FLASHBACK…4 YEARS AGO… Totoong naiistress ako isang gabi sa dami ng ipapagawang plates at sunod-sunod na exams kaya naisipan kong lumabas para bumili ng kape. Nag-google ako kung saan pa ang bukas sa mga oras na ito at unang lumabas ang Coffee Chinie sa suggestions at maganda naman ang reviews at interior ng shop kaya doon na ako nagtungo. Saktong naka-shuffle ang music ko at kasalukuyang nakatugtog ang acoustic version ng ‘Out Of My League’ ni Stephen Speaks. Pagkaparada ko sa parking lot, nakita kitang mag-isang nakaupo sa bench sa ilalim ng poste at naisipan kong pagmasdan ka muna bago lumabas ng kotse. Tutal tinted naman ang sasakyan, hindi ako magmumukhang weirdo na nakatingin sa iyo. Your eyes were drooping from time to time at hindi ako sigurado kung natural lang ba iyon per

