Nagising ako kinabukasan na mugtong-mugto ang aking mga mata at masakit rin ang aking dibdib. Parang panaginip lang ang nangyari kahapon pero hindi dahil umiikot sa isip ko ang mga masasakit na salita na sinabi ni Vermilion sa akin. I thought we were okay! I thought that he trusted me! Peri isang sumbong lang sa kanya ng kanyang bruhang anak na hindi naman totoo, bumaliktad na ang lahat. Ni hindi niya ako pinakinggan para naman pakinggan niya ang side ko. Walanghiyang Fuschia na ‘yon! Sinusundan niya na pala ako at ginamit niya talaga ang araw na wala si Vermilion para palabasin na may kasama akong ibang lalake. Obvious naman na ang kapatid ko ang kasama ni Xanthe. Natural na magkamukha kami dahil nga twins kami. Tapos ako pa ngayon ang bully noon! Ni hindi ko nga inaano si Fuschia pero

