Chapter 2: Reincarnated

1337 Words
Eros' POV Kakatapos ko lang kausapin ang kataas-taasang pinuno namin kaya heto ako sa aming tahanan na puno ng pulang palamuti sa loob at labas. Syempre dahil paborito kong kulay iyon. Napapalibutan rin ang buong bahay ko ng pula't puting rosas at iba’t-iba pang tanim na matitingkad ang kulay na siyang walang pintas na inaalagaan ng asawa ko kagaya ng pag-aalaga niya sa’kin.   "Mahal ko, mabuti nakabalik ka na," nakangiting bati sa akin ng maganda kong asawa na si Psyche. Agad ko rin siyang nginitian at masuyong dinampian ng halik sa labi. "Mabuti rin at nakauwi na ako para makita ko ang pinakamamahal kong asawa na walang kupas ang ganda." "Ikaw naman ang pinakagwapo kong asawa pero parang may problema ka’t natitiyak ko iyon." Mahinahong sambit niya at hinawakan ako sa kaliwang pisngi kaya natural akong napasandal sa kamay niya. Nagpapasalamat talaga ako dahil kahit sa ganitong paraan, napapagaan niya ang aking loob. "Halika't maupo tayo para sabihin ko sa iyo ang buong storya." Ganoon nga ang nangyari at kinwento ko sa kanya ang lahat-lahat simula kaninang umaga. Biglang bumigat ulit ang aking loob para kay Levi. "Ano? Hindi madaling mamuhay sa mundo ng mga tao Eros dahil delikado sila. Nako, wala ba talagang ibang paraan?" Umiling ako. Kung may ibang paraan pa sana ay gagawin ko pero wala talaga dahil isinumpa ko pati ang paggawa ko sa bawat pares ng pana na walang sinumang makakasira o makakasawalang-bisa dito kahit lisanin man ang mundo ng mga mortal. Sobrang tibay dahil ang pagmamahal naman talaga ang pundasyon ng lahat kahit saang mundo man naroroon.    "Gagabayan natin si Levi pag bumaba na siya doon sa lupa at hindi rin siya pababayaan ng ating pinuno. Sigurado akong mababait ang magiging pamilya niya. Huwag ka nang malungkot mahal ko." Hinapit ko siya para yakapin. Ilang daang taon na kaming magkasama pero kahit kaonti ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Nadadagdagan pa bawat araw, ang kalahati ng aking puso.     *** Levi's POV Kalat na sa buong kaharian ang mangyayari sa akin. Lahat ng mga kaibigan ko ay sinubukang pagaanin ang aking loob at sana raw ay magiging maayos ang pamumuhay ko kasama ang mga tagalupa. Tango at mga ngiti lang ang halos sinasagot ko sa kanila. Pinakiramdaman ko ang aking mga pakpak at hinaplos ko rin ito bago ako lumipad paitaas. Dinama ko ang malamig na hanging tumatama sa buong katawan ko at iniisip kung gaano kaganda dito sa kalangitan. Nakangiti akong nakapikit at ninanamnam ang bawat minuto dahil alam kong matagal pa bago pa ako makabalik rito. "Levi!" May biglang yumakap sakin kaya napadako ako pagilid pero ang presensya niya palang ay kilala ko na kaya nahapit ko ang kanyang beywang. "Serefina." Banggit ko sa pangalan niya at niyakap na rin siya. Makalipas ang iilang segundo, humiwalay siya bago ako tinignan sa mukha ng may halong lungkot. Kulay brown ang mahaba at medyo kulot niyang buhok na lagpas sa puwitan. Mga mata niyang kulay luntian at labi niyang natural na mapula. "Iiwan mo ako dito. Malulungkot ako mahal..." mangiyak-ngiyak na sambit niya kaya hinaplos ko naman ang kanang kamay ko sa kanyang pisngi. "Babalik naman ako agad pag nahanap ko na siya para matapos na ang misyon ko." "Pero makakalimutan mo ako! Hindi, kami pala lahat dito pati ang iyong pagkatao hangga't hindi mo siya matagpuan!" "Alam ko Serefina. Okay lang sa akin basta hindi mo ako palitan diyan," turo ko sa puso niya kaya agad siyang umiling. "Hinding-hindi mangyayari iyon Levi. Titignan na lang kita mula dito sa itaas at magsisilbi ako mismo bilang isa sa mga anghel mo. Mami-miss kita." "Mami-miss rin kita," tsaka ako napatingin sa labi niya at unti-unting humilig palapit hanggang sa magdampi ang mga labi namin. Marahan ko siyang hinahalikan para sulitin ang natitirang oras ko dito. Nang bumitaw kami sa isa't-isa, nginitian ko siya at sinuklian niya naman ito ng napakatamis niyang ngiti. "Levi! Nandito ka lang pala." "Valron. May kailangan ka ba?" Malungkot siyang tumango. "Pinapatawag ka na ni Eros." Napabuntong hininga ako at tumingin ulit kay Serefina bago siya niyakap nang mahigpit sa panghuling beses sa ngayon. "Mag-iingat ka. Paalam muna mahal." Bulong ko sa tainga niya bago bumitaw. "Ikaw din mahal ko. Hihintayin kita dito. Paalam." Doon na nga kami tuluyang naghiwalay at sumunod na ako kay Valron. Tahimik kaming lumipad patungo sa pinakalagusan kung saan nag-iintay si kupido. Nang makita ko na ang bahaghari at ang malaking tarangkahan na kulay pilak, sabay kaming bumaba ni Valron at agad na yumuko. Naroon rin sa kabilang dako ang iba pang mga anghel. "Levi. Lumapit ka dito." Sinunod ko naman ang sinabi ni Eros tsaka lumuhod sa isang tuhod at iniyuko ang aking ulo. "Sa ngalan ng ating ama, sa akin, at sa lahat ng mga anghel dito ay binabasbasan namin ang magiging paglalakbay mo sa lupa para sa iyong misyon." Marahang dumaloy ang enerhiya sa aking katawan. "Maraming salamat po. Pangakong pagbubutihan ko ang aking misyon at hindi ko kayo bibiguin." "Pagkakatiwalaan naming magtatagumpay ka. Tumayo ka na Levi." Tinapik niya ang aking balikat. “Bilisan mo ang misyon mo nang makabalik ka dito agad sa buhay mo. Alam kong hindi ka mabibigo." Nakangiting sambit niya. "Salamat Eros." Tumango siya sa aking sagot at tinuro ang lagusang nilikha niya at sa tulong ng iba pang mga arkanghel dahil hindi basta-bastang nabubuksan ito. "Sa oras na pumasok ka riyan ay wala ka ng maaalala tungkol sa amin at sa sarili mo. Mamumuhay ka na parang normal na bata sa piling ng mga magulang mo." Bumuntong hininga ako. Eto na nga talaga. "Levi! Mag-ingat ka doon! Wag kang pilyo!" "Oo na Levron. Wag mo akong masyadong ma-miss dahil wala ka ng kasama sa kapilyuhan mo dito!" Tumawa naman siya at kumaway. Napatingin ako sa ibang mga anghel at kumakaway rin sila. Nginitian ko silang lahat bago hinarap ang lagusan. Pumikit ako at humakbang ng ilang beses.   Dito na muna magtatapos ang pagiging anghel ko kay Kupido.   …at tuluyan na akong lumusong sa lagusan.       *** Third Person's POV "Dad, manganganak na ata ako!!!" "Talaga Mommy?! Teka, Andoy! Ipahanda mo ang sasakyan kay Manong!" "Opo Sir!" Agad na binuhat ni Jeffrey ang kanyang misis na si Leah. Dahan-dahan silang bumaba sa hagdan, palabas ng bahay, at patungo sa sasakyan. Habang bumababa, inuutusan niya rin ang kanilang maids na ihanda ang bag na puno ng kagamitan ng asawa at ilagay sa trunk ng sasakyan para madala sa ospital. "Ang saakkiiitttt!" Daing ni Leah kaya hinalikan siya ng kanyang asawa sa noo bago umikot sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan. "Kaya mo ‘yan Mommy. Nandito lang ako." Nang nakarating sila sa hospital, agad namang sinalubong ng stretcher si Leah at inakay doon. Nakahawak naman ang kamay ni Jeffrey sa kanya habang patakbong pinapasok ang asawa sa emergency room. "S...sama ka sa loob! Aaaarrgghh!" "Susunod ako. Promise." Nagbihis muna si Jeffrey para makasunod sa asawa niya at tsaka nanatili sa kanyang tabi sa buong pagle-labor nito. Nasasaktan siyang nakikita ang kanyang asawa na grabe ang sakit na nararamdaman pero nilalakasan niya lang ang kanyang loob para sa mag-ina. "Uwaaahh!" Unang iyak na narinig nila matapos ang ilang sandali. "It's a boy! Congratulations!" Masayang sambit ng doktora. Napangiti si Leah bago ito napapikit dahil sa pagod. Inakay naman agad ni Jeffrey ang kanilang anak matapos itong malinis at mangiyak-ngiyak na nakangiti dahil sa galak. Nakatitig siya sa mala-anghel na mukha nito. "Hi baby. Ang gwapo mo. Manang-mana ka sa’kin." Masayang sambit ni Jeffrey. Maya-maya pa'y nagising na rin si Leah. Inihiga ni Jeffrey ang kanilang anak sa tabi ng asawa tsaka umupo. "You did it Mommy." Sabay dampi ng halik sa noo nito bago sa labi. "Hindi ko magagawa kung wala ka Dad. You gave me strength." Nagngitian ang dalawa bago tumingin sa munting anghel nila sa gitna. "We've already thought of a name if it's a boy or a girl." "And it's a boy." "Levi Bryce. That's his name."   And so...     Baby Levi Bryce was born.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD