PREMIERE NIGHT
Serenity Point of View
Pagbaba ko mula sa kotse ay nakasunod lang sa akin si Brix. Hangang makapasok kami sa elevator ay nasa likuran ko lang siya na nakasunod. Siya ang nag pindot kung saang floor kami pupunta.
Pinag lalaruan ko ang paa ko dahil hindi ko napansing naka tanggal ang pares ng sintas sa kanan. Mamaya ko na lang itatali dahil ang sagwa naman kung yuyuko ako para itali dahil naka skirt ako.
Pinag sasalitsalitan ko pa- kanan kaliwa ang sintas para malagay sa gitna.
*Ting*
Bumukas ang elevator sa 7th floor kung saan kami mag pho- photoshoot.
Mabagal lang akong nag lalakad para hindi maapakan ang tali ng sintas ko. Napahinto ako sa paglalakad ng hatakin ako brix. Pumunta ito sa harap ko at biglang yumukod.
I felt heat on my cheeks so I had to look away from him habang tinatali niya sintas ko.
"Thank you"
Nag nod lang ito kaya nag lakad na ako ulit papuntang dressing room para maayusan.
Nauna na palang dumating si Ross at kasalukuyan na itong inaayusan.
May inabot sa akin na milktea ang p.a niya kaya iniinom ko yun habang inaayusan.
Nakikita ko sa mirror si Brix na ini-intertain ng co- model.
Napapa irap ako habang mini- make up-an kaya nahirapan tuloy yung nag aayos sa akin. Inalis ko ang tingin ko kay Brix na nakikipag tawanan sa co model.
"Higpitan mo yung hawak Vandross. Lumapit ka pa konti kay Sere— Yan very good"
Ilang shot pa ang tinake bago kami mag palit ulit ng damit.
"Here kumain ka muna" Hindi pa nag uumpisa ang susunod na shot. Hindi ko napansing lumabas pala si Brix para bumili ng pagkain.
"Later na ako. Mauna ka na"
"Titigan mo sa mata si Vandross, Sere na totoong inlove ka sa kanya. Yan ganyan nga" Sinunod ko ang utos ng photographer. Tinignan ko si Ross on how I look at Brix. "Nice shot"
"Let's go" Nilahad ni Ross ang kamay niya para hawakan ako at maalalayan bumaba.
Naunang bumaba si Brix para buksan ang pinto ng kotse.
Nilagay ko ang kamay ko sa braso niya habang dahang dahang nag lalakad sa red carpet at hindi inaalis ang ngiti sa labi.
Ang daming media ang sumalubong sa amin hindi pa kami nakakapasok sa venue.
Ngiti lang ang binigay namin sa kanila ni Ross.
Dumiretso kami sa pinaka gitna kung saan kukuhaan kami ng picture bago pumasok sa venue.
"Congrats sa movie niyo" Nakangiting bati ng co actress na kasama sa premiere night.
"Thank you"
Nakipag beso kami ni ross sa mga ilang artista na pumunta para suportahan ang movie namin na ilalabas next week.
"Congratulations to the both of you. The movie is good and awesome. Sure na maraming manonood"
Pinanood kasi namin ang trailer ng movie at nag comment ang ilang mga artista para naman mas panoorin ng tao ang movie na ilalabas.
"Are you tired?" Mahinahong tanong ni Ross.
Nakaupo kami sa table, kumakain kasama ang artista na kasama namin sa movie.
"A little" Hinawakan niya ang ulo ko para ipatong sa balikat niya. Hindi naman ako nag reklamo. Hindi ko siya pwedeng tarayan dahil sobrang daming media ang nandito sa event.
May mga kumukuha sa aming picture pero pinag sasawalang bahala ko lang. Sure na bukas kung ano ano na namang balita ang lalabas tungkol sa amin ni Ross.
"Pwede ko ba kayong mainterview?" Inalis ko ang pagkakapatong ng ulo ko sa balikat ni Ross at nakangiting tumingin sa isang reporter na umupo sa harap namin.
"Anong masasabi niyo sa mga pumunta sa gabing ito para suportahan ang movie na ilalabas niyong dalawa" May hawak hawak itong cellphone kung saan irerecord ang bawat sagot namin ni Ross.
"Nag papasalamat kami kasi pumunta sila para suportahan ang movie na ilalabas namin ni Sere"
Ang dami pang follow up question na tungkol sa movie bago ibahin ang tanong.
"Totoo bang may mga lalaking nag aabang sa labas ng condo mo at pumunta si Sir Vandross para protektahan ka?" Nag katinginan kami ni Ross. Mukhang wala talagang nakakalagpas na balita sa kanila.
"That's true. Pinuntahan niya ako sa condo to make sure na ligtas ako. I'm scared that day as in pero noong nandun na si Ross I feel safe beside him kaya naman nawala yung takot ko."