DO NOT READ YET. WILL UPDATE THIS MONTH. biglaang tumunog ang cellphone niya. Isang email notification na hindi pamilyar ang sender kaya naisipan niyang baka namali lang ito pero sunod-sunod pa ang natanggap na notifications sa kaparehong email address. Pumunta si El sa opisina niya sa rancho at binuksan ang laptop para doon tignan ang kung ano pang laman ng email at pagkabukas niya, may mensahe pa ito sa itaas. ‘Kumurap ka muna nang ilang beses at humugot nang malalim na hininga dahil baka hindi mo kakayanin ang pasabog kong ito. Enjoy. Nagtaka siya kung ano ang ibig sabihin non pero pag-check niya sa pinakaunang picture attachment sa email, literal niyang nabitawan ang basong naglalaman ng juice at nabasag ito sa sahig. Kahit nanginginig, pinilit niyang tignan ang ilan pang laraw

