WRATH Serenity Point of View "Nakikinig ka ba Serenity?" Nagulat ako boses ni Mommy Elaine. Nasa harap ko pala ito. "Next week pa mababakante ang schedule mo. Dalawang araw lang ang meron ka at pagkatapos ay balik ka sa pag sho- shooting. Naiintindihan mo ba?" Pinaliwanag pa nito ang magiging schedule ko sa buong month. Halos tatlong buwan na kaming nag sho- shooting para sa teleserye namin ni Ross. Matagal pang matatapos dahil pinapahaba ang storya dahil sinusubaybayan ng tao. Bago mag umpisa ang shooting ay kung ano anong pang ba- bash ang nakuha ko dahil sa kumakalat na picture namin ni Brix habang nasa kotse. Mas pinili kong huwag mag salita at hayaan ang tao sa kung ano ang iisipin nila. Mas mahalaga sa akin ang sasabihin ni Brix kaysa sa sasabihin ng taong makik

