Nagtutuyo ako ng buhok habang naglalakad palabas cr. I wore his black t-shirt and my cycling shorts. Ginamit ko 'to kanina dahil naka-skirts ako. Hindi naman siya basang-basa kaya iyon na lang ginamit ko kaya sa shorts ni Ralph. Pero naging dahilan para magmukhang wala akong suot dahil ang haba ng damit niya sa akin. Hindi ko na 'yon pinroblema pa. Hindi naman ako hubad sa harap niya e. Pagkalabas ko ng cr ay malamig na simoy ng aircon agad ang bumungad sa akin. Wala na rin akong naririnig na patak ng ulan mula sa labas kaya siguro tinaasan na niya ang aircon. "Done?" Pinigilan ko namang umirap. Nakakasura kasi 'yong tanong, malamang tapos na ako. Lumabas na nga akong cr 'di ba? Ano may nakalimutan lang kaya lumabas? Hay nako. "Uhuh. You going in?" "Hmmm," he hummed while nodding

