7th Confrontation

2322 Words
NAKATAYO si Tyrus sa sanga ng matabang puno at nakapatong ang isang braso sa katawan niyon habang sinusundan niya ng tingin si Lilac na halatang hinahanap siya. Kanina, nang makalagpas sila ng cabin, pinababa niya ng kotse si Lilac at iniwan ito ng walang pasabi. Saka siya nagtatatalon sa mga puno sa kakahuyan na kailangan munang daanan bago marating ang mansiyon na nagsisilbing kampo ng squad niya. Oo, dinala niya si Lilac sa campbase ng squad niya dahil hindi niya nagawang tanggihan ang desperadang pakiusap ng mortal na sumali sa paghahanap sa nilalang na pumatay sa kakambal nito. Alam niyang mali na idamay ang isang ordinaryong tao sa misyon ng mga gaya niyang Bloodkeeper, pero hindi niya nagawang tanggihan ang babae. Kung dahil sa nakikusap nitong mga mata na puno ng lungkot, o dahil sa boses nitong puno ng desperasyon, hindi niya sigurado. But it looked like she wouldn't accept a 'no' for an answer anyway. Napailing na lang si Tyrus nang maalala na pagkatapos niyang ihatid si Lilac sa apartment nito, wala pang sampung minuto ay lumabas na ito dala ang malaking maleta at malaking backpack. Mukhang nakapaghanda na ang dalaga na tumira kasama ang squad niya kaya nag-empake na ito bago pa man din sila mag-usap. Come to think of it, it seemed like she had planned this out carefully. Females are scary. Naputol lang ang pagmumuni-muni ni Tyrus nang may maliit na batong tumama sa noo niya. Hindi naman siya nasaktan, pero nainis siya na makitang si Lilac ang naghagis ng bato na 'yon. First, that woman slapped me. Now, she hit me with a pebble! Baka sa susunod, saksakin na lang ako ng mortal na 'to. Binigyan niya ng matalim na tingin si Lilac na nakatayo at nakatingala sa harap ng matayog na punong pinagtataguan niya. Hindi siya nakikita ng mortal dahil sa makakapal na dahon at matatabang sanga na nagkukubli sa kanya. Pero malamang, ginamit ng babae ang abilidad nitong makita ang kulay ng dugo ng ibang nilalang kaya alam nito kung saan direksyon siya babatuhin. 'Yon lang naman ang gustong subukin ni Tyrus kaya tumalon na siya pababa. Kahit mataas ang sanga na pinanggalingan niya, bumagsak pa rin siya na nakatayo sa lupa. "Tinamaan ba kita?" excited na tanong ni Lilac nang tumakbo ito habang hila-hila ang maleta nito. "Bakit parang masaya ka pang tinamaan mo ko?" reklamo ni Tyrus. Natigilan siya nang mahimigan niya ang iritasyon sa boses niya kaya tumikhim siya at kinalma ang sarili. As a squad captain, he had to maintain his cool all the time. And his squad could hear him from the mansion. "Oo, tinamaan mo ko." Huminto si Lilac sa tapat niya at tumingala, nakatitig sa noo niya. Kinagat nito ang ibabang labi na parang nagpipigil ngumiti nang malamang, nakita nito ang pamumula ng parteng tinamaan ng bato kanina. Magrereklamo sana si Tyrus, pero napansin niyang mas maaliwalas na ang mukha ni Lilac ngayon kaysa no'ng unang beses silang nagkita. Alam naman niyang pinupuwersa lang ng babae ang sarili nito na umarteng masigla at alam din niyang ginagamit lang siya nito bilang distraction, pero aaminin niyang gumaang ang kalooban niya sa panibagong disposisyon na ipinapakita nito ngayon. Baka nga maging ang pagpipilit ni Lilac na hanapin ang pumatay sa kapatid nito ay ginagawa lang nitong distraction para makalimutan nito ang sakit sa pagkamatay ng kakambal. "Lilac, naiintindihan mo ba kung gaano kaseryoso at kadelikado ang pagsama mo sa squad ko para hanapin ang nilalang na pumatay kay Marigold Hamilton?" seryosong tanong ni Tyrus. Bumaba ang tingin ni Lilac sa mukha niya. Naging seryoso rin ito. "My life has never been safe, Tyrus. Mas gugustuhin ko nang mapahamak na may ginagawang makabuluhan, kesa naman mapahamak ako dahil lang sa mga bampirang may masamang balak sa'kin." The fire that Tyrus saw in her eyes was enough to render him speechless. Mukhang wala na siyang magagawa o masasabi para mabago ang isipan ni Lilac. Gaya ng sinabi nito, ang kailangan na lang niyang gawin ay siguraduhing ligtas ito at hindi mawawala sa paningin niya. Bumuga na lang siya ng hangin at sa mabilis na pagkilos, inikutan niya si Lilac at marahang inagaw dito ang maleta nito. Pagkatapos, nauna na siyang maglakad bitbit ang bagaheng mabigat pa yata sa mortal. Dinala ba nito ang buong kuwarto nito? "Tyrus, may nakalimutan pala akong itanong sa'yo kanina," sabi ni Lilac nang humabol ito sa kanya at sumabay sa lakad niya. "Ano ba 'yong meron kami ng kakambal ko na gustong makuha ng kalaban niyo?" Biglang napahinto si Tyrus sa paglalakad. Gusto sana niyang sabihin kay Lilac ang totoong sitwasyon nito kapag kasama na niya ang squad niya. Pero baka mas makakabuti kung siya na mismo ang magsasabi sa mortal. Baka mailang ito sa mga kasamahan niya. And well, he wanted to assure her that no matter how dangerous her situation was, he would protect her with all that he got. "Kayo ni Marigold Hamilton, ipinanganak kayo no'ng gabing may pulang buwan," seryosong sabi ni Tyrus, saka niya nilingon si Lilac na nakatayo lang sa tabi niya habang kunot-noong nakatingala sa kanya. "Ang ibig sabihin no'n, may kakayahan kayong ipagbuntis at isilang ang anak ng mga nilalang mula sa ibang lahi. Like the vampire race." Bahagyang kumunot ang noo ni Lilac. "Is that that rare? I mean, half-half ka. Ibig sabihin, 'yong mother mo at ang nanay ng marami pang Bloodkeeper na gaya mo, ipinanganak din ng may pulang buwan kaya nga nagkaro'n ng maraming half human-half vampire or half-whatever sa mundo, 'di ba?" "Magkaiba ang panahon noon sa panahon ngayon, Lilac," mariing paliwanag naman ni Tyrus. "Ang mga tulad kong Bloodkeeper na nabubuhay sa kasalukuyan, hindi puwedeng maging mas bata pa sa isandaang taong gulang. Hindi rin naman kami gano'n karami. Dahil isang siglo na ang lumilipas, ipinagbawal na sa mga bampira ang pagbuo ng anak sa mga mortal. In fact, pure vampires should not even exist in this time." "Bakit naman?" "A century ago, the vampire king and queen ordered every vampire in the world to enter Eternal Sleep," pagkukuwento ni Tyrus. "It is equivalent to death for the vampire race." "Every vampire...." Napasinghap si Lilac, halatang nagulat. "So one of your parents..." "My father who was a Nobleblood, a high-ranking vampire in the society, entered Eternal Sleep a century ago," sagot ni Tyrus sa hindi natapos na tanong ni Lilac. "Alam ko na ang sunod mong itatanong kaya sasagutin na kita. Oo, masasabing parang mass suicide sa lahi ng mga bampira ang nangyari." "Tinanggap mo 'yon?" halos pabulong na tanong ni Lilac, puno ng simpatya ang boses. "Tinanggap 'yon ng mga kamag-anak o partner ng mga pure vampires?" "Ang pagsunod sa kagustuhan ang mga pinuno ng lahi ng mga bampira ay isang malaking karangalan para sa kanila," sagot ni Tyrus sa boses na puno ng pagmamalaki. "Aaminin ko. Mahirap at masakit makita ang aking ama na pumasok sa Eternal Sleep. Pero wala akong karapatang tumutol sa desisyon niya, lalo na't alam kong ginagampanan niya ang tungkulin niya bilang isang marangal na bampira. That's exactly why I'm proud of my father. Sigurado rin akong gano'n ang nararamdaman ng mga Bloodkeeper na sinamahan ang kanilang mga magulang o kapareha na pumasok sa habambuhay na pagtulog." "Bakit inutos 'yon ng vampire king and queen?" nagtatakang tanong ni Lilac. "Naniniwala silang tapos na ang misyon ng mga bampira sa mundo dahil kaya nang protektahan ng mga mortal ang sariling lahi," sagot ni Tyrus. "Na mas mapoprotektahan ng mga bampira ang mga tao kung mawawala na ang matatandang bampira. Pero dahil hindi naman gusto ng aming hari at reyna na tuluyang mawala ang mga bampira sa mundo, hinayaan nilang mabuhay ang mga tulad kong mga kalahating-bampira lang. Mapaparami pa naman namin ang mga tulad namin kapag nagkaro'n kami ng kapareha. Mas ligtas ang mga mortal sa mga tulad kong Bloodkeeper dahil kumpara sa mga purong bampira, nakokontrol namin ang kagustuhan naming sakupin ang mga mortal. Kaya rin naming makuntento sa tahimik na buhay. 'Yon sana ang plano pero gaya siguro ng iniisip mo, may mga tumutol at nag-aklas." "Sabi ko na, eh," iiling-iling at pumapalatak na sabi ni Lilac. Tumango si Tyrus bilang pagsang-ayon. "May mga purong bampira ang nag-aklas dahil ayaw nilang pumasok sa Eternal Sleep. Nag-traidor sila sa kautusan ng hari at reyna. Kaya ngayon, kaming mga Bloodkeeper sa ilalim ng pamumuno ni Lord Nicholas– ang nag-iisang Nobleblood na pinayagang hindi matulog para pamunuan ang mga Bloodkeeper– ay may misyon na hulihin ang mga traidor na 'to at pigilan ang masamang balak nila na muling iangat ang lahi ng mga bampira at sakupin ang mundo." Naipatong ni Lilac ang mga kamay sa dibdib, nanlalaki ang mga mata. "Ah, may leader kayong Nobleblood..." Unti-unti itong natigilan at napalitan ng galit ang pagkaaliw sa mukha nito kanina. "Wait. 'Yong bampirang nakasama ni Marigold... isa siya sa mga traidor na hina-hunting niyo?" "Gano'n na nga." "Ang bampirang 'yon... alam niyang kayang magbuntis at magsilang ni Marigold ng anak mula sa kanya, at plano niyang gamitin lang ang sanggol para paramihin ang lahi niya?" galit na tanong ni Lilac. "Pinaglaruan niya lang ang kakambal ko?!" "Hindi pa namin alam ang dahilan niya kung bakit gusto niyang magkaro'n ng anak sa isang mortal," maingat na sagot naman ni Tyrus. "Kilala niyo na kung sino ang bampirang 'to?" kunot-noong tanong ni Lilac. Damn, this girl was sharp. Bumuga ng hangin si Tyrus at tumango. "Oo, Lilac, Kilala namin kung sino ang bampirang ito." "Sino siya?" "Para saan, Lilac? Ni hindi pa nga namin na-te-trace kung saan siya nagtatago." "Gusto kong malaman kung anong klase ng bampira ang gumawa no'n sa kakambal ko," mariing giit ni Lilac, nangingilid ang luha sa galit. Tinitigan ni Tyrus ang kulay abong mga mata ni Lilac. Then he realized that he had no match against her stunning eyes that seemed to pull a string in his heart. "Magnus Cadmus Stratton," sagot niya sa pasukong boses. "Siya ang pinakabatang Nobleblood sa lipunan. Kung tatanungin mo kung anong klaseng bampira siya, isa lang ang masasabi ko: baliw. He once tried to kill the vampire prince during a fencing match. Kung hindi dahil sa kabutihang loob ng prinsipe, baka matagal na siyang pinarusahan ng kamatayan." Nasapo ni Lilac ang noo nito na para bang bigla itong na-stress. "Matalino at malakas makaramdam si Marigold. Paano siya nabilog ng gano'ng klase ng bampira?" "Don't underestimate a Nobleblood, Lilac," saway ni Tyrus kay Lilac. Hindi naman niya pinagtatanggol si Magnus. Gusto lang niyang malaman ni Lilac kung gaano kapanganib at kalakas ang kalaban nila. "Magnus is one of the most cunning vampires you'll ever meet. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit mahabang panahon siyang nabuhay sa kabila ng mga nagawa niyang kasalanan laban sa royal family?" Humugot ng malalim na hininga si Lilac na parang kinakalma ang sarili. "Hindi si Marigold ang unang babaeng sinubukang lahian ng Magnus na 'yon?" "Si Marigold ang pinakabago at pinakahuling nahulog sa bitag ni Magnus," maingat na sagot ni Tyrus. Hindi niya masabi ang salitang "biktima." Ewan ba niya pero para bang ayaw niyang masaktan si Lilac. "Gaya ng sinabi ko kanina, iba na ang panahon ngayon. Mas marami nang bampira ang wala sa kontrol. Sila ang dahilan kung bakit mabilis namamatay ang mga tulad mong ipinanganak na espesyal. Mabango ang dugo niyo at lapitin kayo ng trahedya. That makes you easy prey. That's why today, a full-grown female born during a red room is rare. Karamihan pa sa mga mortal na may alam sa kanilang abilidad, itinatago ang mga sarili nila para makaiwas sa kapahamakan. "Hindi na siguro umasa si Magnus na may makikita siyang mortal na may kakayahang ipagbuntis ang anak niya. Siguro, desperado na siya kaya sinubukan niya ang mga babaeng ipinanganak din naman ng may kakaibang pangyayari sa buwan. Espesyal din ang mga gano'ng klase ng mortal, kaya nga nabuo pa rin ang sanggol sa mga sinapupunan nila. Pero hindi pa rin 'yon sapat para lumaki ang bata at mabuhay sa kanilang katawan kaya 'yon din mismo ang ikinamatay nila." Kumunot ang noo ni Lilac at itinaas pa ang isang kamay. "Bakit hindi na lang mangagat at sumipsip ng dugo ang Magnus na 'yon para dumami ang lahi niya?" "Si Mayumi, ang pinakamalakas na salamangkera ng kanilang lahi, ang tumulong sa vampire king and queen para ipasok sa Eternal Sleep ang mga purong bampira. At bago namatay si Mayumi, sinumpa niya ang mga traidor bilang parusa sa pagtakas ng mga ito sa panghabambuhay na pagtulog," paliwanag ni Tyrus. "Ang marka ng barcode sa leeg ng mga bampira ang simbolo niyon. Nawalan na sila ng kakayahang baguhin ang mga mortal na kinakagat nila, at sa oras na uminom sila ng dugo ng mga tao, mamamatay naman sila. Kaya maraming bampira ang nabaliw sa labis na pagkauhaw." "Posibleng ang natitirang paraan na lang na nakita ng Magnus na 'yon sa pagpapakalat ng lahi niya ay ang paggamit sa mga mortal na kayang magbuntis sa anak ng isang matandang bampira na gaya niya," nanghihinang realisasyon ni Lilac, biglang namutla. "Kapag nalaman niyang pinanganak din ako na may pulang buwan, siguradong gagawin din niya sa'kin ang ginawa niya kay Marigold." "'Yon ang iniiwasan nating mangyari," determinadong sabi ni Tyrus. "Ang sabi mo, ang mga salamangkerang nag-alaga sa inyo ang nagdesisyong paghiwalayin kayo ni Marigold at pagamitin kayo ng magkaibang apelyido. Hangga't hindi alam ni Magnus na may kakambal si Marigold, ligtas ka." "Hindi sinabi ni Marigold ang tungkol sa'kin. Pero paano kung malaman pa rin ni Magnus na espesyal din ako?" nag-aalalang tanong ni Lilac. Hindi alam ni Tyrus kung bakit biglang umangat ang kamay niya na para bang gusto niyang haplusin ang pisngi ni Lilac para kalmahin ito. Nang pigilan niya ang sarili niya, huli na ang lahat. Nakaangat na ang kamay niya at nakaharap ang palad niya sa mukha ng mortal. Damn. Kumunot ang noo ni Lilac sa pagtataka habang nakatingin sa kamay niya. "Ano 'yan?" Napalunok si Tyrus. Dinikit niya ang palad niya sa noo ni Lilac dala ng pagkataranta, saka siya biglang namulsa. He kept a poker-face and shut his mouth to avoid more mistakes. Lumabi si Lilac at hinimas ang noo nito. "Para saan 'yon?" "Ganyan ang pagbati ng mga Bloodkeeper sa isa't isa," pagsisinungaling ni Tyrus, saka niya tinalikuran si Lilac at nauna na siyang maglakad habang hila-hila ang maleta nito. "Let's go to the mansion."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD