DANGER
Serenity Point of View
Pagkatapos naming kumain ay siya narin ang nag prisintang mag hugas.
Pumunta ako sa sala at binuksan ang tv para manood sa netflix.
Ang balak kong matulog buong araw ay hindi natuloy. Umupo sa tabi ko si d**k, tapos na ata siya mag hugas.
Really parang hindi ko siya body guard. Mas tingin ko sa ginagawa namin is nag leleave in. Preparing for the marriage life.
Napailing ako sa iniisip ko.
"Something bothering you?" May halong pag aalala sa boses niya.
"Paano ka napunta sa pag bo- body guard?" Kanina ko pa talaga gustong malaman kung bakit siya ang body guard ko. Lisensyado na siya pero bakit nag body guard siya?
"Change of plan" Simpleng sagot niya.
Sa lahat ng naging bodyguard ko siya lang ang nag subok na pakialaman ang kusina. Ang umupo malapit sa akin. Saka isa pa sa kabilang unit nakatira ang mga nagiging body guard ko pero bakit siya kasama ko mismo sa condo?
Sa panonood namin ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Naramdaman ko na lang na may bumubuhat sa akin at hiniga ako sa malambot na kama.
Sa dalawang linggo na nakalipas wala namang bago. Ganun parin. Body guard ko parin siya..
Malapit na ang premiere night para sa movie namin ni ross kaya naman kasalukuyan akong sinusukatan ng isa sa pinakasikat na fashion designer.
Naka upo lang sa couch si Brix, habang ang mata niya ay hindi inaalis sa akin. Lalaki kasi ang nag susukat sa akin, lalaki pero pusong babae. Ewan ko ba simula ng dumating si Mr. Prios para sukatan ako hindi na inalis ni d**k ang tingin niya sa akin.
Hindi ko alam kung part ba ito ng pagiging body guard niya o may iba pa. Asa!
*Opening Sounds*
"Oh— Ano?" Nakatalikod ako kay Brix dahil ang parteng likuran ko naman ang sinusukatan niya. Hindi ko tuloy matukoy kung sinong kausap ni brix. "Hindi ako pwede pre— Ano? Damn! Okay lang ba si Zhoey? Sige sabihin mo wag siyang aalis at pupuntahan ko siya"
Saktong tapos ng sukatan ang likod ko kaya humarap ako ulit kay Brix. Paikot ikot ito at tila nag iisip kung aalis ba o hindi.
Tumigil ito sa pagiikot ikot at tumingin sa akin.
"Can I leave? Promises babalik din ako agad"
Pupuntahan niya ba si Zhoey? Base naman sa narinig ko mukhang pupuntahan niya nga si Zhoey.
"It's ok, take your leave today" May choice ba ako? Si Zhoey yun bodyguard ko lang siya.
Mabilis pa sa alas kwatro na umalis ito.
"Ang pogi naman nun madamme wala ba yung balak pumasok sa showbiz?" Mukhang pati si Mr. Prios ay nagwapuhan din kay d**k. "Pwede ko siyang kunin"
"I try to convince her, mother"
Hindi naman na nag tagal ng matapos akong sukatan.
"Thank you" Hangang sa pintuan ko lang hinatid si Mr. Prios. Dumiretso ako sa couch para manood ng netflix.
*Knock Knock*
Napakunot noo akong lumingon sa pinto. Wala pang twenty minutes ng makaalis si Mr. Rios sa condo. Imposible namang si Brix ang kumakatok dahil may sarili itong susi ng condo.
Walang ingay na nag lakad ako papuntang pinto at chineck muna sa butas kung sino ang tao sa labas.
My heart is beating extremely fast ng masilip ang dalawang naka itim na lether jacket ang nag aabang sa labas.
Madali akong bumalik sa sala para patayin ang tv. Kailangan hindi ako gumawa ng ano mang ingay para hindi nila malamang may tao.
Nanginginig ang mga kamay at tuhod ko habang dina- dial ang number ni Brix.
Please d**k answer my call.
"The number you dialed is flirting with another person. Please stop hoping and find someone better. "
Kay Zhoey?
"The subscriber cannot be reached. Please try again later."
Naka ilang try pa akong tawag pero hindi ko parin macontact si Brix. Nagulat ako at napatakip sa bibig ng muling may kumatok.
Sinubukan ko ring tawagan ang manager ko pero kagaya kay Brix ay hindi ko rin siya matawagan.
"The subscriber cannot be reached. Please try again later."
Vandross Alvuero
Pinindot ko ang name ni Ross saka dinial wala pang ilang segundo ay sinagot na niya.
"H-elp me. May mga tao sa labas ng condo ko, mag isa lang ako p-please tumawag ka ng security" Sobrang hina ng boses ko dahil natatakot akong marinig ng mga tao sa labas.
"Sh!t wag kang aalis diyan. Antayin mo ako okay"
Pag tango na lang ang ginawa kong sagot kahit na hindi naman niya nakikita. Nakatago ako sa likuran ng couch, nakayakap sa dalawang tuhod na nanginginig parin dahil sa takot.
Ilang oras lang akong nag antay ng may muling kumatok.
"It's me Sere" Narinig kong sigaw ni Ross. Nag lakad ako palapit sa pinto at chineck muna kung siya na nga bago buksan ang pintuan.
Niyakap ako nito ng makita ako. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya para kahit paano ay mawala ang takot ko.
"Hush I'm here. Huwag ka na matakot" I feel safe being beside him kaya naman kahit papaano ay kumalma na ako.
May mga security siyang kasama kaya pinapasok niya muna ako sa loob para makausap.
Habang nag tatanong sa akin ang mga security ay tumabi sa akin paupo si ross at inabutan ng tubig.
Naubos ko ang tubig na binigay niya dahil parang nanuyot ang lalamunan ko sa takot.
Hindi rin nag tagal ang mga security at hinatid sila ni ross palabas. Sinabi naman mas dadagdagan ang security ng condo ko.
"Nasaan ba ang bodyguard mo?" He asked after a moment of silence.
Nandun sa babaeng mahal niya..
"Leave niya" I replied without looking at him.
"Ang manager mo? Dapat hindi ka nila iniiwang mag isa" Halata sa mukha nito ang galit pero pilit na pinapakalma ang sarili. "Paano kung hindi ako dumating agad edi napahamak ka na?"
Hindi ko siya sinagot at nanahimik lang.
"Wala ka bang shoot?" Bigla kong naitanong.
"Cinancel ko, para sayo" What? Cinancel lang ang narinig ko at ang huli niyang sinabi ay hindi ko na narinig.