FLASHBACK CONTINUATION… Third Person’s POV Sinubukang bumalik ni Rayver sa hospital pero sa entrance pa lang, naroon na ang iilang tauhan ni Don Rafael at pinagbabawalan na siyang pumasok. “Wala kayong karapatang pagbawalan ako! Andiyan ang asawa ko sa loob!” inis na sigaw ni Rayver at wala siyang pakialam kung may ibang taong napapatingin sa kanya pati staffs ng ospital. “Pasensya na sir pero mahigpit na pinagbilin ni Don Rafael na hindi kayo papapasukin at lalong hindi niyo pwedeng makita si Senyora.” Sarkastikong napatawa si Rayver at biglaang dinambahan ang nagsalitang tauhan tsaka hinawakan ang manggas ng kwelyo nito. “Baka nakakalimutan mo ring kausap mo ang pinakamakapangyarihang Salvador. Gusto mo bang mawalan ng trabaho?” may diin ang bawat salitang sinasambit nito at hi

