25-THE PAINFUL PAST KIRRA Hindi ko alam kung anong sasabihin k okay Finn. Bakit ba pakiramdam ko I need to explain eh wala naman akong dapat ipaliwanag? Maaga ako talagang pumasok ngayon at dito na ako dumiretso sa org room. Hindi kasi ako mapakali. Hindi din kasi sinasagot ni Finn ang mga tawag at text ko. Minsan na nga lang magload. Nagligpit muna ako ng mga gamit kasi makalat pa sa loob. “Good morning, Kir. Ang aga mo ah.” Nagulat ako sa magandang bati ni Finn. Parang maganda ang mood nya. Paran hindi naman sya galit. Ibang iba sa mukha nya kagabi. “Go – good morning din.” Nahihiya kong sabi. “Uhmmm kumain ka na ba?” Nakakahiya, ako pa yung unang nagtanong. Samantala madalas sya yung nagtatanong sa’kin nyan. “Yeah. Kanina papunta dito.

