat ang suot nitong rubber gloves na kulay itim. Sa isang kisap-mata ay nagawa siya nitong iharap sa salamin. Ngayon ay nakasabunot na ito sa buhok niya. “Look at yourself. Ang tanda mo na pero ubod ka pa rin ng libog! Pati bata ay papatulan mo? Tsk, tsk, tsk…” Nanlaki ang mata niya nang may itinapat itong isang hunting knife sa leeg niya. “I want you to choose, Mr. Gaston. Do you want it to be quick or long and painful?” “Ano bang sinasabi mo? Pakawalan mo ako! Sino ka ba?!” “Huwag kang magmadali na makilala ako. Makikilala mo lang ako kapag parehas na tayong nasa impyerno!” Inilipat nito ang kutsilyo sa tapat ng sugat niya sa kaniyang noo na hindi na dumudugo ng sandaling iyon. “H-huwag… huwag…” Hanggang sa napasigaw si Mr. Gaston sa sobrang sakit nang bahagyang itinusok nito ang dulo ng kutsilyo sa sugat niya sa noo. Ginalaw-galaw pa nito iyon kaya pakiramdam niya ay babaon iyon sa ulo niya. Gustuhin man niyang manlaban ay natatakot siya dahil baka tuluyan siya ng taong iyon. “Tama na! Araaay!!! Tama na!” Pagsigaw na lang ang tanging nagawa niya. Nakakaloko itong tumawa. Inalis na nito ang kutsilyo sa sugat niya. Muli iyong dumugo. Umagos ang dugo sa mukha niya papunta sa kaniyang leeg hanggang sa suot niyang damit. “Ano bang gusto mo?! Pera? Magkano?!” “Hindi ko kailangan ng pera, Mr. Gaston. Pinapapili kita. Quick or long? Choose now!” “Hindi kita maintindihan! Pakawalan mo na ako—” “Your death! Iyon ang tinutukoy ko!” Natigalgal siya sa sinabi nito. Hindi siya nakasagot. Kahit ano kasi ang piliin niya sa quick at long ay iisa lang ang kakahantungan niya. Mamamatay pa rin siya. Doon na siya napaiyak. Naisip niya ang kaniyang asawa at mga anak na maiiwan kapag seryoso ang taong ito sa gagawin nito sa kaniya. “Oh? Bakit ka umiiyak, Mr. Gaston? Kanina lang ay ang tapang mo kay Olive.” “Maawa ka. `Wag mo akong papatayin! M-magbabago na ako! Pangako!” “Too late, Mr. Gaston…” Pumalatak ito. Inilapit nito ang mukha sa tenga niya. “Alam mo, mahina ang pasensiya ko. Kanina ko pa hinihintay ang sagot mo at naiinip na ako. Kaya ako na lang ang pipili. Okay? I want it to be… quick!” Walang anu-ano’y malakas na inihampas nito ang noo nito sa gilid na lababo. Natipak nang malaki ang lababo. Narinig pa niya ang pagkabasag ng bungo niya. Agad siyang binitawan ng taong nakamaskara. Akala mo ay lantang gulay na dumausdos siya pabagsak sa sahig. Wala na siyang nakikita pero alam niyang malakas ang bulwak ng dugo sa kaniyang ulo. Sisinghap-singhap siya. Pilit na sumasagap ng hangin pero pati yata ang baga niya ay hindi na gumagana. “Bad, bad, bad guy…” Iyon ang huli niyang narinig mula sa nakamaskara bago huminto sa pagtibok ang kaniyang puso.   “OH my, God! Anong nangyari sa iyo, Olive? Bakit may blood ka sa uniform mo?” Nag-aalalang sinalubong si Olive ng tatay niyang si Victor nang pumasok siya sa bahay nila. Matangkad ito, matipuno at maputi. Magandang lalaki ang tatay niya. Iniiwas ni Olive ang mata dito dahil alam niyang malalaman nito kapag nagsisinungaling siya kapag tiningnan siya nito sa kaniyang mata. “W-wala po ito, tatay. May naaksidenteng kaklase ko tapos tinulungan ko siya. Tumalsik iyong dugo niya sa akin.” Dire-diretso siya sa paglalakad. Pumasok siya sa kaniyang kwarto. Ramdam niya na sinundan siya ni Victor hanggang doon. Bungalow-style ang bahay nila na may tamang laki para sa tatlong tao. Dalawa ang kwarto. Isa sa kaniya at isa para sa mga magulang niya. May kusina kung saan doon na rin ang dining area. Isang banyo at salas. Kumpleto sila sa mga importanteng appliances. Kumbaga, hindi sila matatawag na mayaman at hindi rin mahirap. Sakto lang, sa madaling salita. Narinig niya ang yabag ng paa ni Victor sa kaniyang likuran. Nakaharap siya sa nakabukas na bintana. Maya maya ay lumapat ang isang kamay nito sa balikat niya. “Anak, kung kailangan mo ng kausap ay nandito lang kami ng daddy mo. Alam na namin ang tungkol sa… video. Magsasampa rin tayo ng kaso sa dalawang lalaki na…” Hindi na nito naituloy ang sasabihin. Napahikbi ito. Inihanda ni Olive ang isang pilit na ngiti saka siya humarap. “Tatay, huwag na po tayong magsampa ng kaso. Hindi ko na rin kasi matandaan kung sino iyong dalawang lalaki.” Pagsisinungaling niya. “Saka baka mas lalong umingay ang issue. Nahihiya po ako.” “Kaya nga dapat tayong magsampa ng kaso para magkaroon ng investigation. Malalaman natin kung sino ang dalawang hayop na iyon!” “N-natatakot po ako. B-baka sabihin nila na ginusto ko ang nangyari dahil hindi ako nanlalaban, tatay. H-hindi rin naman po nila ako ginalaw. Hanggang hawak at halik lang sila. Alam ko po iyon sa sarili ko.” Tumatak sa utak niya ang sinabi ni Mr. Gaston na malandi siya at daig pa niya ang p****k. Pati na rin ang mga comment sa video na iyon sa social media. Lahat ay sinisisi siya. Bakit daw siya sumama sa mga lalaking iyon? Malandi daw siya dahil pumayag siyang magpa-video. Dapat lang daw iyon sa katulad niyang kung kani-kanino sumasama. Kung maka-comment ang mga ito ay para bang nandoon ang mga ito habang nangyayari iyon. Para bang mas alam pa ng mga ito ang nangyari kung bakit siya napunta sa ganoong sitwasyon. May lungkot sa mata na hinawakan siya ni Victor sa magkabilang balikat. “Olive, anak… naririnig mo ba ang sarili mo? Hindi ka dapat nagsasalita ng ganiyan! Ikaw ang biktima dito. Kaya lumalakas ang loob ng mga hayop na iyan ay dahil may mga biktimang gaya mo na takot lumaban!” Niyakap siya ni Victor. Mahigpit. Humulagpos na ang emosyo ni Olive. Umiyak siya. “Tatay, natatakot po ako! Ayoko na pong pumasok sa school. Lahat sila ay malandi ang tingin sa akin. Gusto ko na po itong matapos!” turan niya sa pagitan ng paghagulhol. “Bakit hindi yata ako kasali sa iyakan ninyong mag-ama?” Isang lalaki ang nagsalita at lumapit sa kanila. Nakiyakap din ito. “D-daddy! Sorry po!” ani Olive sa daddy niya na si Leo. Oo. Kakaiba ang pamilyang meron siya. Parehas na lalaki ang mga magulang niya pero hindi siya totoong anak ng dalawa. Ang kwento ng mga ito sa kaniya ay isang babae ang nagbigay ng sanggol sa mga ito at siya ang sanggol na iyon. Hindi daw kilala ng dalawa ang babae kaya hindi nasagot ng mga ito nang magtanong siya kung sino ang nanay niya. Parehas na bakla ang tatay at daddy niya. Sa kabila ng matitikas na pangangatawan ng dalawa na alaga ng gym ay makikitaan ng lambot sa pagkilos ang mga ito. Kapwa thirty-five years old na sina Victor at Leo. Pero pagdating sa pagiging magulang ay masasabi niyang hindi nagkulang ang mga ito. Kahit pa parehas na lalaki ang mga magulang niya ay hindi niya iyon ikinahihiya. Para na rin kasi siyang may nanay at tatay. Sabi pa nga nina Victor at Leo, hulog siya ng langit sa mga ito. Hindi na daw kasi pinangarap ng dalawa na magkaroon ng anak dahil imposible. Pero bigla siyang dumating. Mas tumatag daw ang realsyon ng mga ito dahil sa kaniya. “Iyang anak mo, ayaw magdemanda. Sinisisi pa ang sarili niya!” ani Victor habang nagpupunas ng luha. Kumalas na sila sa pagyayakapan. Napayuko na lang si Olive. Nahihiya din siya sa dalawa dahil binigo niya ang mga ito. Hindi lang iyon—binigyan pa niya ng kahihiyan ang dalawa. Matapos ng lahat ay ito lang pala ang isusukli niya sa dalawang tao na tumayong magulang niya. “Ano ba yan, Olive? Alam mo ba kung gaano kami kagalit na nangyari iyon sa iyo? Hindi lang kami galit sa gumawa niyon sa iyo kundi pati sa self namin dahil wala man lang kaming nagawa habang nangyayari iyon!” May galit at lungkot na sabi ni Leo. “W-wala po kayong kasalanan. Ako po ang dapat sisihin dahil pumunta pa ako sa party na iyon. Kung sinunod ko lang sana si Israel na huwag na akong pumunta doon ay hindi mangyayari ang eskandalon ito. Sorry po, tatay at daddy…” sisigok-sigok na sabi niya. “What? Nangyari iyan doon sa party na pinuntahan mo last week?” gulat na tanong ni Victor. “Oo nga pala, nag-usap na ba kayo ni Israel? Anong sabi niya?” “Hindi pa po kami nagkakausap, tatay. Absent po kasi siya kanina. Kung galit man po siya sa akin ay maiintindihan ko naman,” aniya. Hinaplos siya ni Leo sa isang braso. “Basta, magdedemanda tayo. Dapat na managot ang gumawa sa iyo niyan. Hindi kami papayag sa gusto mong mangyari, anak.” Matigas pang sabi nito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD