I still can't believe it. My marriage... it's really coming. Umaga pa lang ay kung sino-sino na ang pumunta sa bahay. Kanina ay sinukatan kaming dalawa ni Ralph. Kahit ang barkada ni Ralph ay nasa bahay rin para magpasukat ng damit. Of course hindi mawawala si Lola Paula na mukhang mas excited pa sa akin. "Finally! Mag-se-settle down na rin ang apo ko," masayang pagdedeklara niya. "Naunahan man ako ni Ryus sigurado akong una akong magkakaapo kay Ralph," tuya niya kay Ryus. Tumawa naman si Ryus bago inakbayan ang asawa niyang pulang-pula na ang mukha. "La, paano kapag ako ang nauna?" Pumalakpak naman si Lola Paula bago nilapitan si Ralph. "Sigurado ka ba diyan? Etong manok kong 'to magpapahuli?" Natawa naman kaming lahat dahil doon. Nagsalubong naman ang kilay ni Ralph, pero kalaunan

