3-REVENGE IS MY SURNAME
KIRRA
Maaga akong nagising. Ganun ata talaga yun kapag umaga ka na nakatulog. Nagluto na lang ako ng umagahan tsaka naligo bago pa man gumising sina nanay.
Nang tumunog ang alarm ni nanay mabilis silang bumangon. “Good morning nanay!” Maganda kong bati. Sumunod nagising si tatay. “Good morning tatay!!”
“Aba, katapusan na ba ng mundo? Bakit ang aga mong nagising?” Ang nanay ko talaga, minsan hindi ko alam kung anak ba nya talaga ako.
“Anak, akala ko baa yaw mong pumasok? Bakit nakabihis ka na?” tanong ni tatay at bigla silang nagtinginan ni nanay.
“Huwag mong sabihing maghahanap ka ng trabaho?!!” sabay nilang tanong.
“Nay, tay! Ano ba naman kayo!! First day ko bilang scholar kaya dapat maaga ako. Nabasa ko kasi na kailangan ko din sumali sa mga school organization tapos tumulong dun sa school at kung saan saan pa. Kaya inagahan ko ang gising para makapagtour ako dun sa school.” Paliwanag ko sa kanila habang ipinaghahain ko sila ng pagkain. “Kain na po tayo.”
“Akala ko ba ayaw mo sa BSU? Anong nagpabago sa isip mo?” tanong ni tatay. Tiningnan ko lang sya at ngumiti. Hindi ko masabi sa kanya na kung hindi dahil sa kanya hindi mo mare-realize kung gaano pa rin ako kaswerte.
“Kain na po tayo para makainom ka na po ng gamot tay.” At kumain na kami. Pagkakain ay si nanay na ang nagligpit ng lahat dahil kailangan ko ng pumasok kahit ala sais palang ng umaga.
Dahil maaga pa nilakad ko na lang ang papuntang kanto para mas makatipid. Bumaba na rin ako sa tamang babaan at gumamit ng over pass. Binati ko yung dalawang pulis na sumita sa’kin nung nakaraan.
Pagtapak ko sa huling baitang ng overpass pababa bumungad sa’kin ang school na ayoko ng balikan.
“Kaya mo ‘to Kirra. Just go with the plan.” Sabi ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim at ngumiti habang naglalakad.
Hahanapin ko ang room ko at mauupo ako dun hanggang magsimula ang klase. That’s the plan and oh, be good to everyone. Hindi nila dapat malaman na ako yung babae na pinagtripan nila. Pero kapag naalala ko hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko.
Black section naman kapag first year. Section C ako dahil late na ako nakapagenroll. Hindi naman ‘to tulad ng high school na kung sinong nasa A ay matalino. Halo-halo ‘to depende sa kung kailan ka nagpaenroll.
Dahil maaga pa ako kaonti palang ang students. Nahanap ko ang room ko at tiningnan ko sa nakapost sa pintuan kung nandun ang pangalan ko. Mabuti na lang at wala akong kasabay tumingin. Nakapasok ako sa loob ng safe.
Pipili na sana ako ng upuan kaya lang may instruction na uupo lang sa seat number same ng number dun sa list sa pintuan. Buti na lang sa may gitna ako nakaupo dahil I nagstart ang surname ko. Medyo nakikiramdam pa ako dahil first day ko nga di ba – as scholar. Wala akong bad memories here kasi ngayon palang ako gagawa ng memories.
Nakakaramdam na ako ng antok, kasi naman puyat ako. Kung kailan nakakaidlip na ako tsaka naman dumating si prof.
Literature ang first class kaya naman antok na antok ako. Hindi ko na mapigilang makaidlip.
“Hindi sya yan. Baka kamukha lang.”
“Ialis nyo nga ‘to dito baka lawayan pa ako!!”
“Teka lang pre pinagmamasdan nga namin eh.”
Napadilat ako dahil parang kinakalog ang ulo ko. Naramdaman kong nakanganga ako at may basa-basa sa bibig ko.
Ahhhh, nakatulog pala ako. Tumingin ako sa unahan at wala na ang professor. Ilang subject kaya ako nakatulog. Same room lang din naman kasi kami.
“Ayan gising na!”
Napatingin ako sa paligid. Medyo may stiff neck ako aray. Napasandal pala ako sa classmate ko. Humarap ako sa kanya. “Naku sorry ha – ” yung ngiti ko biglang nawala ng makita ko kung sinong sinandalan ko.
Si
Boy
Shades
Si boy shades!
Si boy shades!
Si boy shades!
Medyo nataranta ako. Nakilala ba nya ako? Ipapabully na naman ba nya ako?
Aray! Kaya pala ang sakit ng mukha ko nakatulog ako sa matigas nyang shoulder na ramdam na ramdam ko yung muscle at parang bumakat sa mukha ko ang hot nyang katawan.
Sinabi mo bang hot sya?
Syempre hindi. Mainit ang sabi ko duh!
Tumingin ako sa katabi nya, si boy singkit.
Umupo ako ng tuwid at hindi ko alam ang gagawin ko.
“Sya nga ba?” tanong ni boy Briton na nasa unahan.
Napalunok ako. Hindi ako kumikilos kaagad. Tumingin ulit ako kay boy shades at nakatitig sya sa’kin. Magkasalubong ang kilay.
“HOY IKAW! ANG KAPAL NG MUKHA MONG SANDALAN AKO AH! PASALAMAT KA MAY TEACHER!!” sabi nya sa’kin.
Kapal nito. Wala naman kayang tao dyan kanina nung natulog ako. Eh di sana humanap na lang sya ng ibang mauupuan di ba?!!
Humarap ako sa kanya at nagpuppy eyes. “Sorry, I didn’t mean to.” Mabait kong sabi. Syempre, kill your enemies with kindness.
“Pre ang bait, hindi ata yan yun.” Sabi ni boy singkit.
“Pre wala akong pakialam kung sya yan o hindi! Nilawayan ako oh!!! Kapag mga panget talaga magkakamukha!!” sabi ni boy shades.
Aba siraulo pala talaga ‘to ah.
“Ah, kaya pala may kamukha kang Hollywood actor.” Ngumiti ako pero wala syang reaction. “Si Kingkong!” at tumawa ang katabi nya.
“ANO!!” galit nyang tanong.
“Wala!” Kumuha ako ng tissue sa bag ko. “Uy sorry na talaga kung nalawayan kita. Wala naman akong nakakahawang sakit.”
“What are you doing weirdo!!!” tanong nya habang pinupunasan ko ng tissue ang tulo ng laway ko na sinasabi nya.
“Tinatanggal ko yung laway ko.” Tumigil ako. “Ohh, wait. I am really sorry. Ito pala yung tissue na ginamit ko kanina nung nag-pee ako.” Kumunot ang noo ko. “Bakit nasa bag ko? Ah baka nailagay ko lang. Anyway, ituloy ko pa ba?” Inilalapit ko pa sa kanya yung tissue.
“Get your dirty hand off of me!! Ewwww!” tinapik nya ang kamay ko at tinitigan nya ako ng masama.
Ganyan din ang ginawa nya sa’kin nung isang araw. Pasalamat ka hindi kita mapatulan ngayon.
“Pre amuyin mo nga! Parang ang panghe! Nakakadiri!!” sabi ni boy shades kay boy singkit.
Ang arte lang ha. Bago yung tissue, hindi ko pa nga yun nagagamit. Mga feeling talaga, psychological na ang sakit ng mga ‘to.
“Tss! Akala mo hindi naihi. Kayo nga hinahawakan nyo pa.” Mahina kong sabi.
“Aba’t – ” tumingin sya ng masama sa’kin na parang gusto na akong suntukin, “ – anong gusto mo ikaw ang maghawak!! Asa ka pa!!”
Ah, talaga namang inuubos nitong lalaking ‘to ang pasensya ko. Hindi pa naman ako nakapamitas ng pasensya kanina.
“Ay koya, hindi ako humahawak ng sisiw. Masyadong malaki ang kamay ko para dun.” Ngumiti ulit ako at inayos ko ang gamit ko. Nakita kong susuntukin na nya ako pero napigilan sya ni boy singkit.
“Ipapasabit ko na yan dun sa puno.” Narinig kong sabi nya.
“Sira ka ba! We have a rule. One punishment lang per week. May ipinasabit ka lang nung nakaraan. Gusto mo bang makarating ‘to sa parents mo?” Nanlaki ang tenga ko sa narinig ko. May rule rule pa silang nalalaman ha!
“Okay lang yun, magkaibang tao naman sila.” Aba talagang gusto na naman nitong manakit ng tao. Akala nya ba hindi ko nakakalimutan ang ginawa sa’kin.
“Classmates wala daw ang last subject nating ngayong umaga. May meeting daw.” Sigaw ng isa naming classmate. Nagtayuan ang lahat at mabilis naglabasan.
Tumayo din ako para magmadaling umalis dun ng bigla akong matalapid.
“Lampa kasi.” Nakita ko ang paa ni boy shades na nakaharang.
Inuubos talaga nitong mga ‘to ang pasensya ko. “HOY NAKITA KONG IKAW ANG TUMALAPID SA’KIN!!!” Galit kong sabi sa kanya habang nasa sahig pa at nakita kong paalis na sila.
Tumigil sya at tumingin sa’kin. “OH? Nakita mo naman pala – bakit hindi ka umiwas?” sagot nya tsaka isinuot ang shades nya.
Ugh!!!! Sinagad nyo ang pasensya ko!!!
Tumayo agad at inayos ang sarili ko tsaka ako lumabas. Hinanap ko sila at mabilis sinundan. Pupunta na naman sila sa tambayan nilang bulok!!
“HOY THREE IDIOTS!!” Sigaw ko sa kanila.
Parang slow motion ang lingon nilang tatlo. “Sabi sa’yo sya yun eh.”
“Oh ano gulat kayo? Akala nyo ba matatakot ako sa ginawa nyo? Hoy, wag ako pwede!!” Lumapit ako sa kanila. “Ikaw, ikaw at ikaw!!!” Pinagtuturo ko silang tatlo. “Humanda kayo dahil pagbabayaran nyo ang ginawa nyo sa’kin.” Parang mamanakit na ‘tong si boy shades pero hinawakan sya sa braso ng dalawa nyang kasama. “Ano alalay to the rescue? Gusto mo akong saktan – go ahead.” Inilapit ko ang mukha ko. “Gusto mo akong batuhin ng itlog? Try harder!! At sana next time wag naman itlog nyo – ang baho kasi!!” Narinig kong napatawa yung dalawang boy alalay. Tumingin ako kay boy shades at hinawakan ang shades nya.
“Wag ang shades nya.” Sabay na sabi ng dalawa.
Tinanggal ko tsaka ko binitawan. “Ooops! Nabitawan k – ” hinawakan nya ako sa braso, “ – sobrang sakit!” malakas kong sabi tsaka nya ako itinulak.
Dinampot nya ang shades nya. “Umalis na tayo. Sayang oras lang ang basurang ‘to.”
“Duwag? Ano takot? Kung matapang kayo – ” nakatingin sila sa’kin, “ – puntahan nyo ako dun sa likod ng court after lunch. Tapusin na natin ‘to once and for all!! Kapag hindi kayo dumating, okay lang naman. Okay lang naman malaman ng lahat ng naduwag kayo.” Tumayo at ngumiti pero bumwelo ako para itulak ng malakas si boy shades!! “Kanina mo pa ako tinutulak!!!” Hindi man sya natumba, naout of balance naman sya. “Ciao! See you!!
Naglakad ako ng mabilis tsaka ako kumain ng madami. Akala ba nila natatakot ako? Oo nga wala akong kaibigan syempre wala akong kakilala dito duh!! Pero hindi ibig sabihin kakayan-kayanin na lang ako ng kung sino. Pare-pareho lang kaming tao kahit mukha silang hayop!!
“Hi.” Nagulat ako ng may magsalitang babae sa tabihan ko. “May kasama ka ba?”
“Ah oo yung lolo’t lola ko.” Tipid kong sagot at hindi sya nakapagsalita. “Pero pwede ka daw tumabi sa kanila kung wala kang maupuan.”
Hindi na sya naginarte at umupo na sya tsaka kumain. “Uhm, kilala mo pala ang The Legion.” Panimula nya.
“Huh? Di naligo? Sino?” tanong ko habang patuloy pa rin sa pagkain.
“Hindi. I mean yung tatlong hot guys dito sa school. Sila Toby, Kol and Caleb.” Nakakunot lang ang noo ko habang nagsasalita sya dahil di ko sya maintindihan. “Look, yung kausap mo kanina dun sa hallway. Yung tatlong lalaki? Yung singkit dun yun si Caleb McCall. Sobrang hot nun tapos matinik sa babae. Pangarap sya ng lahat.” Ahh so yun pala si boy singkit. “Tapos yung mukhang british na may color yung eyes, yun si Kol Danielson. Sobrang shy type at sweet nun. Bihira lang sya magsalita pero kapag nagsalita sya laglag panty na ng lahat.” Wow, ganun katindi ang charm ni boy Briton? Dapat pala wag na lang makapagpanty para walang malaglag. “At yung leader nila, yun si – ”
“Si boy shades.” I cut her off.
“Hindi! Yun si Toby Larkin. Ang angas nun pero mabait din sya.” Nasamid ako sa sinabi nya.
“Mabait? Hello! Nag-iba na ba ang definition ng mabait ngayon? Parang hindi ata ako updated.” Uminom ako ng tubig dahil mukhang bumara na ang buto ng manok sa lalamunan ko.
“Mabait talaga yun. Napakaswerte mo nga at nakakausap mo sila. Alam mo bang hindi sila nakikipagusap sa mga di popular?” Nalungkot sya bigla. Mukhang isa sya dun sa hindi popular.
“Excuse me lang. Popular kaya ako – dun sa probinsya namin.” Tumingin ako sa oras. “Ooops. I need to go. Bye!”
“Pero hindi pa tayo magkakilala!!” sigaw nya at bigla na lang akong nawala. Duh, hindi naman ako interesadong makipagkilala sa kanya no.
Meron akong plano para makaganti sa three idiots na yun. Syempre usapan ay sa likod ng court. Hindi ko alam kung darating sila pero mas mabuti na yung nakahanda.
Pagkalipas ng ilang minute, handa na ang lahat at handa na rin ako. Three Idiots, tikman nyo ang ganti ko.
“Tingnan nyo! Wala namang tao dito!! Sinabi ko na sa inyo nagyayabang lang yung bruhang yun!” Malamang si boy shades yung nagsalita.
“Talagang walang tao dito kundi ako lang dahil hindi naman kayo tao!!” Sagot ko sa kanya.
“Naku, Toby may nagsasalita pero hindi nakikita. Anong tawag dun?” hindi ko alam kung sino ang nagsalita dahil hindi ko pa naman ganun kabisado ang boses nila.
“Eh di ano pa? Eh di voice recorder!! Hahahahaha!”
-_-
Mga baliw na talaga sila. Mukhang nagkamali ako ng pinasok.
“Ano ba! Tumigil na nga kayo sa kakatawa nyo! Hindi naman kayo nakakatulong!!” Ah, kapag KJ na ganyan si boy shades yan. “Hoy babaeng di tinubuan ng itsura lumabas ka na. Akala ko ba tatapusin na natin ‘to ngayon?”
Ang kapal ng mukha! Ako daw hindi tinubuan ng itsura? Duh! ‘Tong ganda kong ‘to? Palibahasa palaging nakashades kaya hindi nakikita ang ganda ko!
“Alam ko namang gagawin nyo ulit ang ginawa nyo sa’kin tulad nung first day ko dito.” Paarte kong sabi. “Binato mo ako, itinali tapos pinagbabato ng mga nilagang itlog. Itinapon mo ang mga gawin ko hindi ka pa nakuntento pati hanggang pauwi pinasundan mo ako at pinasnatch ang bag ko!!!” Nag-iyak iyakan ako pero hindi pa rin nila ako nakikita.
“Ano’t – hoy babaeng bruhilda hindi ako mababang uri ng tao para gawin yun sa nobody na katulad mo!! Pero buti nga sa’yo! Kapag nakita ko yung snatcher na yun bibigyan ko pa sya ng sampung libo!!” Nakapaantipatiko nya talaga! Akala mo naman kagwapuhan!
Pero sabi mo nung una para syang anghel?
Duh! Ang sabi ko mukha syang anghet!!
“Pre may gumagalaw.” Sabi ulit ng isa sa kanila.
“Gumagalaw pero hindi hinahawakan? Anong tawag dun?”
“Eh di ano pa? Eh di – mmmmmm”
“Wag mo na lang ituloy SPG na eh!” mukhang ang makulit ay si boy singkit at yung pumigil ay si boy Briton. Parang sa kanilang tatlo sya lang yung maasahan.
“HOY KAPAG HINDI KA PA LUMABAS DYAN UULITIN KO LAHAT NG MGA GINAWA NAMIN SA’YO NUNG NAKARAANG ARAW!! SWERTE MO PA NAKAUWI KANG MAY SUOT!!”
“Ahhhhhhhhhhh!! Manyak! Bastos!! Ahhhhhhhhh!!” sigaw ko dahil sa sinabi nya. Sigaw lang ako ng sigaw habang nasa likuran ng puno.
“Nakita ko na sya!!”
“Nakita mo na sya? Congrats may third eye ka na!!”
“Sira buhay pa yan!”
At napadilat ako.
“Eh baliw naman pala talaga ‘tong bruhang ‘to.” Sabi ni boy shades. Nakatayo na silang lahat ngayon sa harapan ko.
“Hindi bruha ang pangalan ko!! Kirra! Kirra!!” sigaw ko sa kanya.
“Kirat? Kirat? Parang ikaw pala ang pangalan mo! Ang panget!!” he folded his arms over his chest. Mas nakita ang biceps nya. Parang puputok yung suot nyang shirt dahil gustong kumawala ng muscles nya. I wonder kung lahat ng muscles sa katawan nya ay lumalaki ng ganyan.
Oy yang utak mo dumudumi na naman!
Wala naman akong sinasabing iba ah! Hindi ko naman iniimagine!
“Ikaw nga ‘tong kirat! Sino bang palaging nakashades? Syempre ikaw! Bakit ka nakashades? Syempre dahil kirat ka! Kung hindi ka kirat malamang duling ka! O kaya banlag!!!” Nakatingin lang sila sa’king tatlo! “Ano hindi nyo ba ako pakakawalan?”
“Ano kami sira? Pakialam namin sa’yo?!!” papatalikod na sila pero nagdrama na ako.
“Bakit nyo ba ‘to ginagawa sa’kin? Ano bang nagawa kong kasalanan sa inyo? Patayin nyo na lang kaya ako para matapos na ‘tong lahat!” Umiyak ako para makatotohanan.
“Pre, ano na naman bang ginawa mo? Alam mong may rules tayo.” Sabi ni boy Briton. Ahhh, sya talaga ang pinakagentleman sa kanila. Ang hot na ang bait pa. “Sana naman sa ibang lugar na lang. Sana hindi dito sa school para mas brutal.” -_- Binabawi ko na. Palagi talaga akong mali sa first impression.
“Eh wala naman akong inuutusan pre! Baliw lang yan! Tara na, pangaksaya oras lang. Di ako makapaniwalang nagpauto tayo.” At naglakad na sila palayo.
“Sige! Talikuran nyo ako. Sisigaw ako para marinig ng lahat!!! Malapit lang dito ang faculty!! Ahhhhhhhhhhhhh!!! Tulong!!!!!!!!!! TUlong!!!!!!!!” Medyo nagpanic sila. Last time kasi sa malayo ako nakatali kaya naman kahit sumigaw ako walang makakarinig.
“Anak ng – ” mabilis silang lumapit tatlo, “ – humanda sa’kin ang gumawa nito. Masyadong palpak!”
“Bakit nyo ako tinatali! Hoy!! Wag!! Wag nyong gawin ‘to sa’kin!! Ano bang kasalanan ko sa inyo?!! Bakit nyo ako binubully palagi?!! Wag!! Wag!!” at nagkikilos at nagpapalag ako ng di ko namalayan na natanggal na pala ang pagkakatali ko sa sarili ko at nakatitig sila sa’kin. “He – he – hello! Ang – ang galing ko ba?”
Yung mga kamao ni boy shades parang susuntok ng malaking kalabaw. “Ikaw bruhilda ka papatayin kita!!!!!”
Mabilis akong umiwas. Bago ako tumakas kinuha ko muna ang phone ko sa puno at ng malapit na sa’kin si boy shades bigla kong pinlay nag recorded video.
Ano’t – hoy babaeng bruhilda hindi ako mababang uri ng tao para gawin yun sa nobody na katulad mo!! Pero buti nga sa’yo! Kapag nakita ko yung snatcher na yun bibigyan ko pa sya ng sampung libo!!
Tapos finast forward ko.
Bakit nyo ako tinatali! Hoy!! Wag!! Wag nyong gawin ‘to sa’kin!! Ano bang kasalanan ko sa inyo?!! Bakit nyo ako binubully palagi?!! Wag!! Wag!!
Tsaka ko ini-stop. “Ay ieedit ko na lang para tanggalin yung hindi magandang part. Hala naku kuhang kuha ang mukha mo dito boy shades oh.” Ipinakita ko sa kanya pero inilayo ko rin kaagad baka kasi maagaw nya. “Pangalawang beses na ‘to this week and the worst part kayo ang gumawa. Hay, tsk tsk tsk!”
“Hoy wala kaming ginagawa!! Wag kang magsinungaling!! Sa tingin mo may maniniwala sa’yo!!!” galit na sabi ni boy shades.
“Sa akin siguro wala. Pero sa video kaya na ‘to. Gusto mo ba subukan natin?” Hindi sya nasagot. “Okay fine, iuupload ko na sa youtube.”
“Wag!” sabi ni boy shades. “What do you want?”
Ngumiti ako at inilagay ko sa bulsa ko ang phone. “Ayan, nadadaan naman pala kayo sa mabuting usapan. Now I am so loving this.”
“And I so hate you!” sabi ni boy shades and I just smirked. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!”
“I don’t want your forgiveness. But yours will do! Magsorry ka sa’kin!!” utos ko sa kanya habang nakapamewang.
“Sorihin mo yang mukha mo! Di pa ako baliw uy!!” sabay talikod nya kaya naman mabilis ko syang binato ng lata sa ulo sabay talikod. “HOY BRUHILDA ALAM KONG IKAW YUN!!”
“What are you talking about? Lagi na lang bang ako?” tanong ko sa kanya na talagang nagmaang-maangan pa tsaka ako naglakad papunta sa direction nila.
“OO ALAM KONG IKAW YUN!! NAKITA KO!!” sigaw nya sa’kin.
I leaned forward and whispered to his ear. “Ohh really?” In a very sexy way. “EH BAKIT HINDI KA UMILAG NAKITA MO PALA!!!” Sabay sigaw ko ng malakas. “Kung ayaw mong magsorry magiging youtube sensation ka!! Ciao!!” at iniwanan ko silang tatlo doon.
Ang sarap ng pakiramdam ko. Hindi ako makapaniwalang nanalo ako. Hindi ako makapaniwala. Para akong naglalakad sa ulap sa sobrang tuwa at sa sobrang saya!! Woooooooo!! Sana hindi na matapos ang kasiyahan ko at paghihirap nila. Ang saya ko talaga. Dapat gumawa ako ng maraming copy nito para kahit kunin nila marami pa rin akong kopya.
Akala nyo ha. Wag ako, wag si Kirra!!