We decided to go back at his party dahil nakakahiya ring sinosolo ko siya tapos para sa kanya pa ang handaang ito. “Oh, saan kayo nanggaling, BFF? Did you fu----” at bago pa man matapos ng gaga kong bestfriend ang paboritong tanong niya, tinakpan ko na ang bunganga nito. “We talked and we’re okay now kaya samahan mo akong kumuha ng pagkain,” hinila ko na ang babaita palayo sa magpipinsan at kumaway lang sakin si Van kaya kumaway ako pabalik. Enebe. I cannot stop smiling na baka pati pagtulog ko, nakangiti pa rin kung makakatulog man. “Soooo?? What happened???” pakikiusyoso ni Z habang kagat-kagat ang isang fried chicken tas ako naman ay nilalagyan ng tig-iilang piraso ang plato ko sa bawat putaheng mayroon. This is cheat day kaya lubus-lubusin na. “He confessed that he likes me eve

