21-HOT ‘N COLD! BITTER N’ SWEET! KIRRA Maaga akong nagising today so tumakbo muna ako sa labas para makapagpapawis bago ako naligo. Sakto nga lang din ang tapos ko kasi kakain na paglabas ko. “Good morning Yaya!” Lumapit ako sa kanya. “Ang bango naman po nyan nakakagutom.” “Ay sya sige maupo ka na dun at maghahain na ako. Pababa na rin sila sir Dio.” Sagot nya sa’kin. “Nandito na po si tito?” Bigla akong kinabahan kasi baka nagsumbong na sa kanya si Rebecca. Baka mapaalis na ako kaagad dito. Sayang naman, kung kailan naman nagugustuhan ko na dito. Dahil kay boy shades. Hindi ah, dahil lang gusto ko. Tumulong ako sa paghahain nang maabutan ako ni tito Dio. “Oh Kirra, bakit ikaw ang gumagawa nyan?” tanong nya sa’kin. “Go

