WHY ME?

3026 Words
1-WHY ME?     KIRRA     “Do you really have to go, sister?” tanong ni Kaia.     Nandito kami ngayon sa tapat ng bahay namin at nagpapaalam na ako sa kanila dahil aalis na kami mamayang gabi – which is ngayon kasi gabi na.     “Kung gusto mo dun ka muna sa’min tumira.” Offer ni Remi. “Kaya lang sa sala lang kami natutulog.”     “Uhm sa’min pwede sana kaya lang kasi terror yung tita ko. Baka gawin ka lang katulong.” Pag-aalok ni Mireya.     “Sisters, okay lang. I’ll be fine. Kasama ko naman ang parents ko papunta sa magiging new world ko.” NAgbuntong hininga ako. “Mamimiss ko kayo. Kayo ang dahilan kung bakit ayokong umalis.”     “Sister, sino na lang ang papalit sa pagiging cheer leader mo? Sino na ang magiging president? Sobrang malaki ang mawawala sa school kapag umalis ka.” Malungkot na sabi ni Mireya.     “Balitaan nyo na lang ako kung anong mangyayari. Babalitaan ko na lang din kayo sa magiging buhay ko sa syudad. Sana mababait ang mga tao dun.” Yumakap at humalik ako sa kanila.     “Kirra, tara na.” Pagtawag ni nanay sa’kin.     “O paano sisters, aalis na ako ha. Basta wag nyo akong kakalimutan. Wag kayong magbabago. Mahal na mahal ko kayo.” Pinagmasdan ko ang dati naming bahay tsaka ako tumalikod. Wala ng atrasan ‘to. Wala ng balikan. Kaya ko ‘to. Kaya mo ‘to Kirra!   ***********************     Mahaba ang byahe at matagtag pero nakarating pa rin naman kami sa city na pinagmamalaki ng mga magulang ko. “Nandito na tayo!” Ginising ako ng nanay.     Nag-unat unat ako tsaka bumaba at bumungad ang isang maliit na bahay. “Ano ‘to? Kwarto?”     Tinapik ako ng inay. “Sa una lang yan. Masasanay ka rin.” Ibinaba nila ang mga gamit at binayaran ang inarkila nilang jeep na naghatid sa’min.     Please lord kunin nyo na po ako. “Anak, pumasok ka na dito. Marami pa tayong gagawin.”     Isang maliit na bahay lang ang titirhan namin. Isa lang ang kwarto. Pagpasok mo sala tapos kusina na kaagad. “Bakit kayo bumili ng ganitong bahay?”     “Wag kang mag-alala anak, nangungupahan lang tayo.” Nakangit pa talaga ang nanay ko.     “ANO!!! Bakit nyo gugustuhing mangupahan kung meron naman tayong maayos at malaking bahay sa probinsya.” Lumuhod ako sa mga magulang ko. “Hindi ko po kayang tumira dito. Ibalik nyo na po ako sa probinsya. Magwoworking student na lang po ako para hindi ako maging pabigat.”     Biglang umubo ang tatay ko na akala mo wala ng bukas. “Anak, dito kasi malapit ang murang ospital ng tatay mo. Intindihin mo na lang sya. Ikaw na lang dun sa kwarto para may privacy ka.”     At wala na akong nagawa. Pumunta na lang ako sa kwarto at nag-ayos ng gamit. Ibinalita ko sa mga kasama ko ang itsura ng bahay namin at syempre pinagtawanan nila ako dahil mga totoo ko silang kaibigan.   Kinabukasan, ang pagsisimula ng unang araw ko sa city. Please wish me luck.   Akala ko itong bahay lang ang kalbaryo ko pagdating dito sa city. “Nay paano ba pumunta dun sa university? Ito lang ba yung kailangan ko?” Inihahanda ko ang mga gamit na dadalhin ko pagpasok. Inasikaso na kasi ng nanay ko ang lahat. Pinaenroll na nya rin ako sa university para pagdating namin papasok na lang ako.     “Magtricycle ka lang dyan sa labas pahatid ka sa kanto tapos magjeep ka sabihin mo sa BSU.” Sagot ng nanay ko na abala pa rin sa pag-aayos ng ilan naming gamit. “Nandyan na rin ang baon mo sa mesa.”     Paglabas ko ay bumungad sa’kin ang maraming tao sa kalsada. Merong mga nakahubad, merong nagsusugal ng ganito kaaga at meron ding nag-iinom. Ang daming bata ang nagtatakbuhan, in short ang ingay at makalat. Malayong malayo sa buhay namin sa probinsya na tahimik at malinis.     Hindi ko na lang sila pinansin at sumakay ako ng tricycle tsaka ako bumaba sa kanto. “Magkano po?”     “Singkwenta.” Sagot ng driver.     “ANO? Bakit naman sobrang mahal?!! Ang lapit lapit lang oh. Tanaw ko pa nga yung batang umiihi dun sa kanto!!!” pagrereklamo ko pero ang sama ng tingin ng driver sa’kin. “Ito na nga ho.” Natatandaan ko ang sabi ng nanay na makisama dahil hindi kami taga rito. Sa probinsya kinakatakutan ng mga galing city ang aswang, eh dito mas nakakatakot pala kasi maraming buwaya!     Mabilisan din pala ang sakay ng jeep dito dahil ang daming nagaabang. Nakakabaliw! Kahit bagong ligo ako pakiramdam ko ang baho-baho ko na. At ito pa, masyado pang maaga pero ang trapik trapik na. Sobrang usok, ang baho ng paligid at sobrang ingat. Wala akong makitang kahit isang puno. Yung ilog na nadaanan namin ang daming lumulutang na basura. Nakakaawa naman ang paligid. Hindi naalagaan ng mga tao.     “Ay manong BSU na po ba ‘to? Dito lang po manong!!” pero hindi tumigil ang driver.     “Miss, dun ang babaan sa kabila. Hindi pwedeng magbaba dyan. Sa susunod dun palang sa kanto bumaba ka na.” At nagalit pa si kuya.     “Sige po, maraming salamat.” At dahil napalayo ako nanakbo na ako pabalik ng biglang may pumito.     “Miss tumigil ka!!” At hindi ko alam kung ako ang kausap nya pero ng harangin ako ng isa pang pulis nasigurado kong ako na nga ang kausap nya. “No jay walking dito bakit dyan ka naglalakad.” Tumingin ako sa sign at nakita ko ngang no jay walking.     “Mga sir pasenysa na po kayo. Galing po kasi akong probinsya.” Binigyan ko talaga ng emphasis ang punto ng probinsya namin para halatang galing talaga akong probinsya. “Ako po ay mahuhule na sa akong klase. Dili ko naman po alam na bawal maglakad dine. Pers day ko po.” Nagtinginan ang dalawang pulis.     “Sige, pagbibigyan ka namin pero sa susunod hindi ka na namin pagbibigyan ha.” Sagot ng isang pulis.     “Ay naku maraming salamat po. Kaso late na po ako. Dito na po ako tatawind!” at mabilis akong tumawid at narinig kong pumito ulit sila. “Pasenysa na po talaga!!” Sigaw ko sa kanila pagkarating ko sa kabilang kalsada.     Sa wakas nakarating din. Baltimore State University. Ngumiti ako at huminga ng malalim. “Smile and be happy!” Pagcheer ko sa sarili ko.     Papasok na ako ng biglang dagsa ng mga estudyante. Nakakaloko ‘tong mga ‘to ah. Hindi ba pwedeng wag mangbangga!!     Nakisunod naman ako sa kanila. Ang laki ng school nila. Merong nagpapractice ng cheering sa kabilang side. Sa kabila naman may nagbabasketball. Sa kabila naman merong soccer. Sa kabila naman grupo ng mga nakasalamin at nag-aaral. Malamang dun ako mapapabilang.     Kinuha ko ang registration form ko para hanapin kung saan ang una kong klase ng mabangga ako. “Ay sorry po.” Sabi ko na may punto pa. Hindi ko sila pinansin at naglakad na lang ulit ako pero hinarang ako ng nabangga ko. Tiningnan ko sya at nakashades pa. Mataas lang ang araw?     “Who are you?” tanong nya sa’kin.   Akala ko nung araw na yun patay na ako kasi para akong nakakita ng anghel sa lupa. Ang laki ng katawan, parang gusto kong magkanin. Ang kinis ng kutis parang artista. Ang pupula ng mga labi parang may lipstick at ang puputi ng mga ngipin. Parang slow motion ang lahat.   Kailan ka pa nagkainteres sa lalaki?     Duh, walang ganitong itsura sa probinsya hello! Teka, who am I daw.     “Hi, I’m Kirra Imagen. Transfer student.” Iniabot ko ang kamay ko. Nagtawanan naman ang dalawang lalaking kasama nya.   Ang swerte naman, ang sobrang gwapo din ng dalawa nyang kasama. Lord ang dami nyo namang option na ibinigay sa’kin. Mamimili na lang ako. Yung ngiti palang nila para na akong hinuhubaran!     Hoy Kirra, tumigil ka sa pagpapatansya. Anong akala mo maganda ka?     Bigla akong nabalik sa reality na hindi nga pala ako maganda. Sorry naman, mapagpantasya lang.     Tumingin si boy shades sa kamay ko at hinampas nya lang ito. “Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaan mo?!!”     Ay, may attitude! Kung ano mang mga sinabi ko kanina na magagandang descriptions kalimutan nyo na! Dahil sa ginawa nya ang malalaking muscles nya ay napalitan ng makakapal na balahibo. Ang mapuputi nyang ngipin ay napalitan ng mga pangil. Ang shades nya ay naging malalaking mata at ang noo nya ay tinubuan ng mga sungay! Ganyan ang nakikita ko sa kanya ngayon!     Hindi ba ganyan ang nakikita mo sa lahat ng lalaki dati pa? Yan ang totoong ikaw!   Wag mo ng ipamukha sa’kin okay?! Humanda sa’kin ang balahurang lalaking ‘to!   “Nagsorry na nga di ba? Tsaka daanan ‘to hindi naman ‘to tambayan!! Ano bang problema mo!!” Nakarinig ako ng bulungan sa paligid tsaka ko lang napansin na napapalibutan pala kami ng mga tao. “May general assembly pala, di ako nainform.” Ngumiti ako ng peke at umirap pa.     “Hala nababaliw na sya.”     “Alam nya ba kung anong nagawa nya?”     “Lagot kawawa naman.”     Lumapit ang lalaking nakashades at kinuha ang mga gamit ko. Wow, ang bait ipagdadala nya pa ako ng gamit. “Thank you ha – ” pero bigla nya yong inigahis sa malayo, “ – anong ginawa mo!!! Kunin mo yun!!!!!!”     “Let’s go pips.” At tumalikod silang tatlo.     “Hoy three idiots!! Anong problema nyo ha!! Alam nyo bang bago ang mga gamit ko!!!” sigaw ko sa kanila pero di nila ako pinansin.     “Buti nga sa kanya. Ang angas din kasi.”     “Bulung-bulungan pa kayo ha!!! Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!” Sa sobrang inis ko hinubad ko ang isa kong sapatos at inihagis sa three idiots at kapag sinuswerte tinamaan ang lalaking nakashades.     Tumigil sila at biglang humarap kaya naman mabilis akong tumalikod. “Sinong nambato sa’kin!!!” Yung bigat ng steps nila parang nakakayanig ng lupa. Please lord pagbuksan mo na ako ng lupa at ipakain mo na ako sa mga uod. “Binato mo ba ako?” sumulpot sya sa tabihan ko.     Tumawa ako. “Me? No! Bakit ko naman gagawin yun?” Ngumiti ako at kinuha ko ang mga gamit ko.     “Sinong bumato sa’kin?” tanong nya sa crowd at lahat sila itinuro ako.     “Ano? May ebidensya ba kayo? May cctv ba dito? Hoy alam kong against ‘to sa rules and regulations ng school according to – ” binuklat ko ang handbook at hinanap ang article na yun.     “You know what to do.” Sabi ng lalaking nakashades tsaka sya umalis.     Mabuti naman at hindi nya ako sinaktan kaya isinara ko na ang handbook. Dinampot ang mga gamit ko pati na rin ang sapatos ko ng makakita ako ng maraming paa na nakapalibot sa’kin. “Ba – bakit?”     Binuhat ako ng mga lalaki na parang iaalay. “Hoy! Saan nyo ako dadalhin! Bitawan nyo ako!! Isusumbong ko kayo sa president!! Bawal ‘tong ginagawa nyo! Bullying ‘to!!” Nagpapalag ako pero hindi ako makawala. “Bakit nyo ba ‘to ginagawa?”     Tahimik lang sila at hindi nagsasalita. Minsan iniisip ko kung school ba ‘tong napasukan ko kasi para silang mga robot. “Hoy hoy hoy anong gagawin nyo dyan!” may hawak na tali ang isang lalaki at itinali ako sa pole sa gitna ng field. “Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!! Tulong!! Tulungan nyo ko!!!!!!!!!!” Hindi ako makagalaw at naglaglagan na ang mga gamit ko sa lupa. Nang maitali nila ako akala ko okay na lahat. Akala ko tapos na. Pumila sila horizontally sa harapan ko na ang kamay ay nasa likuran.     “Ready! Position – FIRE!!!!!” sigaw ng tila boss sa unahan.     Isang iglap ay may mga tumama sa’king masasakit at matitigas na bagay at kapag minamalas tumulo ito mula sa ulo ko at dun ko lang nalaman na mga bugok na itlog pala ang ibinabato nila sa’kin. “Second batch!”     Galit na galit ako! Sa sobrang galit ko tingin ko sa kanila eh mga malalaking baboy ramo na gusto kong panain isa isa! “Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!! Hindi nyo ako kilala!! Inuubos nyo ang pasensya ko!!!” At pinagbabato ulit nila ako. “Babalikan ko kayong lahat!! Tatandaan ko ang mga itsura nyo!!!! Kapag ako nakawala dito uubusin ko ang lahi nyo!! Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!” Dahil sa sobrang paglilikot ko at sa tulong na rin ng mga basag na itlog, dumulas ang skin ko mula sa pagkakatali at nakawala ako. “Ngayon, it’s payback time!!!!!!” I smirked tsaka ako kumuha ng itlog. Unang tira ko lang sa boss sapul na kaagad sa noo. “You don’t know me. I’m the best in my school.” Dumampot ulit ako ng itlog. Dun ko nakita na kaya pala masakit ang ibang itlog kapag tumatama sa’kin ay dahil nilagang itlog ang iba. “Ngayon, who’s next?” Dahan-dahang umaatras ang mga nandun at sinimulan ko silang pagbabatuhin! Mabilis naman silang nagtakbuhan hanggang mahuli ko ang isang lalaki. Mabilis ko syang hinila at itinumba tsaka tinapakan sa dibdib. “Bakit nyo ginawa ‘to sa’kin?” Pero hindi sya sumagot kaya binato ko sya ng itlog sa noo. “This is how I spend my first day! Sasabihin mo ba sa’kin o mangingitlog ka dito buong maghapon.”       “Hindi kami. Napagutusan lang kami ng The Legion.” Nanginginig na sagot ng lalaking tinatapakan ko ngayon. Tandang tanda ko na sya ang nagtali sa’kin kanina.     “The Legion? Ano naman yun? Pangalan ba yun?” Binasag ko ang isang itlog. “Answer or drink!” Itinapat ko sa bibig nya ang itlog.     “Sila yung tatlong lalaki kanina. Sila ang nagutos na gawin ‘to sa’yo. Gawain nila ‘to kapag may humaharang sa kanila o kapag meron silang hindi gusto!!” Nagliyab ang mga mata ko sa galit ng maalala ko ang lalaking may shades.     “Saan ko sila makikita?” tanong ko sa kanya.     “Dun sa pavilion sa likod ng canteen. Dun ang tamabayan nila.” Nakaturo sya sa direction at nakita ko kaagad ang canteen.     Umupo ako at tinapik ang pisngi nya. “Good boy.” Itinapon ko sa leeg nya ang hawak kong basag na itlog. “Pero hindi pa tayo quits!!” Tumayo ako at dinampot ko ang mga gamit ko na ngayon ay basa na rin ng itlog. “Humanda kayo sa’kin!!”     Dumampot ako ng maraming itlog at inilagay ko sa bag ko tsaka ako mabilis na tumakbo papunta dun sa sinasabi nung lalaki. Pero bigla kong naisip bakit ako nagtiwala kaagad? Wala namang mawawala sa’kin. Makaganti lang ako sa mga yun hindi na ulit ako babalik sa school na ‘to kahit kailan!!     Nakarating ako sa likuran ng canteen at meron ngang malaking pavilion dun. Wow, nakuha pa nilang magkaroon ng ganito?     “Pre, sobra naman yun sa bago.” At mukhang ako pa ang pinagkukwentuhan nila.     Hindi ako nag-aksaya ng oras at ibinato ko ang unang itlog. Kapag sinuswerte ka nga naman tinamaan kaagad ang buhok ng halimaw na yun. “What the hell!!”     Lumingon silang tatlo at nakita nila akong nakatayo. Nilalaro laro ang itlog sa mga kamay ko. I raised my eyebrow. “Miss me?” I smirked tsaka ko ulit sinimulang batuhin sila. Mabilis nakaiwas ang dalawa pero mas mabilis akong kumilos. Sporty ata ‘to at mabilis ang mga legs ko.     “Ewwwww! Ang baho!!!!!” sabi ng isa sa kanila.     “Pre, ano ‘to?!!” tanong naman ng isa.     “Ohh, hindi nyo alam? I bet this is how you treat a new student!!” Binato ko naman sila ng nilagang itlog tsaka ako dahan-dahang lumapit. “Hoy, three idiots wag ako!!! This is not how you treat the people kung ayaw nyo sa kanila. Tandaan nyo!! Hindi lahat ng tao dito gusto kayo!!!”     “F&CK! $1000 ‘tong jacket ko!” sabi ni boy singkit.     “Okay lang yan, pre. Pampaganda daw yan ng kutis.” Sabi ni boy british. Mukha kasi syang Briton.     “You will pay for this!!” galit na sabi ni boy shades habang busy ang dalawa sa pagpupunas ng itlog sa suot nila.     “Hell yeah!! Just tell me where and when.” inalis ko ang shades nya at ipinukpok ko sa noo nya ang isang bugok na itlog at tumulo ito sa mukha nya. “Torturing people is my game!! So come on!! Bring it on, three idiots!!!!” I smirked tsaka ako tumalikod. “Sa inyo na ‘tong sobra!” Inihagis ko patalikod ang sobrang itlog tsaka ako nagmadaling naglakad palabas.     “Don’t show your face here again! Or else you’ll wish you’re dead!!” ewan ko kung sinong sumigaw nun pero parang gay. Puro satsat.     Hindi naman sa natatakot ako pero syempre daig ko si the flash maglakad kasi baka mamaya balikan pa ako nung mga yun. Paano kung hindi na ako makawala ulit? Baka ibitin naman nila ako ng patiwarik. Sa totoo lang nanginginig ang buo kong katawan. Hindi ko alam kung dahil sa galit o sa takot na din.     Halos naiiyak na ako habang naglalakad pauwi. Paano kang hindi maiiyak? Sa baho kong ‘to ayaw na akong pasakayin sa jeep. Wala tuloy akong choice kundi umuwi. Ang saklap naman ng buhay. Ayoko na talaga dito! Hindi ako tatagal dito! Hindi ako mabubuhay dito. Hindi pa nga natatapos ang araw pakiramdam ko matatapos na ang buhay ko. Buti na lang talaga at okay lang ang mga gamit ko – biglang nawala? “HOY MAGNANAKAW!! YUNG BAG KO!! YUNG BAG KO!!!! TULONG!!!” Dahil wala na akong lakas hindi ko na masyadong nahabol yung snatcher. “Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!! Lord! Bakit po ako!!! Bakit!!!!”        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD