Nasa after party ako ngayon ng isang brand after akong rumampa sa runway. I am holding my glass of champagne at sa totoo lang, nabo-bore na ako. Ang manager ko, hindi ko alam kung saan nagpunta nd she’s busy socializing with others. Sa wakas at tapos na rin ang fashion week dito sa New York at makakauwi na rin ako sa Pilipinas. Halos isang buwan din akong nandito at miss na miss ko na ang mga Gaviola Quadruplets. Gusto ko na silang makita, at gusto ko na ring patumbahin ang bwisit nilang kasambahay at kasali na rin ang epal na guard na ‘yon. Teka, magagamit ko pala siya, mukhang may gusto ito sa katulong na ‘yon. Well, bagay naman sila, pagbalik ko, I need to talk to that guard. He’s quite handsome too na pwede ko rin naman tikman. I mean, hello? Sinong makaka-resist sa alindog ko, maramin

