Chapter 14

788 Words
SHOCK   Serenity Point of View   "Kapag ba pinasok ko ang mundo mo magiging bagay na kaya ako sayo? Mamahalin mo na din kaya ako?"   Wait, did I just heard it right?   I immediately look at him trying to read if he's joking or not.   Nag antay ako ng ilang segundo pero hindi niya sinasabing joke lang. Unti unting nag sink in sa akin ang sinabi niya.   I'm shock, literally in shock.   "Ma'am Sere mag ready na po kaya dahil kayo na ang next" Buti na lang naayos ko ang utak ko pag apak sa stage. Kinalimutan ko pansamantala ang tanong ni Brix.   Hanggang matapos ang show at nasa loob na kaming dalawa ng kotse pauwi ng condo ay parehas kaming tahimik.   Baka hindi totoo ang sinabi niya at wala lang talaga yun?   Pumikit ako para alalahanin ang sinabi niya.   "Kapag ba pinasok ko ang mundo mo magiging bagay na kaya ako sayo? Mamahalin mo na din kaya ako?"   "Kapag ba pinasok ko ang mundo mo magiging bagay na kaya ako sayo? Mamahalin mo na din kaya ako?"   "Kapag ba pinasok ko ang mundo mo magiging bagay na kaya ako sayo? Mamahalin mo na din kaya ako?"   Tama naman ang narinig ko pero bakit hindi pa niya binubuksan ang usapin na naputol kanina?   Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pagod. Naramdaman ko na lang na hiniga ako sa malambot na kama at ilang oras ay may basang tissue na pinupunas sa mukha ko. Maybe he's removing my make up.   Pumunta din ito sa paanan ko para tanggalin ang suot kong heels. Kinumutan niya ako at naramdaman kong may dumampi sa noo ko bago ako tuluyang lamunin ng antok.   The next day, I woke up like a baby chos. Maganda lang ang tulog ko dahil kiniss daw ako sa noo ni Brix sa panaginip ko.   Hindi muna ako lumabas ng kwarto dahil hapon pa naman ako may schedule para mag shooting.   Inopen ko ang i********: ko, chineck kung may bagong post pa ang mga kakilala ko.   Liked by zoweng and 9, 732 others. stan_brix Miss T, Ty   Finallow na ako ni Brix sa i********: at finallow back ko din siya kaya naman nakikita ko na ang mga post niya ngayon.   Pinost niya ang kuha niya kahapon habang nag sasayaw. May kumuha pala ng picture niya, naka zoom ito habang naka blurred ang kasama niyang sumasayaw.   Hindi ko maintindihan ang caption kaya naman pumunta agad ako sa comment section.   View all 1, 726 comments   Pinindot ko ang view para mabasa ang mga comments.   zoweng Congrats Wavwab, so proud of you❤️   breeferell Awiee congratsss tantan ꨄ︎   coleng Nice tsong sikat ka na.   jcguerro Congrats bestfriend, wag mo kaming kalimutan hahaha   monterozo_t Pakanton ka naman orb arat.   suarezcarl hi lodi walang signal sa bukid pero nung nalaman ko na nagpost ka ng pic mo Dali dali akong bumaba ng bukid tumawid ako sa ilog Tinumbok ko ang pitong bundok nakipag p*****n at umutang ako ng pera para pamasahe papuntang syudad Namalimos pa ko para sa internet at maka react ng heart "" sa pic mo hope you'll notice me Aydol   Napakunot noo ako ng mabasa ang comment ni suarezcarl. Puro kalokahan.   Kahit nabasa ko na lahat ng comments hindi ko parin maintindihan ang caption dahil walang nag tanong tungkol dun.   Mukhang dumami ang likes ng post niya pati mga nag co- comments.   Chineck ko ang i********: account ni Brix.   @brix_stan   548 posts -15.7k followers -304 following   Brix Stanlley Lynch Engineer & BG of M.T   Last time na inistalk ko siya halos nasa 10k palang followers niya pero mukhang dahil kahapon ay mas dumarami ang followers niya.   BG of M.T? Ano kaya ibig sabihin nun?   May gumawa narin ng page niya. Pagkatapos kong tignan lahat ng page na ginawa sa kanya ay lumabas na ako sa kwarto.   Naabutan kong nag hahain si brix ng breakfast kaya sakto lang din ang labas ko.   "Good morning" Masiglang bati ko.   "How's your sleep?" Tanong niya pagkatapos akong batiin.   Umupo ako bago sinagot ang tanong niya.   "Maayos naman" Umupo narin siya sa harap ko at nilagyan ako ng friedrice sa pinggan ko.   "Hey I'm diet" I rolled my eyes on him. Lagi niyang sinisira ang diet ko.   Hindi niya pinansin ang pag rarants ko dahil mas dinagdagan niya ang spam at bacon na nilagay niya sa pinggan ko.   "Ubusin mo yan"   Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain. Paminsan minsan ay nag uusap kung may itatanong siya about sa schedule ko pagkatapos kong sagutin ay tahimik na ulit.   "Naisip mo na ba yung sagot sa tanong ko?" He asked after a moment of silence.   Napahinto ako sa pagliligpit.   "Handa akong pasukin ang mundo mo Ms. Taray maging pabor lang sa atin ang tadhana"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD