The plan is to seduce Ralph. Iyon lang ang unang plano na pumasok sa utak ko nang marinig ang balita na ikakasal na siya. But... I guess I'm not that ill-hearted to suddenly throw myself to him again. Kaya kong lumapit sa kaniya, pero hindi ko kayang basta na lang gumawa ng aksyon para lang mapasaakin ulit siya. Hay, Dolce, masyado na talagang nakakaawa ang buhay mo. Pagkatapos ng simpleng party ni Tita ay nagkakayaan pang uminom sila Zero. Syempre sumama ako, pero hindi ako tumagay kahit isang bago. Nakaupo lang ako sa tabi nila at matamang nakikinig sa pinag-uusapan nila. Si Zero lang ang talak nang talak, kinukwento niya kasi ang naging buhay niya sa France na akala ko'y 'yon na ang pinag-usapan nila kahapon pero hindi pa pala. Miss ko na si Lawrence. Umiling ako at bumuntong hini

