CHAOS GUSON
Serenity Point of View
"Tang ina artista ka na orb"
"Pakain ka naman pag labas mo"
"Ang daming reporter na nag aabang sa labas ng hospital"
"Buti na lang nakapasok kami ng maayos at hindi kami nakuyog sa dami ng reporter"
"Kung hindi ka pa maaksidente hindi pa namin malalaman na bodyguard ka ni idle"
"Si Serenity ba yan orb?"
"Are you okay now wavwab? Uhm may masakit ba sayo?"
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Pag bangon ko ay ang mga kaibigan ni Brix ang una kong nakita. Umayos ako ng upo at nahihiyang ngumiti sa bisita.
Nakatulog pala ako sa tabi ni Brix. Feel ko ang sakit ng likuran ko dahil sa pagkakayuko.
"Ang ingay niyo kasi nagising tuloy" Singhal ni Brix. Tumingin ako sa kanya, gising na pala siya. Kakamustahin ko sana ang lagay ni niya pero hindi ko na ginawa dahil hawak hawak ng girlfriend niya ang kamay niya.
Napa iwas ako ng tingin at tumayo para pormal na mag pakilala.
"Serenity Guson. Sorry if i'm look hagard" Hindi ako aware sa itsura ko. Kagigising ko lang malay ko ba kung may muta ako or what.
Isa isa silang lumapit sa akin para makipag kamay.
"Hustisya ang ganda mo parin kahit bagong gising. Chloe Salazar, fan na fan mo ako" Magiliw na pag papakilala nito.
Hindi ko na tanda ang ilan sa kanila dahil huling kita ko sa kanila ay noong sa palawan pa.
Yumakap sa akin si Chloe na kinabigla ko.
Sumunod na nag pakilala sa akin si Bree na sinundan ng boyfriend niyang si Carl. Huling nag pakilala si Jared. Halatang ang sungit niya.
Hindi ko na iniexpect na magpapakilala si Zhoey pero nagulat ako ng tumayo ito para yakapin din ako.
"I guess you already know me?"
"I guess" Maikling tugon ko.
I excuse myself to buy them a food.
"Ms. Serenity Guson. Serenity Guson"
My eyes widened when I saw a member of media. I started walking back in the private room when they called other people.
"Ms. Serenity totoo po sinadyang sirain ang break ng kotse niyo para maaksidente kayo?"
"Totoo bang boyfriend mo ang bodyguard mo?"
Nakatakip ang kamay ko sa mukha ko so the flash of the camera wouldn't bother me.
Madali akong bumalik sa kwarto at naabutan ko silang nag uusap usap.
Tumabi ako sa kaliwa ni brix nasa kanan naman niya si Zhoey na inaabutan siya ng apple.
"Madaming media sa labas bakit lumabas ka idle?. Hindi ka ba nila nakita?" Tanong ng kaibigan ni Brix na si Train.
"They saw me, pero madali naman akong nakabalik" Simpleng sagot ko.
"Kumain ka na?" Tumingin ako kay Brix para makasigurado na ako nga ang kinakausap nito.
"Nag pa order na ako ng pagkain baka mamaya lang dumating na si Chaos" Tinext ko na lang si Chaos mag dala siya ng food dahil hindi ako makakalabas dahil sa media na nag aabang.
Mag sasalita pa sana ito ng kunin ni Zhoey ang atensyon niya.
Minutes later ng may kumatok sa pintuan. Si Chaos..
Nakangiti itong pumasok. Nilapag niya muna ang dala dala niyang pagkain bago pumunta sa akin at humalik sa pisngi ko.
"I miss you"
Ginulo ko ang buhok nito nakalimutan kong may mga kasama din pala kami sa kwarto.
Naiilang ako na tumingin sa mga ito.
"Sino yan?" Pabalang na tanong ni Brix kaya napatingin ako dito.
"My name is Chaos" Energetic na pagpapakilala ni Chaos.
"Ano mo yan?" Naka kunot noo na tanong nito sa akin.
"Boyfriend niya" Si Chaos ulit ang sumagot kaya mas lalong sumama ang mukha ni bBix. Wala ng bago sa akin ang sagot ni Chaos dahil lagi niyang ginagawa yan sa mga taong nag tatanong kung ano ko siya.
Hindi ko pinansin ang masamang tingin ni Brix na binibigay niya sa akin. Hindi ba nila napapansin na mas bata si Chaos sa kanila?
"Yari ka kay mommy hindi ka pa tumatawag" Bulong nito habang tinutulungan ako sa pagkain.
"Nakalimutan ko lang" Sagot ko sabay irap sa kanya.
Pagbalik namin sa kama ni Brix ay masama parin itong naka tingin sa akin.
May ginawa ba ako?
Inaya ko ang mga kaibigan ni Brix na kumain kaya sabay sabay kaming kumain.
"I'll feed him" Pag priprisinta ni Zhoey sabay kuha sa hawak ko. Iaabot ko na sana ito ng mag salita si Brix.
"Kumain ka na Zhoey si Ms. Taray na lang mag papakain sa akin" Nag tatakang napatingin ang mga kaibigan ni Brix sa kanya. Samantalang si Chaos naman ay ngumingiti.
Matapos kong pakainin si Brix ay ako naman ang sunod na kumain. Nanonood lang sila Carl samantalang si Chaos naman at si Zhoey ay hindi umaalis sa tabi ni Brix. Lumapit si Jared kay zhoey at umupo sa tabi nito.
"Kelan naging kayo?" Tanong ni Brix habang pinaglalaruan ang kamay ko. Naiilang tuloy ako kila Zhoey na pinapanood ang kamay kong nilalaro ni Brix.
Sasagot na sana ako ng tumayo si Chaos at sinagot ang tawag. Bumalik ito at muling hinalikan ako sa pisngi pagkatapos ay nag lakad na ito papuntang pinto. Bago siya lumabas ay kumaway muna ito at nag paalam.
"Bye ate Sere, don't forget to call our parents"