Zian's P. O. V::
"how's ur plan going along?? "
"ayos naman po boss kunting panahon nalang at pwede ng makompleto ang plano ni Zero " i said confidently while bowing in front of the only person i respect the only person i admire the most who's sitting in a throne room ....
"mahaba pa ang oras mo Zian gawin mo ang dapat mong gawin" he said...
"yes my lord" at matapos non lumabas na ako sa throne room ngayon nga pala ang araw na yayayain ko si Jane tungkol sa date namin kaya i check the time its 8:00 am i guess she's up now 9:00 am ang usapan namin...
"tsk.. Look who's here" Eryl...
"is everything according to plan?? " Joshua asked and i just nodded...
"hey kapal ng mukha mo para deadmahin ako ah u should show respect to me too ako ang fiance ng boss niyo " Pagpapaliwanag ni Eryl at diniinan niya pa talaga ang salitang fiance tsk...
"isa lang ang taong nirerespeto ko at hindi ikaw yon kaya kahit kailan hinfing hindi kita rerespituhin Eryl " i said coldly bakas sa mukha niya ang pagkagalit dahil sa mga sinabi ko...
"damn u!!! " susugod na sana si Eryl pero pinigilan siya ni Joshua...
"haayy.. Zian kailan ka ba titigil sa pagtrato ng ganyan kay Eryl kapag nalaman niyan ni boss siguradong hindi siya matutuwa" isa pa tong si Joshua...
Joshua's P. O. V::
"sabihin niyo at buhay niyo ang magigiling kapalit " ng sabihin ko iyon kay Zian lumakas nalang bigla ang hangin sa paligid at ng makita ko ang mga mata niya ay nagbago pula ito at halos ramdam ko ang tension na inilalabas niya..
"Zian!! " biglang may nagsalita sa likuran namin ng matingnan ko si Wilfred at kasama niya sina Keifer at Kirby ang kambal na asungot...
"Wilfred wag kang makikialam dito usapan namin to!! " wika ni Eryl at tinulak nalang ako bigla dahil nakahawak pa rin ako sa wrist niya...
"pwede ba Eryl magpahinga ka muna" at tiningnan lamang ni Wilfred si Eryl ay napakalma niya ito at ilang sandali lamang ay nakatulog ito mabuti at mabilis ako at nasalo ko si Eryl..
"kahit kailan ang boring ng power mo" wika ko..
"isa ka pa Joshua kinakampihan mo si Eryl lalo lang na lalaki ang ulo niyan " seryosong sabi ni Wilfred sa akin tsk akala mo kung sino hindi ko nalang siya pinansin at binuhat ko ng dahan dahan si Eryl aalis na sana ako ng magsalita ulit si Zian..
"makaalis na nga nagkalat lang ang mga taong walang kwenta dito" Zian..
"aba Zian sumusobra ka na ah!!! " pagsisigaw ni Wilfred na kaninang kalmado pa ay ngayon ay naiinis tsk kaya nakakasawa silang kasama eh..
"hinahon lang captain " Keifer...
"oo nga total ay hindi rin magtatagumpay ang plano ng isang yan" Kirby...
"tsk.. " matapos non ay umalis na ng tuluyan si Zian...
"kahit minsan naman tratuhin niyo naman ako bilang isang captain niyo" pagrereklamo ni Wilfred oo siya ang captain namin kaya nga naiinis ako makasama sila..
"ok lang yan Wilfred "Keifer at Kirby
*sigh~~~~~~
Jane's P. O. V::
Nako late ata si Zian ahh nandito nako naghihintay sa kanya sa oo nga pala kahapon kasi niyaya niya ako sa i-isang date tapos ayon ayae niya kasi tumigil sa kakasunod at kakatanong sa akin kaya pumayag ako nako pero sabi ko friendly date lang hindi yong date na date ...
"ohh wala pa ba?? " pagtatanong ni papa...
"baka natraffic lang sandali paparating na yon" sabi ko...
"oh siya mag ingat kayo " haayy mabuti at mauunawain si papa...
Ng may kumatok baka si Zian na yan kaya agad kung pinagbuksan ng pinto ng makita ko si Zian at halos wala ng bukas ba nakangiti hehehe nakakatawa talaga si Zian...
"hello po" pagbati ni Zian at nagbow pa hala napakaformal naman ata niya..
"hello ingatan mo si Jane napakaimpotante niya sa akin kaya kapag may nangyari sa kanya lagot ka sa akin" hala ka si papa naman oh...
"oh siya mauna ka na Jane kakausapin ko muna siya" sabi ni papa kaya nagnod lang ako at naghintay sa labas ano naman kaya ang pag uusapan nila ni papa magkakilala na ba sila mukhang ang seryoso ng pinag uusapan nila ilang sandali lang ay lumapit na sa akin si Zian...
"oh tara na Jane " sabay hila niya sa nagpaalam lang ako kay papa sa huling beses at umalis na rin kami...
"oh san mo nga pala gusto pumunta?? " pagtatanong ni Zian sa akin nako bakit ba ko niyaya ng gwapong nilalang na ito at ito pa ha date daw nako kapal pa ng mukha ko na tanggihan siya ano bakit nga ba nagyaya bigla si Zian..??
"ahm ikaw bahala" sabi ko at huminto naman kami sa isang Mamahalin na restaurant...
"sigurado ka ba dito tayo Zian?? Mahal kaya dito.. " sabi ko habang bumababa sa kotse...
"ayos lang wag kang mag alala Jane sagot ko lahat ikaw pa" sabay kindat ni Zian ..ngeks ano daw?? Kinikilig si akitch haha..
"good morning sir, maam welcome po" sabi nung guard sa amin aba sosyal nga at ng makapili na kami ng table agad na may lumapit sa amin na waitress..
"maam, sir can i get ur order please "
"hmm.. Sa akin coffee lang at isang chocolate cake" sabi ko at ibinigay na ang order ko sa waitress ..
"yon lang sayo?? " nagtatakang tanong ni Zian sa akin...
"oo bakit??" ako...
"wala naman hindi kasi halata na kaunti lang ang kakainin mo" sabi ni Zian at tumawa pa wow ano tingin niya sa akin PG..
"wow ha grabe siya oh" sabi ko at hinampas siya ng mahina...
"yon lang din ang ioorder ko " sabi ni Zian ng mahimasmasan na siya sa kakatawa...
"ang cute niyo pong tignan ang sweet niyo pa" sabi nung waitress sa amin kaya napataas ang kilay ko grabe ganoon ba talaga ang tingin nila sa amin mag gf at bf??
"hahaha salamat" napatingin ako ng walang oras kay Zian aba kunsintihin pa naman yung waitress na kami hindi man lang siya umangal nagpasalamat pa siya...
Lumipas lang ang oras at kung saan saan kami pumunta at marami rin kaming ginawang mga kalukuhan naglaro rin kami sa ibat ibang klaseng palaruan grabe nag enjoy talaga ako nakakatawa pang kasama si Zian...
"haayy.. Grabe ang arte mo naman pala eh kalalaking tao mo ang arte mo" sabi ko at tumawa habang nasa swing kami...
"eh ikaw kasi nag enjoy ka ba?? " pagtatanong bigla ni Zian at humarap sa akin...
"oo naman nag enjoy ako thank u ha" sabi ko at pinisil ang pisngi niya...
"a-aray ang shakit" pagrereklamo niya hala namula ang pisngi niya hahaha dibale na ang sarap kasi pisilin ng mga pisngi niya eh ang bilis pumula...
"Jane " Zian...
"hmm?? " ako...
"thank u sa oras na ibinigay mo sa akin napawala mo ang mga problema ko" wika ni Zian at hinawakan ang kamay ko ramdam ko naman ang pag init ng mga pisngi ko...
"hehehe walang anuman" sabi ko at matapos non maaga naman kaming umuwi dahil nga may pupuntahan pa daw siya at may kailangan daw siyang gawin...
Ang bait naman pala ni Zian gwapo pa mayaman, gentleman at marami pang magandang ugali na tinataglay hindi pareho ng taong kilala ko argh!! Tsk...
Jane's P. O. V::
"lalala~~~
Pagkakanta ko habang naghahanda ng mga pinggan sa lamesa ang ganda ng simula ng araw ko maaga ako nagising tapos parang ang gaan gaan ng araw ko ngayon...
"oh mukhang ang saya ng anak ko ah kamusta ba ang date niyo ni Zian?? " pagtatanong ni papa...
"hehe nako pa hindi po yon date no" sabi ko habang hinandaan na siya ng pagkain...
"talaga ah.. Just be careful u know ur very special for me " wika ni papa at tiningnan ako sa mga mata at ginulo niya ang buhok ko pagkatapos niyang titigan ako sa mga mata at tumawa ng mahina...
"si papa talaga oh " at matapos iyon kumain lang kami ng tahimik...
AFTER A FEW MINUTES LATER ~~~
"sige po pa alis nako"at yon nga nagpaalam nako at umalis na ako matapos iyon....
SA SCHOOL ~~~~~~~~
haayyy... Sana wala ng masamang mangyari sa araw na ito ang ganda na ng simula eh.... Walang Raiven na nanggugulo ...
"good morning Jane" bati sa akin ni Pauline...
"morning "bati ko naman...
"ang blooming mo ata ngayon ah" dagdag pa ni Pauline...
"huh blooming ka dyan ano ka ba matagal na" sabi ko ng pabiro...
"ahem!! Ang hangin ah ramdam mo ba ha?? " wika pa ni Pauline at natawa nalang kami sa mga pinagagawa namin...
"ahm Jane" ng may nagsalita mula sa likuran namin...
"oh Zian ikaw pala" sabi ko...
"wala gusto lang kitang makita at makasama ako na magdadala ng bag mo ha" huh ano daw?? Ano ka ba Zian pinapakilig mo naman ako eh... Shemay..
"ahem!! Extra lang naman ako dito eh oh siya mag moment na kayo hoy Zian ah ikaw na bahala kay Jane alagaan mo yan I trust in you charot hahaha bye" a-ano bang pinagsasabi ng Pauline na yon may pa trust in you pang nalalaman ang isang yon... At ng tuluyan ng nakalayo sa amin si Pauline ang awkward ata ng situation namin ah grabe dahil nga si Zian ang may hawak ng bag ko aba lahat ng taong madaanan namin sa hallway ay napapahinto at napapatingin sa amin aba ganito ba naman kagwapo ang kasama mo at ito pa ha siya oa ang may hawak sa bag mo oh diba ang swerte ko naman haha...
"ano Jane sabay tayo mamaya mag lunch" biglang sabi ni Zian...
"huh ahh ehh hindi ko alam Zian eh" sabi ko...
"sige na please don't let me down Jane please just for today pretty please " sh*t for Christ sake lord bakit niyo ginawa ang napagwapo na nilalang na ito at ang cute niya pa mag puppy eyes putsa naiihi ako sa sobrang kilig....
"oo na sige na tara na nga nakakahiya na kasi dito eh" sabi ko at nauna ng maglakad...
"okay" ang huling ginawa ni Zian ang siyang ikinabigla ko bigla ba namang umakbay sa akin...
"Zian " gulat kung sabi...
"hahaha ang cute mo talaga" at pinisil niya bigla ang ilong ko...
"a-aray Zian!! " pagrereklamo ko ...
"s-sorry Jane napalakas ba?? Sorry" sunod sunod na paghingi ni Zian ng sorry sa akin...
"hahaha biro lang napakaseryoso mo naman hahaha" sabi ko sa kanya ...
"ikaw talaga" Zian...
"ahem kung maglalandian man kayo wag sa maraming tao" s-si Raiven at kasama niya sila Lorraine at ang iba..
At ito pa ha si Daniel at si Kris ay para bang nag uusap sa pamamagitan ng eye contact si Raiven at Zian naman aba ano bang problema ng dalawang to sa isat isa at parang ang bigat ng tension sa kanilang dalawa...
"ahem... Jane kamusta na date niyo ni Zian?? " biglang pagtatanong ni Daniel...
"huh ahh ehh" ano bang iniisip niya alam naman niya diba na ayaw na ayaw ni Raiven pag usapan ang tungkol sa mga ganitong bagay diba...
"ayos naman ang lahat were progressing " a-ano??!!!
"ohhh bilis mo tol ah" sabi ni Kris at naghigh five pa sila ni Zian...
"good... " walang ka emosyon na sabi ni Raiven...
"yeah " sagot naman ni Zian at hindi naman ito pinansin ni Raiven at binanggaan niya pa si Zian...
"Tsk... Are u afraid im gonna keep Jane ??" biglang bulalas ni Zian at niyakap ako mula sa baywang ko...
"a-ano ba Zian" wika ko ng tingnan ni Raiven si Zian ng masama at aba umalis lang ba naman ng walang sinabi...
"ako sayo Zian mag iingat hindi mo kilala ang binabangga mo" sabi ni Luke...
"tsk... " Zian...
"Oo nga Zian " sabi ko...
"wala akong pakialam" at biglaan nalang nagbago ang expression ng mukha ni Zian na para bang may tinatanim siyang galit kay Raiven simula pa lang naramdaman ko na ang ganoon sa kanya kapag nakikita niya si Raiven....
"dyan ka na Jane bahala ka na sa buhay mo" pagpapaalam ni Luke at nagsimula na silang maglakad papalayo sa amin...
"oo nga Jane bahala ka na kay Raiven kapag nagkataon hahaha ihanda mo nalang sarili mo" sabi ni Daniel habang humawak pa sa magkabilang balikat ko...
"hindi kita makakalimutan " ano bang pinagsasabi ni Daniel...
"hoy di pa ko patay walang hiya ka talaga Daniel" sabi ko at sinubukan siyang sapakin pero tumakbo na siya papalayo p-pero lagot ako nito kay Raiven teka bakit ba ko malalagot wala naman akong kasalanan ah tsaka kaano ano ko ba siya tsaka bakit siya magagalit... Bahala siya sa buhay niya...
Jane's P. O. V::
Dalawang araw na hindi pa rin bumabalik ang monster na Raiven na yon aba malay ko ba sa lalaking yon biglaan nalang mawawala at babalik na walang pasabi ang isang yon kaya nako bahala na si batman sa isang yon...
"ano bang ginagawa ng mga A-rank squad at ganoon ang nangyari!!?? Argh nawala lang tayo ng saglit tapos ganoon na ang mangyayari!! " - rinig kung inis na bulyaw ni Lorraine hala ano naman kaya ang nangyari at bakit ganoon nalang ka inis si Lorraine nasa tapat ako ngayon ng pinto sa office nila Raiven kasi nga may trabaho ako dito diba at accidentally na narinig ko lang ang mga pinagsasabi nila...
"calm down Lorraine pero napaaga yata ang pag atake ng mga kalaban natin at mukhang malakas sila sa inaasahan natin to think natalo nila ang isa sa white squad leader na si Squalo " ano bang pinag uusapan nila at anong kalaban?? Oh my gghhaadddd!!!!! I-ibig sabihin may mga taong nagtatangka sa kanila oh shemay ano ba ang pinasok ko....
"oh siya aalis nako at sasabihan ko pa kay Raiven the information you got " oh my ghad!! S-si Daniel papalabas na siya nako shemay walang matataguan unti unti ng bumubukas ang pinto...
"J-Jane?? K-kanina ka pa?? " sh*t!! Katapusan ko na paano kung ikulong nila ako kundi ipalapa sa buwaya dahil nalaman ko ang sikreto nila na gangster sila o di naman kaya mga ano ano pa yan sila jusko kayo na bahala sa akin huhuhu hinay-hinay akong humarap kay Daniel at sabay ng peace sign...
"ahm 'di ah ngayon ngayon lang ako" napa cross fingers tuloy ako ng pasikreto dahil wagas makatitig si Daniel talagang inoobserbahan niya ako breath in breath out Jane act na parang wala kang narinig.. Ehhh pero paano ko naman yon babaliwalain ugh!!!
Daniel's P. O. V::
Palabas na ako ng office namin sa school ng makita ko si Jane na nakatalikod at naglalakad palayo habang nakatabon ang mga buhok niya sa mukha don't tell me narinig niya ang mga pinag usapan namin??
Damn 'di ko man lang naramdaman ang presinsiya niya I can't believe I let my guard down there for a minute....
"hehe.. Ahm sige ah una nako bye!! " nakita ko na nagmamadaling umalis si Jane kaya agad ko siyang hinarangan...
"oops!!! Teka san ka pupunta ha diba may duty ka tsaka anu-ano ang mga narinig mo?? " sabi ko...
"ha w-wala akong alam sa pinagsasabi mo ah I'm innocent" sagot pa ni Jane habang nakangiti ...
"so bakit ka mukhang kinakabahan ha at san ka pupunta?? " pagtatanong ko sige lang magpalusot ka pa Jane si palusot queen rin ang babaeng to ah mukhang narinig rin nila Luke at ng iba ang pag uusap namin ni Jane dahilan na lumabas na rin sila ....
"uuwi na uwian na kaya oh hello" Jane..
"May kailangan nga palang ipapagawa si Raiven sayo kaya mamaya ka pa mamakauwi" singit naman ni Lorraine at binigyan ako ng sinyales na huwag munang paalisin si Jane...
"huh ah eh pasensiya na Lorraine ah nasisicr na kasi ako eh bukas nalang yan bye!! " sabi na Jane at lalakad na sana paalis ng harangin ko siya ulit...
"may cr sa office don ka nalang magcr" sabi ko...
"ayoko nga" sagot pa ni Jane..
"bakit ha sabihin mo lang gusto mong tumakas sa amin " sabi ko...
"anong tumakas ang pinagsasabi mo namamahay ang puwet ko kaya tumabi ka na nga!! " namamahay?? Hahahaha gaga rin ang babaeng to ah pinalampas ko nalang si Jane at hinayaan siyang makaalis..
"masama to narinig niya ang pinag uusapan natin baka ipagkalat niya pa ang mga narinig niya" Kristal...
"Hindi ganong tao si Jane I'm sure hindi niya iyon ipagkakalat pero ang alam ko may iniisip na ang babaeng yon ng kung anu-ano tungkol sa atin"aniya ni Lorraine..
"hahaha.. No doubt about that " si Jane pa eh ganoong tao iyon kilala na namin siya...
"siya umalis ka na at hinihintay na ni Raiven ang information na nalaman mo ngayon" Pag uutos ni Luke...
"oo na" wala na namang tao ngayon sa school at uwian na nga kaya tumungo ako sa parking lot ng school at maswerte wala man lang tao dito kaya agad ko ng isinuot ang singsing sa aking daliri na mismong ginawa ng Grandmother ni Raiven the only vampire that can make this especial ring at binibigay sa aming royal bodyguards o family na tawagin sa amin...
"Knight's Magic seal activate "wika ko at isang magical seal ang lumitaw bigla ito na kasi ang nagsisilbing transportation namin papuntang underworld ilang saglit pa ay mabilis akong nakarating sa palasyo nila Raiven..
"Good thing ur getting use to it " ng may nagsalita bigla...
"yeah its not that hard to control it " sagot ko kay kuya Carl...
"I'm glad to hear that nga pala hinahanap ka na ni Raiven puntahan mo nalang siya sa kanyang silid" sabi ni kuya at ginulo ang buhok ko ng makalapit siya sa akin...
"ano ba!! " inis kong bulyaw sa kanya ...
"haha.. Oh siya" kainis manggugulo pa ng ubang buhok may kanya naman tsk.. But from what I observe mukhang marami silang inaasikaso at ganoon nalang kapagod ang pagmumukha ng nakakainis kung kuya...
Haayy.. Biglaan rin nga lang kaming pinabalik dito sa mundo namin...
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa silid ni Raiven at pakatok na sana ng marinig kung may kausap siya...
"Raiven-sama sa pagkakaalam ko natalo ang squad na pinamumunuan ni Squalo dahil mahina pa ang kanilang pangkat hayaan mong ako mismo ang tatapos sa sinimulan ni Squalo at maglilinis sa kalat na hinayaan niyang dumami" aba sino naman ang isang to gago to ah kaya wala akong alin langan na pumasok...
"oh Daniel " wika ni Raiven at tumingin sa direction ko na kanina lang ay nagbabasa ng libro sa kanyang desk...
"who are u and why are u bothering Raiven??" i ask...
"Im Weins third squad leader in white squad " pagpapakilala nito sa akin...
"I heard your interested na pabagsakin ang mga kalaban that even Squalo can't defeat " i said...
"yes sir" sagot naman nung Weins sa akin...
"kung ganoon i need you to get more information about them and after that you can do what you want" sabi ni Raiven at nakita ko namang ngumiti ang Weins na iyon...
"Yes Raiven-sama" at nagbow sa harapan ni Raiven at sa akin bilang paggalang...
"that was surprising" sabi ko ng makaalis na ito...
"tell me about... Ano na anong nalaman nila tungkol sa kalagayan ni Squalo?? " pagtatanong ni Raiven as you can see Squalo is a royal prince vampire that formed an alliance to Raiven and to their family to serve him and well they sure are a well known family too...
"maraming natamong sugat si Squalo sa laban nila at iilan lang din ang nakasurvive sa mga subordinates niya mahirap mang aminin pero were not just against some group of vampires these guys are skilled as well akalain mo natalo nila si Squalo bilang pangatlo sa lahat ng mga squad leaders dito and a very skillful one too" pagpapaliwanag ko...
"tsk.. Alam ko na yan" wika ni Raiven habang isinarado ng malakas ang librong hawak hawak niya..
"nga pala Raiven tungkol nga pala kay Jane" ako...
"anong tungkol kay Jane?? " nagtataka niyang tanong...
"eh kasi narinig niya kaming nag uusap kanina tungkol kay Squalo but I don't think she will tell anyone " sabi ko at bakas naman sa mukha niya ang pagkagulat...
"what??!!! U let that happen??!! Dammit!! "
Kainis bakit ako lang mag isa ang nalalabasan ng galit ni Raiven tsk...Putsa naman oh unfair to ah...
"di bale were going to monitor her 24/7" sabi ko pa..
"dapat lang but i doubt that anyone would believe her" Raiven said..