Here's another chapter! Paki-add din sa library niyo! Thanks! :) Third Person’s POV Napangiti ang babae sa inakto ni Adonis kaya mas lalo pa itong lumapit para manukso. Ngayong tanggal na ang suot niyang cloak, naiwan siya sa pulang corset type silk dress na mayroong lace designs. Sunod nitong tinanggal ay ang isang gloves at tinapon sa mukha ni Adonis dahilan para mapalipat siya sa kabilang sulok ng kwarto since hindi rin siya makalabas. “Miss kung sino ka man, hindi ako natutuwa rito. Kasado akong tao kaya wala kang mapapala sa’kin,” pangungumbinsi nito ulit pero tila walang naririnig ang babae at tinanggal pa ang isang gloves dahilan para makita ni Adonis ang munting kinang sa ring finger nito. Napatingin siya sa sariling daliri na may pagtataka hanggang sa narinig niyang tumawa ang

