l Nabalik sa kasalukuyan si El pagkarinig sa boses ni Daryl at pagkadampi ng mga kamay nito sa magkabilang pisngi niya. Umiiyak ulit siya. “I don’t know why I keep getting betrayed, Daryl. Sobrang hirap akong magtiwala pero palaging pinagpipilitan ni Adonis na pasukin ang magulo kong buhay kahit ayaw ko naman talaga ng seryosohan una pa lang pero ang kulit ng lahi niya. Ngayon namang unti-unti na akong bumibigay at hindi ko na sana pipigilan ang sarili ko, heto na naman ulit. Siguro warning ito sa’kin na hindi na dapat ako magtiwala ulit ano? Na mali ang desisyon kong tuluyan siyang hayaang manatili sa buhay ko?” “ Napatayo na si El ngayon kaya agad ring tumindig si Daryl para hawakan sa magkabilang balikat si El hanggang sa ikulong niya ito sa yakap. Hindi niya nakita ang pagkalugmok

