Third Person’s POV
Sinabayan nina Constantine at Night ang inuman nina Levi at masayang nakihalubilo ang magkakaibigan sa magkapatid.
“Hindi talaga ako sanay uminom kaya konti lang ang pwede sa’kin,” sambit ni Levi matapos inumin ang isang basong inalok sa kanya ni Night.
“Anong hindi sanay? Talagang hindi ka pa nakainom ng alak bro pero bakit mo tinanggap iyan, ha?” panenermon ni Weston na sinang-ayunan ni Claude. Madalas silang mag get together pero ni minsan kahit anong alok nila, umaayaw talaga si Levi.
“May nagpainom sa’kin eh. Hindi naman pala ganoon kasama,” nakangiting tugon ni Levi na inaalala pa ang kwentuhan nila ni Villaine.
“Ang bad influence pala ng taong nakapagpainom sa’yo, pare. Sino ba ‘yun? Kwento ka naman!” masiglang pagtatanong ni Constantine na nakaupo katabi si Night hawak ang baso niya at nasa tapat nila ang tatlo.
“Asus, isa lang ang bad influence pero sobrang good para sa kaibigan namin. Walang iba kundi ang prinsesa ng kadiliman! Sabihin mo ngang mali ako, tol! Hahahah!” kwento ni Claude at nakipag-apir kay Weston kahit nasa gitna nila si Levi.
“Mabait nga kasi siya hindi niyo pa lang kilala.”
“Paano mo nasabing mabait siya? Why don’t you tell us about this girl,” nakangiti pero hindi abot sa matang pagtatanong ni Night at humigpit ang hawak sa baso niya. Nginisihan siya ni Stan ng makahulugan pero nanatiling nakatuon ang atensyon ni Night kay Levi na para bang inoobserbahan ang bawat galaw at salita nito.
Levi on the other hand, felt the slight tension from Night’s way of asking pero dahil ngayon lang niya nakilala ito, pinili niyang hindi muna husgahan at baka sadyang strikto lang ang aura niya.
“Well, she’s unique in her own way. Madalas makikita mo sa mga mata niya na parang puno siya ng galit sa mundo at literal din siyang galit sa lahat ng tao sa paligid pero sa kabila ng lahat ng iyon, nabigyan ako ng pagkakataon na maging kaibigan niya kahit mukhang napilitan nga lang siya eh. Teka, baka maitodo ko ang pagkukwento at buong magdamag kayong tutulala sa’kin. Pwede naman siguro naming libutin itong lugar niyo ‘di ba?” medyo awkward na pag-iiba ni Levi ng topic dahil pakiramdam niya, hindi ito ang tamang lugar para magkwentuhan ng ganito o sadyang ang matatalim na mga tingin ni Night sa kanya ang nagpatigil sa kanya sa pagkukwento.
“Sure thing. Stan, paki-tour sina Weston at ako nang bahala kay Levi. Ipapakita ko rin sa kanya ang koleksyon natin.”
“Alright then. Tara mga pare, marami akong kilalang apple candies na paniguradong hindi niyo matatanggihan,” sambit ni Constantine na kina-excite nina Weston at nagpaalam na kay Levi tsaka nauna ang tatlo sa may pool area.
“So, shall we?” tumayo na si Night kaya tumango na rin si Levi para sundan siya. Gustuhin niya mang hindi malayo kina Claude, bastos din tumanggi sa mismong mga may-ari ng lugar na ‘to na nag-alok sa kanilang maglibot sa lugar. Maraming bumabati kay Night sa tuwing dumadaan sila at hindi rin maiwasang mapatingin ng iilang kababaihan kay Levi.
Two attractive men roaming the dance floor area got enough attention from the ladies.
“Dito ang paborito kong parte. Ang dancefloor at doon ang stage namin kung kumukuha kami ng performers o kung kami rin mismo ang magpe-perform.”
“Kumakanta kayo ng kapatid mo?” tanong ni Levi.
“Yep and playing some instruments too. Ikaw ba, may alam ka sa musika?”
“Piano. Tinuruan ako ni Daddy hanggang sa nakahiligan ko na rin.”
Bago pa man makapagsalita ulit si Night, may tatlong babaeng lumapit sa kanila bitbit ang kanya-kanyang cocktail drinks.
“Hey there, babe. Would you like to have some?” pag-aalok nung isang kay Levi.
“You look like my next boyfriend. Can you drink with me, please?” sambit nung isa kay Night.
“Coming from a beautiful lady, why not?” nakangiting sagot ni Night tsaka kinuha ang inumin ng babae at nag-signal kay Levi na abutin din ang inaabot sa kanya nung dalawa.
“Sure kaso isa lang muna.”
Night’s POV
Naupo kami sa cylindrical couch na nakapwesto sa gitna ng dancefloor habang pinapalibutan ng mga kababaihang lumapit sa’min at tumatango-tango lang ako sa kwento nitong kausap kong nakalimutan ko ang pangalan pero wala rin akong paki. Tiningnan kong todo ngiti at tanggi ang ginagawa ni Levi pero dahil na rin sa pagka-persistent nung dalawa, napapainom nila ito.
Good girls. Kinindatan ko iyong isa na siyang ngumisi nang todo. Sinadya kong kumuha ng kakuntsaba para matamaan ng alak itong si newbie na literal ngang mala-anghel kung umasta pero sigurado akong lahat ng tao, may tinatagong baho. Alcohol has the ability to take anyone’s mask off and this is what I’m trying to do. Alam ko naman kasing wala akong makukuhang kwento mula kay Zix kaya kay Levi ko mismo aalamin ang lahat ng nangyari simula Day 1.
“Hey, am I that boring to you? Ba’t sa kanila ka nakatingin?” naka-pout na sambit nung babaeng katabi ko kaya inakbayan ko siya para makausod papalapit sa’kin. She willingly scooched closer.
“No you’re not boring sweetheart. Nakikinig naman ako. Hindi ba’t kinukwento mo kailanlang kung paano ka tumakas papumta rito?”
Ngumiti siya nang todo at tumango-tango na parang aso. Tss. Girls like her are so damn easy kaya ayoko sa kanila at iisa lang ata ang gugustuhin ko kahit ang hirap niyang abutin. I love one girl but that doesn’t mean I can’t play with other girls. Technically, I’m single.
Exactly 12 midnight, nagsilitawan ang mga led stage sa gitna ng mga inuupuan naming couch. Pinanuod kong umilaw iyon hanggang sa ang pole na mismo ang unti-unting lumitaw sa gitna ng led stage at naghiyawan ang mga bisita sa paligid habang sunud-sunod na bumababa mula sa second floor ang dancers ngayong gabi, each in their desired outfits wearing their masks. They’re not some regular strippers though, but professional pole dancers. Nasa kanila na iyon kung makikihalubilo sila sa customers pagkatapos.
Pagdating nung designated dancer sa led stage namin, nakita ko ring todo iwas ng tingin si Levi lalo na’t nasa harap niya mismo iyong babae. Hindi niya nga rin hinahawakan yung dalawang babaeng lumapit sa kanya pero iniinom niya ang mga inaabot nilang baso. Lalaki ba talaga ang isang ‘to? At hindi niya man lang naisip ang basic rule sa loob ng nightclub o bars na huwag basta-bastang tatanggap ng inumin sa hindi kakilala. Kahit sa mga babae, may naglalagay na ng kung ano-ano sa inumin ng mga lalaki.
Tss. This innocent bastard. Baka ako pang may kasalanan pag mamatay ‘to kakainom.
“Ladies, huwag niyo nang painumin itong kaibigan ko. Why don’t you girls go somewhere else as I’m sure you won’t enjoy this show,” pagtataboy ko sa mga babaeng nakaaligid sa’min at naintindihan nung dalawa sa banda ni Levi pero iyong akin, labag sa loob siyang umirap tsaka umalis na.
“Perseus, hindi ko ata kayang panuorin siya pero no offense, sadyang hindi lang ako komportable sa mga ganito. May parte ba rito na hindi gaanong matao? Nahihilo na rin kasi ako eh.”
“Bakit? Hindi ka ba nagagandahan sa kanya?” turo ko sa babaeng nagpo-pole dance sa harapan namin at saktong inakyat niya ang pole, her ass comes into view. Inabutan ko ulit ng inumin si Levi na hindi niya naman tinanggihan at mabilisan itong tinungga para siguro hindi malasahan ang pait.
“Tignan mo, ang ganda ng katawan. Teka, hulaan ko kaya ayaw mo sa mga ganitong show. You’re a virgin?”
Nahihiya siyang napakamot sa batok at ngumiting lasing sabay tingala sa itaas bago tumingin ulit sa’kin. Kaonting pitik pa ng alak, bagsak na ‘to.
“Kasalanan na ba maging virgin ngayon? That’s sacred! Lalong sacred ang katawan ng babaeng ito at sobrang talented sumayaw!”
“You’re seeing talent? Hibang ka ba?”
“Bakit, magaling naman talaga siya ah? Pag ako siguro, hindi ko kakayaning umakyat hanggang dulo at iikot-ikot pa. Paniguradong mauunang bumagsak pwet ko,” natatawang pagkukwento niya na may kasamang hand gestures.
Napailing-iling ako na medyo natatawa sa pinagsasabi nito. Wala pa akong mapipintas kundi ang kainosentihan niya, kung kapintasan nga ba talaga iyon. Paano niya nagawang kaibiganin si Zix kung sobrang opposite nila? Hindi ko maintindihan at gusto kong intindihin.
“Nga pala, kwentuhan mo’ko kung paano mo naging kaibigan iyong babaeng sinasabi mo kanina.”
“Si Villaine? Sus! Mabait nga kasi ‘yun hindi lang halata!” panimula niya at sunod ay kinwento na niya nga yung unang araw na nagkakilala sila sa school at kung paano siya hinamong patalunin ni Zix mula sa building na siyang ginawa niya naman.
“Tutal sigurado akong hindi mo kilala si Villaine, kukwento lang ako ng kukwento. Alam mo bang siya rin gumamot nitong sugat ko? Tas pinagluto ko siya at sabay kaming kumain tas ayon nga, first time kong makainom ng alak pero nakalimutan ko ang pait ng lasa dahil kasama ko siya. At ang ganda niyang tumawa, bro! Sinabi ko lang naman sa kanyang isa akong anghel kaso ayaw niyang maniwala!”
Pineke ko ang tawa ko habang nakikinig sa masaya niyang pagkukwento pero hindi ako natutuwa. Alam naming mayroong cabin si Zix pero ni minsan, hindi niya pa kami naimbitahan doon pero ang isang ‘to na wala pang isang linggo niyang kilala, nakasama niya buong magdamag na silang dalawa lang.
“Ano bang espesyal sa’yo? Paano mo napapaamo ang tinagurian ng mga kaibigan mong prinsesa ng kadiliman?” tanong ko at hindi na mapigilan ang pagdiin sa bawat salita.
Lumalakas ang hiyawan sa paligid dahil sa mga nagsasayawan pero mas nakatuon na ang atensyon ko kay Levi. Nakakainis. Nakakaselos.
Sumandal siya sa ulunan ng couch tsaka nagkibit-balikat. “Hindi ka rin naman maniniwala kung sasabihin kong anghel ako kaya ang isasagot ko na lang ay lakas ng loob.”
“Saan ka kumukuha ng lakas ng loob?” kunot noong tanong ko.
Tumuro siya sa itaas. “Kina Eros.”
Eros as in kupido? Mukhang nasobrahan ata ‘to sa pagbabasa ng greek mythology. Tama na ata ang nalaman ko at baka malasing din ako sa mga susunod pang sasabihin nito.
Mukhang napag-iiwanan na ako at kailangan ko ng gumalaw.
Claude’s POV
Natapos na kaming i-tour ni Constantine sa lugar at nang malapit ng pumatak sa alas dose, bumalik kami rito sa may dance floor at pumwesto sa pinakamalaking couch na mayroon. Saktong alas dose nga, laking gulat ko na lang na nagsilitawan ang mga led stage sa bawat gitna at basic rule raw na walang pwedeng mag-picture or video. Lalo pa akong nagulat nang nagsilabasan ang mga babaeng nakamaskara’t heels hanggang sa may isa na ngang pumwesto sa pole niya, sa harapan naming tatlo.
“She’s my favorite dancer of all,” rinig kong komento ni Stan at nginitian siya pabalik nung babaeng nakaka-starstruck ang tindig.
Nakasuot siya ng pulang leather bodysuit at nakabukas ng kaonti ang zipper sa harapan, sakto lang para sumilip ang pinagpala niyang hinaharap. And those long toned legs, damn. Nabalik ang tingin ko sa mukha niya kahit natatabunan ng mask nang narinig na namin ang simula nung tugtog at kasabay non ay pasimple siyang naglakad paikot ng pole in her heels na nakakamatay ata ang takong sa tulis.
“Bro, punas ka ng laway, tumutulo na.” bulong ni Weston sa gilid ko kaya mabilis akong napahawak sa gilid ng baba ko pero wala naman at narinig kong nagtawanan silang dalawa.
“Stunning, isn’t she?” komento ni Stan at sigurado akong hindi na niya marinig ang anumang usapan namin sa lakas ng tugtog.
“Bakit mukha siyang model na ginagawang runway iyang sinsayawan niya?” napapailing na sambit ko at hindi inaalis ang tingin sa babae.
“Sa pagkakaalam ko, part-time niya lang itong pagpo-pole dance dahil nga mahilig siyang sumayaw. Hindi natin alam ang iba pang pinagkakaabalahan niya sa buhay. She surely could pass as a model though.”
“Totoo. Look at that figure and that well-shaped ass! Bonus na ‘yung height at kung maganda siya!” side-comment ni Weston.
Sa paningin ko, kahit hindi man siya magtanggal ng mask, sigurado akong maganda siya. Kalahati lang naman kasi ang natatabunan nung maskara at ‘yung ngiti niya pa lang, pamatay na.
“Anong pangalan niya?” tanong ko kay Stan.
“Hindi ko pwedeng sabihin ang totoong pangalan kung alam ko man pero kilala siya ng karamihan bilang Venus.”
Tumango ako at naintindihan ko kung pipiliin nilang maging discrete pero sa bawat galaw niya at pag akyat baba sa pole na parang sobrang dali lang nito gawin, mas lalo akong namamangha. Hindi ko rin ide-deny na nagagandahan ako sa hugis ng katawan niya.
Slim yet sexy. That body is to die for. s**t. Magkakasala ata ako nito sa pinag-iisip ko kaya kailangan kong magtino at mag-focus lalo sa paraan ng pagsayaw niya. Hindi ko na rin mabilang kung ilang minuto ang itinagal pero natapos na sila at kumaway na siya sa’min tsaka nag-flying kiss bago umalis. Napatayo tuloy ako.
“Sabi mo kanina, pwede silang makihalubilo sa mga customers ‘di ba?” tanong ko kay Stan.
Tumango siya bilang tugon. “That’s if kung gustuhin din nila pero subukan mo.”
Tumango na rin ako at sinundan ang direksyon nung babae. Nakita ko yung ibang dancers na nakikipag-usap nga sa iba pero hindi tinatanggal ang masks nila kaso si Venus, deretso siyang umakyat papuntang second floor.
“Miss sandali!” tawag ko pero di niya ata ako narinig.
“Venus!” pagkarinig niya nito, tsaka niya ako nilingon at mas tumangkad siya sa’kin ng kaonti dahil sa suot na heels.
“Ano? Hindi ako nagpapatake-home. I’m a dancer and for your eyes only.” Deretsahang sambit niya.
“No, no! Hindi iyan ang sadya ko. Kasi ano, uhh…”
“Ano nga? Wala akong oras sa ganito.”
Napaisip ko bigla ang pagpupumilit ni Levi kay Villaine para maging magkaibigan sila. Try ko rin kaya baka effective? Pakapalan na ng mukha ‘to.
“Can we be friends? I’m Claude,” pag-aabot ko ng kamay pero tinignan niya lang ito at tinaasan ako ng kilay. Ang weird niya rin ah. Kanina lang all smiles siya pero siguro ulit dahil andoon ang may-ari nanunuod.
“No.”
Aray. Iyon lang ang huli niyang sinabi at tuluyan na akong tinalikuran. Basted agad ako. Interviewhin ko nga minsan si Levi kung paano niya kinukuha ang confidence niya. Hindi naman nalalayo ang kagwapuhan namin pero--- haisstt. Kahit nawala na si Venus sa harapan ko, naalala ko pa rin ang ngiti niya, pagsayaw at kahit ‘yung flying kiss na alam kong hindi naman ata para sa’kin kaso iba talaga ang aura niya kumpara dun sa iba.
Girls girls. Why do these beautiful creatures exist? Nakakaulul palang mabasted pero ‘di bale. Aminado akong na-crush at first sight ako sa kanya pero baka ngayong gabi lang ‘to at bukas wala na.
Mabuting i-enjoy ko na ang natitirang oras namin dito kahit ansakit talagang mabasted.
Kainis. Minsan na nga pumorma, malutong na ‘No’ pa agad ang sagot. Better luck next time. Sad life. Huhuhu.
Levi’s POV
Andami na talagang kulay sa paligid at lalo akong nahihilo. Kung hindi pa ako aalis dito ngayon, paniguradong hindi na kami makakauwi at baka matulog na lang ako rito.
“C.R. muna talaga ako, saang banda ang C.R.?” tanong ko at tinuro ni Perseus ang bandang likuran namin. Nagpaalam na ako at tumayo pero naramdaman kong tumagilid ang lakad ko pero kaya ko pa namang tumuwid ulit. Nakita ko na nga ang C.R. at naghilamos sa mukha para sana mahimasmasan kahit papaano pero nakaamoy pa ako ng usok ng sigarilyo mula rito. Aish. Kailangan ko talagang lumabas at lumanghap ng hangin.
Nagtanong ako sa isang bouncer at natanong niya ako pabalik kung yosi break lang ba at tumango na lang rin ako kaya tinuro niya ang exit sa may likuran.
Finally air kahit hindi gaanong fresh dahil sa pollution!
Pinili kong lumayo pa nang kaonti at maglakad sa unahan para wala talaga akong maamoy na usok ng yosi at nang wala na nga, tsaka ko na nga nilanghap ang hangin at dinama ang lamig ng paligid dahil madaling araw na nga.
“Get off me!” rinig kong boses ng babae kaya biglaan akong naalarma at sinundan ang pinanggalingan non.
“Miss, huwag ka na kasing pakipot. Babayaran naman kita kung kinakailangan.”
“Hindi nga sabi ako bayaran gago ka ba? Sisigaw ako kapag---”
“Edi sumigaw ka kung may sasaklolo sa’yo.”
Mukhang hindi nga maganda ito kaya nagmadali akong puntahan ang maliit na eskina sa likod ng building at doon nga naka-corner ang isang babae habang hawak nung lalaki ang isang braso niya.
“Pare bitawan mo siya,” deretsahang sambit ko na nagpalingon sa kanilang dalawa.
“Mukhang sinuswerte ka nga ngayong gabi at may dumating na poging savior, miss.” Natatawang sambit nung lalaki at binitawan iyong babae pero tinulak niya pa talaga sa lupa kaso hindi agad ako nakalapit para tulungan siya dahil hinarangan ako nung lalaking amoy yosi at alak.
“Sa tingin mo, papadaliin ko rin ang buhay mo ngayon, prince charming?” nag-aasar na sambit niya sa’kin at tinulak-tulak ang balikat ko hanggang sa sinangga ko na ang kamay niya.
“Kapag hindi ka pa aalis sa loob ng dalawang minuto, irereport kita sa mga pulis.”
“Katakot naman. Eh kung talunin mo na lang ako sa suntukan at pag manalo ka----”
Laking gulat kong hindi na natapos nung lalaki ang sasabihin niya at ilang segundo lang ay bumagsak na rin ito sa lupa. Doon ko nakitang may tinusok na kung ano iyong babae sa leeg nito.
“Huwag kang mag-alala, pampatulog lang iyan at magigising ang m******s na ‘to after 3 hours. Salamat pa rin.” Sambit niya at pinagpagan ang sarili.
Maliit siyang babae, nasa 5’1 siguro ang height at pixie cut ang buhok na may side bangs, maputi ang kutis at chinita.
“Walang anuman. Hindi ka ba nasaktan?” tanong ko at umiling siya pero pansin kong napatigil siya at biglaang napahawak sa suot niyang kwintas.
“It’s swirling,” manghang komento niya at dahil sa ilaw ng poste, pansin kong naging color pink ang kulay nung suot niyang kwintas habang nags-swirl nga.
“And it’s pink!” excited niyang tugon tsaka binalik ang tingin sa’kin. High ba ‘to o baka nakainom din?
“Oo nga. Mabuti pa umuwi ka na rin bago ka mapahamak ulit sa daan, miss. Babalik na rin ako sa loob.”
Nginitian ko siya at tatalikod na sana pero naramdaman ko ang malamig niyang kamay na humawak sa braso ko at ang sunod niyang sinabi ang mas lalong nagpatigil sa’kin.
“So you’re a fallen angel on earth, right?”