Third Person’s POV At the age of 10, Forrest is now known to have Selective Mutism. Nagagawa na niyang kumausap sa mga magulang ngunit sa ibang tao o sa kahit saan pang social gatherings ay bumabalik siya sa pagiging pipi. Ika naman ni Rosalinda, hindi na baleng wala siyang ibang kausapin basta’t ang importante ay magaan na ang loob ng kanilang anak sa kanila. Ngayon ay kasalukuyan silang umaattend ng birthday party sa isa sa mga anak ng kasosyo ni Christon sa negosyo at dinala nila si Forrest. “Anak, ihahatid lang namin saglit itong regalo sa birthday celebrant at babalik kami kaagad. Huwag kang lalayo ah?” bilin ni Rosalinda at ngumiti ng tipid si Forrest bago tumango. Nang makalayo na ang mga magulang, inilibot ni Forrest ang tingin sa kapaligiran habang nakaupo sa kanilang assig

