"Bakit ka ba naman nagpatama, pre?" "Kinakalawang ka na ano?!" "Tsk." "Pinag-alala mo pa talaga si Dolce. Ikaw na bata kang talaga!" Pinikit ko ng mariin ang mata ko bago hinilit ang aking sintindo. Nananakit na ang ulo ko sa kanila. Nandito sila Cyrus, Ryus, at Aries idagdag mo pa si Lola Paula na kanina pa binubungangaan si Ralph. At saka sino bang may sabing nag-alala ako? Kung ano-anong sinasabi ni Lola Paula. "La, kailangan ko po munang umalis," paalam ko sa kanila. "Where are you going?" Binalingan ko naman ng tingin si Ralph na nakahiga ngayon sa kama. Kanina pang natanggal ang bala sa katawan niya, pero dahil may kalalaliman daw ang pwesto noong bala hindi muna siya pwedeng gumalaw ngayon. "Sa bahay. Aayusin ko 'yong kaso ni Papa." Tumango siya sa akin. "Take care, Dolce..

