30- Masakit palang magmahal ng bawal KIRRA Matapos namin mag-usap ni boy shades gumaan ang pakiramdam ko. Parang nagkaroon ako ng kahit konting pag-asa na magmahal at mahalin. Alam ko naman na kapag nagmamahal talagang nasasaktan ka. Ngayon ko lang din kasi naramdaman ang ganitong feeling kaya kahit ako hindi ko rin alam ang gagawin. Kahit hindi pa ganun ka-okay ang lahat kailangan ko pa ring pumasok para makatapos ng pag-aaral. Hindi pwedeng maging hadlang ang nararamdaman ko sa pangarap ko para sa aking pamilya. Bago pa ako tumapak sa school ay huminga na muna ako ng malalim. Kailangan kong magpanggap na okay lang ang lahat at wala akong problema. “Kirra!!!!” napatigil ako dahil may tumawag sa’kin. Paglingon ko sa likuran ay nakita ko si Ayesha na tumata

