Kasama ko si Sadie sa aming kwarto habang naghahanda ako sa date namin ni Aleksey. I can’t even understand how I am feeling right now. I am excited but nervous at the same time. Pero may halo din na saya. I think this is the first time that he formally asked me for a date. Curious nga rin ako kung nagde-date pa rin sila ng aking kapatid kahit mag-asawa na sila. Pero sa tingin ko, hindi naman nito gugustuhin na mag-dinner sa isang Bar at Restaurant, maarte ‘yon, mga damit pa nga lang niya super extravagant na. Fine dining maybe or a party for the rich. Ano ba yan! Date namin ng asawa ko pero sumisingit pa rin si Amelia. Sana naman patahimikin na niya ang buhay ko at wala ng manggulo pa. Tinutulungan ako ng aking sister in law para mag-ayos. Siya ang naglagay ng simple makeup ko sa mukha a

