Chapter 52 (Reasons) Layt's POV Nangilid ang luha ko habang hawak ko ang espadang tumagos sa aking tiyan. Ramdam na ramdam ko ang sakit at bawas agos ng dugong nawawala sa akin. Alam kong bampira ako at hindi ko akalain na may ganito palang mga armas na makakapatay sa amin. Napalingon nalang ako kay King. Mas naluha ako dahil wala man lang akong nagawa para tulungan sila. "Suko ka na ba? I'm very sad. Dito na pala magtatapos. Hindi man lang ako pinagpawisan." "Ano bang problema mo? Ano bang nagawa ng pamilya ko sa iyo? Bakit ganito ang nangyayari? You will never be happy! Kinain ka na ng kasamaan!" Napasuka naman ako ng dugo noong mas diniinan niya ang saksak sa akin. Nanginig na ang buong katawan ko. Kaya ko pa. Hindi pwedeng hindi. Kailangan kong kayanin. Kaso parang hindi ko na k

