Questions

3564 Words
Jane's P. O. V:: Kakatapos ko lang magbihis para bang nanghihina ako pababa nako ng hagdan at kaagad na bumungad sa akin si papa . "Are you okay?? " nag-aalala niyang tanong pinilit kong ngumiti.. "kain na po tayo" pagyaya ko habang kumakain kami biglaan nalang akong nakarinig ng boses. "Sovereignity " "sino ka ba?? " - pagtatanong ko.. "sino ba ang kausap mo Jane?? Sigurado ka bang ayos ka lang?? " nagising nalang ako sa katotohanan ng magsalit si papa at tinapik ako sa balikat.. "a-ayos lang po ako " hindi na rin siya nagtanong pa kaya matapos iyon pumunta pa rin ako ng school ayoko kasing lumiban sa klase. "hey" nakita kung naghihintay si Luke sa gate. "hey" sagot ko naman. "look I'm sorry about yesterday " aniya ni Luke at seryosong nakatingin sa akin. Ng bigla nalang ulit sumakit ang ulo ko. "Sovereignity " ayan na naman naririnig ko na naman ang boses na iyon.. "Jane?? " -Luke "Sovereignity " tumahimik ka nga hindi ako si Sovereignity.. "tumigil ka na!! " napatakip ako ng bibig ng masigawan ko si Luke na kanina pa ako tinatawag bakas rin sa mukha niya ang pagkakagulat.. "sorry masakit lang ang ulo ko pasensiya na talaga" paghinga ko ng tawad sa kanya.. "are you sure you're alright?? " pagtatanong ni Luke. "ayos lang ako tara" aniya ko ano bang nangyayari sa akin??  Kagabi pa to eh pati sa panaginip ko naririnig ko ang boses na iyon. "hey Jane!!! " napatingin naman ako sa sumigaw sila Daniel at ang iba lang pala kaya nginitian ko silang lahat. "nga pala Jane pasensiya na kahapon" pagsisimula ni Kris. "okay lang yon ano ka ba" aniya ko. "Hi Jane i miss you!! " natawa nalang ako kay Daniel at bigla akong niyakap. "tsk. Ang iingay niyo ang aga pa" napasimangot ako bigla ng makita ko si Raiven tsk. Napakakill joy talaga ng isang to. "bakit ka nga pala wala kahapon?? So ngayon umaabsent ka na sa trabaho mo?? " anito ni Raiven.. "huh hindi ah " aniya ko. "whatever double time ka ngayon magtatrabaho " napanganga nalang ako sa sinabi niya. "huh double time?? Bakit?!! " pagmamaktol ko. "that's your consequence for being absent" aniya ni Raiven at lumakad na siya paalis ng hindi man lang ako hinihintay makasagot. "hoy consequences ka dyan!! Hoy!! " hindi na niya ako pinansin instead umalis na sila kaya ako ito naiwan sanay na rin man akong iwan palagi nalang hala ano daw?? Hehe dumiretso nako sa classroom pagtingin ko sa oras patay late nako ng 10 minutes pagbukas ko ng pinto nagulat ako wala pa si Ma'am. "hi Jane! " bati ni Pauline sa akin. "asan ba si ma'am??. hindi pa yon nalelate kahit kailan" aniya ko. "Medyo busy daw kasi sila sa faculty lahat ng teacher kasi biglaang pinatawag dahil may meeting daw" pagpapaliwanag ni Pauline. "ahh ganoon ba" - aniya ko Mabilis na lumipas ang oras ni wala ngang pumasok na teacher sa amin dahil busy daw lahat kaya ito ako ngayon papunta na sa office. *Knock~~Knock~~ Ay walang sumagot kaya binuksan ko na ang pinto . "hello?? " wika ko ng nakita kung nakabukas ang kabilang pinto dahil nga sa curious ako ng makalapit ako s-s-si Raiven god ang ganda ng porma ng katawan niya nakaharap siya sa full size mirror naka-unbotton pa rin ang polo shirt niya which shows his six pack abs my god he look so perfect. "Day dreaming about me?? " nabalik nalang ako sa katotohanan ng magsalita siya. "huh ah eh hindi ah" napayuko nalang ako gosh!!!  Nakakahiya ramdam ko na uminit ang pisngi ko shemay!! "oh really " nagulat nalang ako ng hilahin ako bigla ni Raiven and he pinned me to the wall. "ouch" wika ko nakayuko pa rin ako ng pilit niya akong pinaharap. "did you enjoy what you see?? " pagtatanong niya sa husky niyang boses at inilapit niya pa ang mukha niya kaya amoy ko ang hininga niya na amoy mint. "huh?? " shemay pwede ba lumayo kana i can't breathe!! Omg ang init dito sh*t!! "i know you did" bumilis bigla ang t***k ng puso ko ng hawakan niya ang pisngi ko. Tiningnan niya lang ako sa mata ganoon pa rin ang posisyon naming dalawa. "haayy.. " ilang saglit pa ay lumayo na siya. Nakahinga naman ako ng maayos shemay kung nagtagal pa kami ng ganoon aba ewan ko nalang napahawak nalang ako sa dibdib ko. Inhale, exhale ~~~~ "here" napatingin ako kay Raiven at agad na inalis ang kamay ko sa dibdib ko . "what? " nagulat nalang ako ng may bigla siyang hinagis sa akin. "adik ka ba mabuti at nasalo ko t-teka para saan to?? " cellphone to ah para sa akin ba to?? Wait no way!! "kainin mo try mo baka mabusog ka pa" tsk.  Suplado. "sure ka ba talaga??" sabi ko habang itinaas ang box ng cellphone.. "yes " maikli niyang sagot . "talaga??!!" pagtatanong ko ulit. "oo nga ang kulit" waahhh omg!! "thank you!! " napayakap ako dahil saya ng maisip isip ko ang ginawa ko. "ops sorry thank you ha! " nakangiti kung sabi.. "yeah " sagot niya at may tiningnan siyang mga papel. Sos ang bait mo naman pala eh hmm amoy bago pa talaga ang phone.. Raiven's P. O. V:: Pilit kung nililibang ang sarili ewan ko ba hindi ko rin alam kong bakit ko yon ginawa kanina kay Jane. "yeah" pagsagot ko sakanya habang nakatingin sa mga papel ng makita kung masayang masaya siya sa cellphone na ibinigay ko inaamoy amoy niya pa nga Tsk. I can't help but smile seeing her like this. "just do your job that's how your paying me back in return " i said. "okay no problem " nakangiti niyang sabi kaya ginulo ko ang buhok niya.. "tsk.. Naman eh" nakanguso niyang sabi i just laugh at her.. She's really different. Jane's P. O. V:: Dalawang araw na since binigyan ako ni Raiven ng phone pero hindi ko naman nagagamit ng todo. Nasa rooftop ako ngayon nagpapahangin at pinapakalma ang sarili ko buong umaga na sumasakit ang ulo ko minsan natutulala ako tapos nawawala ako sa pag-iisip ko. "Sovereignity " Ayan na naman ang boses na iyan napahawak ako sa ulo ko. Ano ba ang kailangan mo??!!! Lubayan mo na ako pwede ba!!! "gawin mo ang misyon mo " A-anong misyon ang pinagsasabi mo??!!! "ano ba??!! Sumagot ka!! " aniya ko. Pero hindi na siya sumagot pa ano ba talaga ang nangyayari sa akin. Tuwing naririnig ko ang boses na iyon nawawala ako sa sarili tila ba hindi ko pagmamay ari ang sarili kung pag iisip at pagkilos. *Kring~~Kring~~ Agad kung kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko ng makita ko kung sino ang tumatawag si Raiven lang pala. "hello? "-ako "asan ka ba?? Kanina pa ako tumatawag ah" rinig kung inis na wika ni Raiven. Ayan na naman lagot na naman ako sa kanya. "ah eh..  Bakit ka nga pala napatawag?? " hindi ko na dapat pang sabihin sa kanila siguro dahil sa pagod lang ito. "si Jane na ba yan?? Hi Jane!!! " t-teka ang boses na iyon. "Zian?? " aniya ko. "namiss na kita!! "-Zian "pwede ba lumayo ka nga sa akin!! " rinig kung wika ni Raiven haayy kahit kailan ang dalawang to.. "pumunta ka na nga dito para matahimik na ang mokong nato! " wika ni Raiven.. "hahaha oo na sige bye!! " sabi ko at binaba na ang tawag. *Inhale~~ exhale~~~ Patayo nako pero nahihilo pa rin ako. Tsk. After a while ~~~~~~~~~~~~ "Jane!!! " pagsigaw ni Zian at bigla akong niyakap.. "Hehe oh kamusta ka na tagal mo ring nawala ah" wika ko. "ayos naman. Oo nga eh marami kasi akong inaasikaso " pagpapaliwanag naman niya nakita ko naman si Raiven na nakatingin sa amin at nakataas ang kilay nito na tila ba naiinis. "nga pala nagdala ako ng pagkain para sayo" aniya ni Zian. "huh para sa akin?? " pagtatanong ko. "oo namiss kasi kita ng sobra tara kain tayo" pagyaya ni Zian.. Ng makita ko si Raiven na nakaupo na sa couch at kumukuha ng pagkain na nasa center table. "hoy bakit ka kumukuha para kay Jane lang yan!! " bulyaw ni Zian pero tiningnan lang siya ni Raiven at kinain ang sandwich na kinuha niya. "aba sumosobra ka na ha!!! " lalapit na  sana si Zian kay Raiven kaya agad kong pinigilan siya. "ano ba tama na nga yan kumain nalang tayo pinapasakit niyo lang ang ulo ko eh" sabi ko mabuti tumigil naman siya at nakinig sa akin. Pero parang ang awkward naman ata ng sitwasyon namin ngayon eh kasi naman pinagitnaan nila ako tsaka ang tahimik pa. "Jane gusto mo ba ng cookies ako mismo gumawa nito" wika ni Zian wow mukhang masarap ah. "wow talaga?? " aniya ko. "oo grabe ka naman sige na tikman mo na say Ahh~~ " waahh ano bang iniisip niya?? "w-wag na ako na magsusubo" sabi ko pa tumingin ako kay Raiven na nasa kaliwa ko ni wala man lang siyang pakialam. "no say Ahh~~ "  nakakahiya talaga oh pero wala nakong ibang nagawa kundi sumunod kay Zian kaya ayon sinubuan niya ako ng cookie . "hindi mo naman ako (sabay nguya)  kailangang subuan.. Wow ang sarap!!! " sabi ko sarap nga talaga grabe. "mabuti naman at nagustuhan mo" wika ni Zian at ngumiti naman siya. "ito pa oh" sabi niya at sabay alok sa akin.. "salamat!! " sabi ko. "tsk.. Ano namang pinagkaiba niyan sa ibang cookies tsk" ng nagsalita si Raiven. "nako masarap kaya tikman mo" sabi ko. "ayoko baka sumakit pa ang tiyan ko dahil dyan" tsk. Ang arte talaga niya kaya kumuha ako ng isang cookie. "anong sinabi mo!! " "hindi ko na kailangan pang sabihin ulit yon alam kung narinig mo rin yon" ugh!! Nakakairita na rin sila away dito away doon. "pwede ba tigilan niyo na nga yan ito tikman mo nalang ito" sabi ko. "ayoko" hindi ko na pinakinggan si Raiven at sinubo sa kanya ang cookie. "masarap diba" sabi ko habang nginitian siya ng nakakaloko. Gumanti naman si Raiven tiningnan niya ako ng masama na hindi ko na pinansin. Nagkainan lang kami at si Zian naman nagkwentuhan lang kami ng tumunog na rin ang bell hudyat na tapos na ang break time class hours na kaya nagpaalam nako kay Raiven. Sabay na kaming pumunta sa classroom since magkaklase kami nitong si Zian ng makarating kami sa classroom. "hi Jane! " masiglang tawag ni Keifer sa akin. "Hi" sagot ko naman . "oh Zian nandito ka na pala" wika ni Keifer "oo nandito na nga ako" naging seryoso nalang sila bigla. "ahm magkakilala kayo?? " pagtatanong ko. "magkaibigan kasi kami nila " aniya naman ni Kirby. "ahh" - Hindi nako nagtanong pa ng kung anu-ano . Pero kung magkaibigan sila bakit ganyan nalang ang pagtrato nila sa isat isa. ilang saglit pa--------- "okay class sit down! " dumating na si sir at nagsimula na siyang magklase habang nagsusulat ako bigla na naman sumakit ang ulo ko. Ugh!! Mas masakit siya ngayon nabitawan ko tuloy ang ballpen na hawak hawak ko. "Jane ito oh" pabulong na sabi ni Keifer at inabot sa akin ang ballpen ko. "s-salamat" nakahawak pa rin ako sa ulo ko at kinuha sa kanya ang ballpen pinagpapawisan na ako dahil sa sobra ng sakit ng ulo ko. "ayos ka lang Jane?? " napalakas na ang boses ni Keifer nakita ko namang napatayo si Zian at si Kirby lumalabo na rin ang paningin ko. "a-ayos lang ak- " matapos iyon naririnig ko nalang sila na tinatawag ang pangalan ko ilang saglit pa nawalan nalang ako ng malay. Zian's P. O. V: Nawalan nalang ng malay si Jane kaya dinala kaagad namin siya sa infirmary room . "nasan si Jane?? Ayos lang ba siya?? " ilang saglit pa ay dumating na rin sila Raiven at ang iba pa. "nasa loob siya ayos lang si Jane " sagot ni Keifer. "kasalan niyo to no! " bulyaw naman ni Lorraine. "wag ka nga basta bastang nanunuro dyan nawalan nalang ng malay si Jane" sagot ko naman. Tama nga ang sinabi ni boss at ni Zero oras na. I use my telepathy to Kirby and Kiefer [ oras na para sa next level ng plan natin] -wika ko. [ngayon na?? Masydo naman atang maaga para doon] -Kirby. [mismong si boss ang nag-utos sa akin mamaya ko na ipapaliwanag ang lahat] [tsk.  Gawin mo ng maayos]- Keifer. Ilang saglit pa ay nagpaalam ang iba na bibili lang daw ng makakain para kay Jane para mamaya sa paggising niya , oras na. "oh siya bibili na rin ako" wika ko at umalis nako ng makalayo layo nako sa kanila agad kung tinago ang presinsiya ko para hindi nila ako maramdaman mamaya isa rin ito sa ability ko. Kaagad akong nagtungo sa backdoor ng infirmary room kung nasaan si Jane. "haayy" kaagad akong nagtago sa isang sulok ng makita kung lumabas ang nurse pagkakataon ko na to kaya dahan dahan akong pumasok. Tinungo ko kung nasaan si Jane bumungad naman sa akin si Jane na walang malay . Kinuha ko na sa bulsa ang isang maliit na babasaging bote na ang alam ay dugo ni Zero. Kailangan ko lang gawin ay painumin ito sa kanya. Kaya inumin mo to Jane. Malapit mo na itong maubos sige inumin mo lang. (and an evil smirk plastered on his face) *GASP~~~~ Ng maubos ng mainom lahat ni Jane ang dugo nagkamalay bigla si Jane. "aaahhh!!!!!!! " ng magsisigaw nalang siya bigla. Ito ba ang ipikto nito sa kanya sumisigaw siya habang hawak hawak ang ulo nito. Ng bumukas ng marahas ang pinto. "Jane!!!! " oh sh*t nakita na nila ako wala ng ibang paraan kailangan kong makaalis na dito. "anong ginawa mo sa kanya??!! " anito ni Raiven.  Naging napakapula ang mga mata niya ramdam ko ang namumuong pawis sa mukha ko at tila ba pinako ako sa aking kinatayuan. K-Kailangan kong makaalis dito. "wala ka ng pakialam don" balak ko na sanang tumakas ng may biglang umataki sa akin mula sa likuran s-sino naman kaya iyon. Kailan pa siya nasa likuran ko damn you Daniel susuntukin ko na sana siya ng biglang bumigat ang katawan ko. "magpahinga ka na muna" ilang saglit matapos sabihin iyon ni Daniel unti unting bumibigat ang mga mata ko at sa hindi ko inaasahan unti unti nakong nawawalan ng malay. *BOGSH~~~~  Tunog ng paghulog ng katawan ni Zian sa sahig na wala ng malay. "aahh!! A-ang sakit ng ulo ko"- Jane. "Jane?? Sumagot ka?? " Raiven's P. O. V:: Goddammit !! I knew it may masamang balak ang lalaking iyon kay Jane. Napakuyom nalang ako hawak hawak ko rin ang bote na nasa bulsa ng lalaking iyon. Pinahatid ko na muna si Jane kanila Kris at Lorraine sa kanila para mabantayan siya nila. "Nandito na siya Raiven" wika ni Kristal kaya humarap na ako sa kanila. Hawak hawak nila ang magkabilang braso ng walang hiyang Zian na yon bugbug na rin ito. "ano bang nangyari at ganyan ang itsura niyan?? " pagtatanong ni Kristal. "lumalaban siya kanina pilit na kumakawala kaya wala na kaming nagawa ni Luke kaya ito" Anito naman ni Daniel. "enough with the chitchat " - pagsisimula ko. "sabihin mo kaninong dugo ang nandito?? " i said with an authority in my voice. "hindi ako sumasagot sa katulad mo"- matapang na sagot nito. "bwis*t ka ah!! " Inis na bulyaw ni Daniel. "you'll answer to me!! " hindi ko na napigilan pa ang sarili at tuluyan ng nagising ang pagkabampira ko. "ngayon sabihin mo bakit si Jane ang tinatarget niyo?? " anito ko. "dahil iyon ang pinag-utos ni Zero" - ano si Zero?? Pero bakit si Jane?? "bakit?!! " - bulyaw ko. "malalaman niyo rin yon sa tamang oras" bwis*t ang lalaking to. "Ano na ang balak mo ngayon Raiven Knight Walker?? Wala kang magagaw- " I didn't let him to finish anymore I'm full of this. I raise my right arm and the time i snap my finger his head was cut off. "i told you,you mess with the wrong vampire " i said bluntly. "get him out of my sight " pag-uutos ko kanila Luke at Daniel. I tried to calm myself down and as i feel my eyes turning back to normal. I will get you Zero . Daniel's P. O. V:: Damn this guy ginalit niya si Raiven his not gonna live after this and the time when Raiven raise his right arm and snap his finger Zian's head was cut off. What the! ni wala akong nakita sa bilis. Natalsikan kami ng dugo ni Luke kaya binitawan na muna namin ang katawan nito. "ugh!! I just changed my clothes " aniya ko habang pinunasan ang dugo na nasa pisngi ko. "tsk..  Such a mess" anito naman ni Luke habang nakatingin sa duguan na si Zian his drawn into the blood again kaya sininyasan ko na si Kristal napansin naman niya ito. "get him out of my sight " biglang pag-uutos ni Raiven. "kami nang bahala" wika ko. Nakita ko namang napakalma na ni Kristal si Luke may issue kasi si Luke pagdating sa maraming dugo na nakikita niya. "I'll help you out " wika ni Kristal at Luke mabilis naming niligpit ang katawan we use our speed to get into the nearest abandoned area and buried the body. "phew let's go we can't leave Raiven alone " wika ko pa at pinunasan ang namumuo kung pawis. "chill dude nandoon si Edward at ang ibang elite groups" pagpapaliwanag ni Luke. *Sigh~~~ "ano ba talaga ang kailangan nila kay Jane? " napatanong nalang ako. "yan ang kailangan nating malaman " sagot naman ni Kristal ilang saglit pa bumalik na kami sa mansion. Pagbalik namin sa mansyon kaagad naming nakasalubong sila Lorraine at Kris. "what's up" pagsisimula ko. "hey guys " bati ni Lorraine. "so kamusta may nakuha ba kayong impormasyon?? " aniya ni Kris. "yeah about that wala kaming masydanong nakuha" sumali na rin si Luke. "why?? " Lorraine. "sinabi niya lang malalaman natin ang lahat sa tamang oras " pagpaliwanag ko pa mukhang naguluhan rin sila. "pero about Jane? " aniya pa ni Lorraine "ayaw rin niyang sabihin kanina mukhang may kumukontrol sa kanya na sabihin ang mga bagay na iyon" pagpapaliwanag ni Kristal dahilan na mapatingin kami nila. "huh kumukontrol?? " pagtatanong namin. "is that even possible not if they also have your ability " Aniya ni Kris. "no it's different from Krystal's ability " nabigla kami ng sumali si Raiven sa pag-uusap namin kaya napawi kaagad ang atensyon namin lahat sa kinatatayuan niya. "pumasok na muna kayo" mahinahon na siya ngayon kaagad na rin kaming sumunod ng nasa may sala na kami at naunang umupo si Raiven sa couch. "what do you mean na different sa ability ni Kristal?? " pagsisimula pa ni Lorraine. "It's Zero who's controlling them it seems likes he did something to them" pagpapaliwanag pa ni Raiven. "but you that's never been done before except for Krystal's rare ability to take over the host and control them" aniya ni Kris. "i hate to admit his stronger and more Powerful" aniya ko pa. "what news do u have about Jane?? " pagtatanong ni Raiven. "she's still shock about what happened na sabihan na namin ang papa ni Jane pumayag naman ito " pagpapaliwanag ni Kris. Nag-aalala tuloy ako lalo kay Jane nadadamay pa siya sa mga ganitong bagay. "ano naman ang pinalusot niyo you know we can't let her father know the truth" aniya ko. "sinabi namin ang pinag-utos ni Raiven na mayroong bumabalak na masama kay Jane kaya we need to provide security for her at first her father was shock and can't understand but good thing he let us" aniya pa ni Lorraine. "good. Lorraine and Kris you take the first watch i have some business with my father" wika ni Raiven . Matapos iyon umalis na sila Lorraine at Kris.  Sinamahan namin si Raiven papunta sa office niya. "Daniel, Kristal dito lang ako babalik rin naman ako kaagad after i talk to my father Luke and I will go" anito ni Raiven at ilang saglit pa ay naging napakapula ng kanyang mga mata and a powerful presence is coming from him kahit sa ganitong pagkakataon titigan mulang siya hindi mo maiiwasang maramdaman ang pagkasuperior niya na sa presinsiya palang niya even those who called themselves royals and powerful vampires will bow to his presence . "will be going" nabalik nalang ako sa katotohanan ng magsalita si Raiven. "o-ohh" sagot ko ilang saglit pa ang magical circle was activated within just a minute later Raiven and Luke was gone. "weird" napatingin naman ako bigla kay Kristal. "huh?? " nagtataka kung tanong. "hindi ka ba nagtataka masyadong nag-aalala si Raiven kay Jane " aniya ni Kristal. "ano bang pinagsasabi mo?" anito ko. Ano bang pinagsasabi nitong si Kristal. " feels like all his attention was focus on Jane his getting too close from her like she's an important person to him"-Kristal. "tsk. Your thinking too much of course we need to protect her she's in this mess because of us we drag her into this and Raiven is thinking the same thing besides she already done enough to us " pagpapaliwanag ko kay Kristal hindi na rin ako nagtataka bakit nasabi iyon ni Kristal natanong ko na rin iyon sa sarili ko.  Wala talagang tao na hindi magugustuhan si Jane para bang may kakayahan siya na magustuhan ng lahat kahit si Raiven nga eh. Kahit kaming lahat ay naging malapit na rin kay Jane . But why her??  Ano ba ang gusto ni Zero na mangyari?? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD