25th Confrontation

1459 Words

DERE-deretso lang ang pagmamaneho niya hanggang sa matanaw na niya ang maliit na ospital. It was just a plain white two-story building and it seemed so quiet inside. Pagkaparada ni Denim sa harap ng ospital, bumaba agad siya ng kotse at tumakbo papunta sa main entrance ng building. Pero hindi pa man din niya nahahawakan ang glass double doors, may bumagsak nang tatlong bampirang may barcode sa leeg sa kanyang harapan. Dahan-dahan siyang umatras habang pinagmamasdan ang mga Bloodsucker na nakaharang sa daan niya. Iba ang mga ito sa nakasanayan niyang mga bampira na kalmado. Ang tatlo sa harap niya ngayon, mababangis ang anyo. Itim ang mga mata na may ginintuang bilog sa gitna, payat at naka-crouch na parang handa nang umatake, at tumutulo ang laway na parang gutom na gutom na. Hindi nila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD