Ngumiti ako sa aking sarili habang kaharap ko ang salamin dito sa aking bathroom. After being in the hospital for weeks, nakalabas na rin ako. I had to shave all of my hair kaya lagi akong nakasuot ng cap. Wala namang kaso ‘yon, maganda pa rin naman ako at ang mahalaga buhay pa rin ako hanggang ngayon. Wala naging epekto sa akin ang injury kong natamo sa ulo. Hindi ako na-paralyze, all of my senses are working at buong-buo ang memories ko. Napatingin at napahawak ako sa aking tiyan kung saan lumalaking healthy ang aking baby. Isang buwan ang nakalipas mula nang mangyari ang ‘yon sa akin sa university. I never came back there at gano’n rin ang aking kapatid. Our parents said na mas safe kung hindi na lang kami papasok at ituloy na lang namin ang remaining namin na pag-aaral through onlin

