ALEXA POV NAGISING ako sa pakiramdam na parang may nakadagan sa bandang tiyan ko. Papungas-pungas na nagmulat ako ng aking mga mata. Kinusot-kusot ko pa iyon dahil hindi pamilyar sa akin ang kuwarto kung saan ako nakahiga. Iginala ko ang mga mata ko at iba talaga. Hindi ko ito kuwarto hanggang sa mapadako ang mata ko sa kaliwang side ng kama at tila naman ako nabato-balani nang bumungad sa akin ang guwapong mukha ng katabi ko. Nakatulalang binalikan ko ang mga pangyayari at doon lang nag-sink in sa utak ko na totoong si David ang nasa tabi ko. At totoong nagkabalikan na kami. Kami na ulit ng lalaking pinakamamahal ko. Naaalala kong nagdesisyon na akong umalis dahil pakiramdam ko wala na akong pag-asa rito. Pakiramdam ko kasi wala na talaga ako sa puso ni David, kaya't nang matapos kong

