11-WHEN BOYS FIND OUT – BE READY! KIRRA Hindi ako masyadong nakatulog. Kung may pacontest ng palakihan ng eyebags malamang panalo na ako. Imagine kahit ako nagulat nung humarap ako sa salamin. Akala ko talaga nakakita ako ng zombie. Eyebag-in pa mandin talaga ako. Tsk! Pero ang maganda today ay weekend! Walang pasok!! Ang saya-saya. Syempre tumalon talon ako sa tuwa. Ano kayang gagawin ko today? Gusto ko sanang dalawin sila nanay at tatay kaya lang kasi gastos din yun. Di bale sana kung may sarili na akong pera. Magworking student kaya ako? Kaya ko kayang imaintain yung grades ko habang nagtatrabaho? Ang hirap kapag sumablay ang isang subject malamang tanggal ang scholarship ko. Eh kung dito na lang kaya ako magpart time kina tito Dio? Kaya lang baka naman

