ALEXA POV Pinakawalan na ako ng dalawang kaibigan ko pero lalo akong nagsumiksik sa kanilang dalawa dahil kailangan ko ng suporta. Kanina pa nanginginig ang mga tuhod ko. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang magsimula ng sumaliw ang isang musika. Ang On This Day ni David Pormeranz. Nagsimulang maglakad ang mga kasali sa entourage. "Alli, Allesa," impit ang iyak na sabi ko. Masuyo namang pinunasan ni Allison ang mukha ko. At gaya ko luhaan na rin ang dalawang kaibigan ko. "Maiiwan ka na namin dito, ha," paalam pa ni Allesa. Sila na kasing dalawa ang lalakad papunta sa harapan. Wala akong nagawa nang tuluyan na nila akong iwanan sa may pintuan ng simbahan. Walang tigil ang mga luha ko. Sa nanlalabong mga mata ay nakita ko ang lalaking may pakana ng lahat ng ito. Nasa gitna it
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


