21st Confrontation

1385 Words

NAPASINGHAP sa gulat si Denim nang makita ang bite marks ni Finn sa leeg niya habang tinitingnan niya ang reflection niya sa rearview mirror ng dina-drive nitong kotse. "Finn! Bakit hindi mo inalis ang bite marks mo? You usually don't leave a trace when you drink my blood." Nanatiling nakasimangot si Finn habang deretso lang ang tingin sa kalsada. "Ginagantihan lang kita dahil hindi mo na naman ako sineryoso." Walang comeback si Denim do'n kaya sumandal na lang siya sa kinauupuan at humalukipkip. "Saan ba tayo pupunta? Bakit hindi na lang tayo sa condo mo matulog? Medyo pagod na ko, eh." Nag-pout siya. "Saka maaga pa ang call time ko bukas." Sinulyapan siya ni Finn at dumaan ang pag-aalala sa mukha nito. Mabilis bumalik sa daan ang tingin nito pero umangat naman ang kamay nito at hinapl

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD