Soriya’s POV
“IPASA mo nga sa’kin yung chichirya, Valine,” rinig kog wika ni Psalm na ngayon ay nakaupo sa aking sofa habang prenteng nanunuod ng TV.
“May paa ka naman diba? Gamitin mo nga ‘yan, baka kunin ‘yan ni Lord sa’yo,” masungit na wika ni Valine sa kanya atsaka padabog na ibinigay kay Psalm ang isang junkfood.
Nasa apartment ko sila ngayon dahil wala raw silang ibang magawa sa mga bahay nila. Napailing nalang ako habang tinitignan ang ilang pahina tungkol kay Spade Rouge Yamazaki.
Psalm and Valine sent me this document from the HQ. Talagang atat na atat na ang buong organisasyon tungkol sa misyon ko na ‘to. Hindi ko rin sila masisisi dahil maraming buhay ang makakaltas kapag hindi kami kaagad gumawa ng aksyon.
Kumunot ang aking noo ng wala naman akong mabasa na posibleng magiging kahinaan niya. Para naman sa ganon ay may panlaban ako mula sa kanya kung sakaling hindi aayon sa’kin si tadhana.
“May nabasa kabang interesante d’yan?” Tanong sa’kin ni Psalm pagkatapos akong lapitan dito sa may kusina.
“Wala eh, personal findings lang naman halos nakalagay dito,” ani ko atsaka uminim ng isang basong tubig.
“Nga pala, Soriya! Sinabi na ba ni Charlie sa’yo kung ano ang dapat mong gawin para makalapit kay Spade?” Sabay kami ni Psalm na napalingon sa gawi ni Valine nang magsalita s’ya.
“Hindi pa, ano ba ‘yon?”
“You need to disguise yourself.” Napangisi ako sa sinabi niya.
“Iyan lang ba? Akala ko naman kung ano.” I can disguise someone whoever I want. Ni hindi nga alam ng mga katunggali ko ang tunay kong mukha dahil sa pagiging magaling ko sa bagay na ‘yon.
“Ano ba ang gusto niya? Maging isang sikat na sexy model ako?” Pahabol ko ba habang nakangisi.
“Nope. Kailangan mong makapasok sa kompanya ni Yamazaki para mas mapalapit ka sa mismong target, at hindi mo ‘yan magagawa kung isa kang sikat na sexy model.” Napakibit-balikat ako sa sinabi niya atsaka uminom ulit ng tubig. May punto rin naman.
“You need to be his secretary.” Naibuga ko ang aking iniinom sa sinabi ni Psalm.
“Secretary? Hindi ba masyado akong malapit sa target n’yan? Baka mapapansin n’ya ang kinikilos ko,” wika ko sa kanya.
“That’s why Charlie choose you to perform this mission. Alam n’yang hindi mo hahayaan ‘yan na mangyari,” tugon ni Valine atsaka lumapit na rin sa aking direksyon.
“Kaya basta-basta na lang n’ya ako ilalagay sa peligro, ganun ba?” Minsan napapaisip din ako kung may malasakit ba sa’kin ‘yong Head Commander namin. Ang hilig-hilig niya kasing isabak ako sa kampo ng kalaban na para bang isa lang akong laruan.
“Hindi naman siguro sa ganon. Alam naming lahat na magiging katapusan na nang Gripsen kung mawala ka sa organisasyon. You’re the asset of the group, Riya. Pero wala na ring ibang makakagawa ng ganitong klaseng misyon kundi ikaw lang, kaya lahat kami ay umaasa sa’yo,” pagpapaliwanag ni Psalm sa’kin atsaka tinapik ang aking balikat.
“Your family is the Gripsen’s biggest asset.” Napatingin ako kay Valine ng sabihin niya ‘yon. Isang tipid na ngiti ang sumilay sa aking labi atsaka tumango sa kanila.
Ang buong angkan ko ay nagtatrabaho sa Gripsen Alliance, ilang taon na ang nakakalipas at isa ang aking Lolo sa mga unang nagtayo ne'to. At naipasa n'ya ito sa aking ama, hanggang sa tuluyan na ngang pati ako ay napabilang na rin sa mismong organisasyon.
Kaagad akong tumayo atsaka dumiretso sa aking kwarto, kinuha ko ang aking itim na leather jacket at isang sling bag bago lumabas.
"San ka pupunta?" tanong sa'kin ni Psalm.
"May bibisitahin muna ako saglit."
"Ha? Pero hindi pa tayo tapos sa pagpaplano," pagtutol sa'kin ni Valine. Nilingon ko s'ya atsaka binigyan ng isang ngiti.
"Kayo muna bahala ni Psalm sa pagpaplano, sabihan n'yo lang ako pagkauwi. Makikinig ako, pramis." Isang pilyong ngiti ang isinukli ko sa kanya bago tuluyang lumabas sa aking apartment.
"SORIYA! SIGURADOHIN MONG MAKIKINIG KA TALAGA DAHIL KUNG HINDI!" Napahalakhak ako ng marinig ko pa ang sigaw ni Valine mula sa loob.
Kaagad akong pumara ng bus para makasaka kaagad ako. Makalipas ang ilang mga minuto, narating ko rin sa wakas ang aking destinasyon.
"Para lang ho, manong!" Sigaw ko.
"O, may bababa raw!"
Nagpasalamat ako lalake atsaka tuluyan ng bumaba mula sa bus. Nilibot ng aking paningin ang buong lugar atsaka napabuntong hininga. Huling dalaw ko rito ay tatlong linggo na ang nakakalipas, kumusta na kaya s'ya?
Dinala ako ng aking mga paa sa isang malaking bahay sa gitna ng malaking lupang tinatayuan ne'to. Napangiti ako ng may masalubong akong ilang matanda na nakawheelchair atsaka nila ako kinawayan na kaagad ko namang tinugunan.
"Soriya, buti't nakadalaw ka," pagbati sa'kin ng isang nars dito.
"Kaya nga po eh, naging busy lang ho sa trabaho," pagrarason ko.
"Halika, sabik na sabik na 'yon na makita ka ulit." Ngumiti ako sa kanya atsaka siya sinundan patungo sa isang balkonahe.
Mas lumapad ang aking ngiti ng makita ko siya sa kanyang paboritong pwesto rito. Tulag ng aking inaasahan, naglalaro s'ya ng chess kasama ang isang matanda na halatang nakaidlip na.
"Lolo," pagtawag ko sa kanya. Nang magtama ang tingin naming dalawa, kaagad ko s'yang niyakap ng husto. Isang mahinang tapik sa likod ang itinugon n'ya sa akin bago ako kumalas.
"S-Sino ka?" tanong n'ya ng makita ang aking mukha.
"Lo, ako ito si Riya, ang nag-iisa ninyong magandang apo," sambit ko sa kanya habang nakangiti. Umiling s'ya atsaka may hinugot mula sa kanyang bulsa.
"I-Ito si Riya, tingnan mo," ani niya atsaka ipinakita ang isang litrato ng batang babae habang karga-karga ng isang lalake na may ilang puting hibla na ng buhok. "'Yan ang apo ko, hindi ikaw. Maliit pa s'ya k-kaya imposibleng m-maging ikaw si Riya," wika pa n'ya atsaka inilayo ang kanyang sarili na animo'y natatakot sa akin.
"W-Wag kang lalapit, hindi ikaw si Riya namin." Mapait akong napangiti habang nakatingin sa aking Lolo na inaalo ng nars para hindi magwala. Ito na nga ang sinasabi ko, unti-unti na n'ya akong nakakalimutan.
My grandfather, Julio Gustave, suffered from Alzheimer's disease. Nagsimula ito ilang taon pagkatapos mamatay nina Mama at Papa sa isang misyon noon. Nang hindi na ako masyadong maalagaan ni Lolo, nagpasya si Commander Claude na tumira ako sa kanya hanggang sa makatapos ako ng kolehiyo at magampanan ang pagiging Assassin ko.
Gayunpaman, hindi nagkulang sa'kin si Lolo dahil labis n'ya akong minahal at inalagaan noong panahon kaya pa n'ya. My grandfather trained me very well before, he's my teacher in assassination. Kaya naging ganito ako kagaling ng dahil sa kanya. He's my pride.
"Pasensya na talaga, Riya. Mas lalong nailang si Sir Julio s-sayo." Napayuko s'ya pagkatpos 'yon sabihin.
"Ayos lang, wala naman talaga tayong magagawa sa bagay na 'yan. Ang mahalaga naging masaya s'ya rito," wika ko sa kanya atsaka ngumiti. Bago ako umalis sa home for the aged, pinuntahan ko muna si Lolo sa kanyang kwarto upang siya ay pagmasdan na mahimbing na natutulog.
ISANG linggo na ang nakakalipas at andito ako ngayon sa labas ng kompanya kung saan ay pagmamay-ari ni Spade Rouge Yamazaki. Ito na ang araw kung kailan kami magkikita ng harap-harapan, ngunit hindi n'ya makikita ang tunay kong mukha dahil sa disguise na meron ako ngayon.
Nagpasa na ako ng aking requirements sa loob, babalik din ako pagkatapos kong kumain ng lunch para sa final interview. Pansin ko lang kanina, ako lang ang nag-iisang babae na nag-apply para sa position na Secretary. May narinig din akong ilang bulong-bulungan tungkol doon pero pinagsawalang bahala ko na ang lahat na iyon.
Pumasok ako sa isang banyo rito sa loob ng mall kung saan katapat lang ng kompanya ni Spade. Inayos ko ang aking disguise sa loob bago tuluyang lumabas, ngunit sa paglabas ko ay may nakita akong janitres na medyo may katandaan na na humihingi ng pasensya sa isang galit na lalake.
"Linisin mo ang sapatos ko, ngayon din!" Puno ng galit na sambit ng lalake sa kanya. Nataranta naman ang janitres atsaka kaagad na kumuha ng pamunas at lumuhod sa harap ng lalake.
Naningkit ang aking mga mata sa aking nasaksihan. May mga tao na ring napatingin sa direksyon nila. Hindi ko na kaya, ang ayaw ko sa lahat ay may taong naagrabyado ng dahil lang angat sa lipunan ang isa.
"Hoy! Lalakeng walang modo at mas masangsang pa sa isda ang pag-uugali, bakit hindi nalang ikaw ang magpunas ng sapatos mo? Ganyan na ba talaga kahirap ang yumuko para sa'yo?" Isang masamang tingin ang ipinukaw n'ya sa'kin, tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.
"At sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan? Tumingin ka muna sa salamin bago ka sumatsat! Ang sakit mo na nga sa mata, sobrang sakit mo pa sa tainga!" Biglang umusok ang aking ilong sa sinabi niya. Aba't! Halatang mas bata pa 'to sa'kin pero ganito na umasta! Nasan ba ang mga magulang ng lalakeng 'to?
"M-Ma'am, wag na po kayong magsalita. M-Mas lalaki lang po kasi a-ang gulo," pagmamakaawang sambit sa'kin ni Ate.
"Shudo, kanina ka pa namin hinihintay sa kotse. Ano na naman 'tong gulo ang pinapasok mo?" Isang matangkad na lalake ang bigla nalang sumulpot sa gilid ng lalakeng tinawag n'yang Shudo. Nanlaki ang aking mata ng makilala s'ya. Siya lang naman ang lalakeng tumanggap ng application ko sa loob ng kompanya ni Spade.
"May babae kasi rito na grabe ang taas ng tingin sa sarili, akala mo naman kung sinong maganda," sagot nong Shudo sa kanya. Napadako na ang tingin ng lalake sa akin at tila kinikilatis ako.
"Diba ikaw 'yong nag-apply bilang isang sekretarya sa tapat na building?" Napalunok ako. Nalintikan na! Napayuko ako atsaka mahinang tumango. Bwiset! Malaking gulo 'to! Bakit kasi hindi ko makontrol ang sarili sa tuwing may makikita akong ganitong klaseng eksena!
"Ha! Isa ka palang hamak na aplikante sa kompanya ng kuya ko!" Deretso akong napalingon sa nagsabi non. Ano? Teka nga lang... Kuya? May kapatid si Spade? At ang asungot na 'to ang kapatid niya? Bakit walang kapatid ang nakasaad sa document na ibinigay nina Valine at Psalm sa akin?
"Shudo, what's the meaning of this? You're causing a scene." Isang boses ang bigla na lang umusbong mula sa aking likuran. Sobrang bigat ng presensya n'ya mula sa aking likod, halos hindi ko magawang igalaw ang aking ulo upang lingunin s'ya.
"A-Aniki," tawag ni Shudo sa kanya. Ang kaninang galit na galit na mukha ni Shudo ay kaagad na nawala ng makita ang lalakeng nasa likuran ko ngayon.
"Spade, dadalhin ko na pabalik si Shudo sa loob ng sasakyan," sambit nong lalakeng matangkad.
"'Yan dapat ang una mong ginawa kanina pa lang, Tac." Yumuko ang lalakeng nagngangalang Tac na animo'y humihingi ng tawad bago kinuha ang braso ni Shudo atsaka sila sabay na umalis. Sa oras na 'yon ko lang nagawang tignan ang lalakeng nasa likuran ko na sana ay hindi ko na lang ginawa.
Nang magtama ang tingin naming dalawa, bigla akong nanghina na halos mapaluhod ako sa sahig ng mall. Hindi ko inaakalang mapapaaga ang pagkikita naming dalawa. At mas lalong hindi ko inaasahan na ganito ang mararamdaman ko ngayon.
For the first time in forever, I felt like I'm in danger. And just like that, I can see my death before his eyes.