IMAGE
Serenity Point of View
"Sure ka bang hindi ka mag le-leave today? Nasa kabilang unit lang naman yung bodyguard na kapalitan mo" I asked. Naka ilang ulit na ata akong nag tatanong sa kanya pero isa lang ang sinasagot niya.
"Nah, mas gusto kitang kasama"
"Okay" Tahimik na lang akong nanood sa tabi niya habang yung kanang kamay niya ay naka akbay sa akin.
Fuck! Hindi ko alam na may erotic part pala yung movie na pinapanood namin kaya nailang tuloy ako habang katabi sa Brix.
Nasa part na kung saan hinuhubadan ng bidang lalaki yung babae ng may tumakip sa mata ko.
"Bawal sa bata"
Nilapit ko din ang kamay ko para takpan ang mata niya.
"Yan para parehas tayo"
Thank God madaling natapos yung scene na erotic kaya naman maayos na ulit kaming nanood. Tumayo muna ako papuntang kusina para kumuha ng tubig. Pinagpawisan ako kahit hindi ko napanood ang scene.
Pag balik ko ay may mga product na nasa sala. May hawak ng camera si Brix dahil siya ang photographer ko kapag mag pi- picture ako para iendorse ang product.
Nag palit ako ng damit saka nag ayos bago kunin ang isang brand.
"Fiercer" He demanded.
I rolled my eyes first bago ko sundin ang utos niya.
Nag request pa siya na hawakan ko ang kamay niya at kukunan niya ako ng picture.
"Smile" The flashes of camera made me close my eyes. Tinakpan ko ang mukha ko para hindi epic ang makuha.
Pagkatapos ng ilang shot na ginawa namin ay pinost ko na ito sa i********:.
Bumalik ako sa panonood habang si Brix ay gumagawa ng snacks.
Nag s- scroll scroll lang ako sa i********: ng makita ang post ni Brix.
It's my picture. Nakatakip ang mukha ko ng kamay ko. Kuha ito kanina.
248 likes
stan_brix /-//-/-/
View all 56 comments
zoweng code..
27 minuntes ago
Pinindot ko ang view para mabasa ang mga comments.
jcguerro ❤️
coleng @zoweng It's really hurts
monterozo_t Yown, idle yan witwiw
suarezcarl kikiam lima fishball lima palamig lima bayad bente suklilima kung d k bibili❌ umalis kna♀♂ ehh ohh ice pop lollipoppag na2naw palpak yelo malamig pag na2naw 2big
breeferell idle @suarezcarl?
Maluwag siguro turnilyo ni Carl? Yung comment niya wala namang connection sa post.
View more comments
alex_3 Who's that lucky girl?
michenggggg It that Miss @Serenity Guson?
Napahinto ako sa pag titingin ng comments ng may nag mention ng pangalan ko.
Napapunta agad ako sa kusina para ipadelete ang picture.
"d**k" Pag kuha ko sa atensyon nito dahil busy siya sa pag gagawa ng natchos.
Lumingon ito sa akin.
"Wait lang hindi pa tapos"
"Delete your post. Bago pa kumalat" Natatarantang utos ko.
"Hindi naman halatang ikaw ah?" Kunot noo'ng tanong nito.
"May isang naka halatang ako kaya kung papatagalin mo pa baka mas lumala yung issue. Baka makarating pa sa VaNity fans"
Tinitigan ko nito ng ilang minuto bago kinuha ang cellphone niya.
"Done. Bumalik ka na doon at patapos na ito." He said without any emotion.
Nabahala ako sa itsura ni Brix pero mas mahalaga yung reputation ko. Ayokong magkaroon ng issue.
Nilapag niya ang natchos sa tabi ko bago umupo sa dulo ng sofa.
"Are you mad?" I asked. "Alam mo namang may inaalagaan akong image di ba? Ayokong masira yun at mag away away ang VaNity shippers dahil lang sa--" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng tumingin ito sa akin.
"Ayos lang naiintindihan ko" Mahinahon nitong sabi. "Iintindihin ko. Kahit pa itago mo ako sa dilim okay lang basta ang mahalaga hindi masira ang image mo."
Hindi ako nakapag salita. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata ni Brix.
"Ligo lang ako" Paalam nito sabay pasok sa kwarto niya.
Ilang oras na ang nakakalipas ng hindi parin lumalabas si Brix kaya naman mas lalo akong nakokonsensiya.
*Knock Knock*
Tinignan ko muna sa butas kung sino ang kumakatok at ng makita si Ross ay pinag buksan ko ito. May dala dala itong bouquet of flowers na sa gitna ay may chocolate din. May dala dala din siyang milktea.
Kinuha ko ang dala niya at inaya siya sa sala.
"I saw the tweet, it that's you?" Agad na tanong nito pagkaupo.
Nakita kong lumabas si Brix galing sa kwarto niya.
"Uhm nah! Hindi ako yun, right Brix?" I lied.
Hindi ito sumagot. Kumuha lang siya ng tubig bago bumalik ulit sa kwarto niya.
"Napa bisita ka?" Pag iiba ko sa usapan.
"I just want to see you" He replied.
"Kumain ka na ba? Tara sabayan mo na ako" Pag iiba ko ulit sa usapan.
Nag nod lang siya saka sumunod sa akin sa dining table.