"Kaya ka napilitang mag pakasal ng dahil doon Sofia? So, kung hindi pa sinabi sa amin ng Kuya Zeus mo ang lahat hindi ka pa mag sasalita? Anong klaseng dahilan iyan? " Nandito ako sa bahay at sinermunan ako ni Mama. Alam ko naman kasing kasalanan ko ngunit okay na kami ni Clifford. Ang mali ko lang hindi ko inayos ang mga gusot sa pamilya ko. Napahawak ako sa aking tiyan nang balingan ng pansin ito ni Mama. Sinita siya ni Papa pero hindi siya nag paawat. "Ganyan ka lang Archer. Hinahayaan mo lang itong anak mo at tinutulak mo pa sa anak ng Ynora na iyon! Ayan lumaki na ang tiyan. Sapat na ba ang mga suntok ninyo para doon? Sapat na ba iyon sa pag kamkam ng Bellamore shares? Kung oo pwes sa akin Hindi! " Nakita ko ang malumanay na titig ni Papa sa akin.

