"Saan tayo pupunta?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Paano ba naman agang-aga pinagbihis niya agad ako. Ayaw niya pang sabihin kung saan kami pupunta, surprise daw. "Just wait," pagpapatahimik niya. Inirapan ko na lang siya pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko habang ang kabila ay ginagamit niya sa pagdadrive. Pinigilan ko namang ngumiti nang malawak. Tanda tanda ko na pero kinikilig pa din ako sa mga ganitong bagay. Habang magkahawak ang kamay naming dalawa ay pareho lang kaming tahimik na nakatingin sa daan. Maraming tao sa daan dahil nasa bayan kami ng Sitio Verdi, may kalayuan 'to sa bahay namin kaya ngayon lang ako nakapunta dito. Nakakatawang tingnan. Kung tutuusin hindi pa matatawag na bayan ito, walang naglalakihang building na nakakatamad tanawin dahil nakakasakit sa le

