Mabilis na umalis ang pamilyang Yoingco sa gym nang sinagot ni Rouge ang tawag ni Klover. Kanina niya pa hinihintay na bumalik ang mga ito dahil magsisimula na ang game. Muntik na niyang mabitawan ang kanyang phone nang marinig niya ang pag-iyak nito at sinabi ang nangyari. Binalita niya agad ito sa kanilang mga magulang kaya naman agaran silang umalis. Ni hindi na niya nagawang magpaalam pa kay Xanthe dahil na rin sa sobrang pag-aalala. Pati si Ayi Mauve ay kasama na rin namin nang tinawag si ni Baba. Mabilis kaming pumunta sa restroom at naririnig namin ang paghagulgol ni Klover. Nakita namin siyang nakaupo sa sahig at nakahiga naman ang aking kapatid. Napasinghap ako nang makakita ako ng maraming dugo. Walang malay si Rouxe at hindi ko alam kung buhay pa siya. “Rouxe!” sigaw ng akin

