NANG masiguro ni Eton na maayos namang nagagawa nina Hyacinth, Saffron, at Onyx ang pamumuno sa ibang mga Bloodkeeper sa paglalabas ng mga biktima mula sa laboratory at paglalagay sa mga bangkay sa bodybag, iniwan na niya ang tatlo. Palabas na siya ng ospital nang matigilan siya. Mula sa basag na salaming pinto, nakita niya si Denim na nakatayo lang sa labas habang nakatingala. Napansin din niyang yakap ng babae ang sarili nito. Sabagay, malamig ang hangin dahil malalim na ang gabi. Saka manipis din ang suot nitong T-shirt. Huhubarin sana niya ang suot niyang jacket, pero napansin niyang puro talsik ng dugo 'yon. This won't do. Hinarang ni Eton si Saffron na dumaan sa gilid niya habang may dalang bodybag na wala pa namang laman. "Take off your jacket, kid." Nanlaki ang mga mata ni Saf

