Napatingin ako sa aking phone nang mag-vibrate ito. Nasa master's bedroom ako at hinihintay na pumasok si Lyosha kaya lang nasa office pa rin ito at hindi ko alam kung ano ang kanyang ginagawa. Mukhang matutulog na naman ako na wala siya. Pero hindi ko din naman papayagan ito kaya pinakiusapan ko ang aking magulang na bantayan muna si Kolya. Kailangan ko kasing isagawa ang aking plano ngayon. Napangiti ako sa message of encouragement ni Sadie na dumagdag sa aking confidence. Inayos ko ang aking suot na baby doll na lingerie na kulay sky blue katulad ng kulay ng kanyang mga mata. It is made of silk kaya ang soft ng feeling, it’s sexy pero not too revealing na makikita na ang lahat-lahat, may slit lang siya sa isang side at kita ang ibabaw ng boobs ko. Tapos nakasuot lang ako ng lace panty n

